Hanggang makauwi sa mansiyon ay para pa din akong nakalutang sa ulap. Halos nakalimutan ko na ang hindi magandang nangyari kanina.
Ganito pala ang pakiramdam kapag may boyfriend. Sobrang saya pala sa pakiramdam. Sobrang nakakakilig. Never have I imagined myself having a boyfriend at a young age. My goal is to have a boyfriend after I graduate in college but things happen unexpectedly.
Muli ko pang binasa ang nakasaad sa aming kasunduan ni Darius at tsaka itinupi. Inilagay ko uli ito sa box at ibinalik sa aking cabinet. Nahiga na ako sa aking kama at hindi na naman mapigilang mag-isip.
Should I tell mom and dad about it? What if they disagree? What if they want someone else for me? Sabagay, mula si Darius sa isang mabuti at respetadong pamilya. Being rich is just a bonus. Pero hindi pa din ako pwedeng makampante.
Napakagat ako sa aking labi. I wasn't thinking right when I signed it pero hindi ko maipagkakaila na gusto ko ang lahat ng nangyayaring ito. Hindi ko inisip na sobrang mahalaga at sagrado ang kasal. Ngayon pa lang napoproseso ng aking utak lahat. Pero hindi ko din maikakaila na masaya ako.
Paano kung nagkamali ako sa desisyon kong ito?
Hindi. Hindi naman siguro. Darius is a good and honorable man. Hindi niya ako pababayaan.
Pero bata pa ako at marami pang maaring mangyari. What if along the way I will fall in love with someone else? Or he will? At paano kapag hindi na ako masaya? Kapag hindi na siya masaya? Is that agreement even irrevocable?
Gosh! Bakit ko ba iniisip iyon? Ang mahalaga masaya ako ngayon.
Pero kailan ko nga sasabihin kina mom at dad? Or at least tell them I have a boyfriend now? Kaya lamang ay kabilin-bilinan sa amin ni Diana na huwag munang mag boyfriend. Hayy paano ba to?
Hindi ko mapigilang mapatulala sa kisame. Ilang minuto ay ipinikit ko ang aking mga mata, umaasang kinabukasan ay makakaisip ako ng tamang gagawin para sa aking prinopoblema.
Diana and I are at the gym right now. Wala kasi ang aming teacher dahil um-attend ng seminar kaya naman nakakapanood kami ng practice nila Darius ngayon. They are only in senior high pero sigurado akong hindi sila kulelat. All of them are tall and are good at shooting so I think they have a big chance to win.
Nasa taas kami nakaupo ni Diana para mapanood namin sila ng maayos samantalang ang mga kaibigan nilang babae ay sa baba malapit sa mga gamit nila Darius. Hindi talaga namin makuhang makipag-close sa kanila dahil hindi namin sila masabayan at tsaka maaarte sila. And I think they don't like us either so we're just even.
"Ang galing talaga, oh!" wika ni Diana pagkatapos nitong humiyaw at i-cheer si Darius sa kanyang three -point shoot.
Ako naman ay pumapalakpak lang at nahihiyang ngumingiti sa twing gagawi sa akin ang kanyang tingin. He looks at me as if those shots are for me. Tipid ko lang siyang nginingitian kahit sa loob-loob ko ay gustong-gusto ko ng sumigaw sa saya.
Hindi ko din matagalang makipagtitigan sa kanya kaya tumitingin ako at ngumingiti sa kanyang mga ka-grupo para na din hindi makahalata ang iba na kami.
Nang natapos ang kanilang praktis ay nagtungo ang lahat sa kani kanilang mga gamit habang masayang nagki-kwentuhan at nagtatawanan.
Berrnadeth stood up and offered Darius a bottle of water. Napatingin naman ako sa aking dalang bottled water. Bago kami nagtungo dito ay pinilit pa ako ni Diana na ibili si Darius nito dahil ano daw klase akong girlfriend kung hindi ko daw maalagaan ang boyfriend ko. Kaya naman bumili ako kahit nahihiya akong iabot ito sa kanya.
Akala ko ay kukunin niya ang inaabot ni Bernadeth ngunit may sinabi lang siya dito at umakyat na papunta sa amin.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang lumapit siya sa kinauupuan ko.
YOU ARE READING
Chasing Darius (Chase #2)
عاطفيةThe Rodrigos and Ildefonsos are the most powerful and richest families in Santillan. They are rivals in terms of business, kaya marami ang nagulat nang maging magkaibigan ang dalawa. Nerva Aurelia Rodrigo's crazy teasings to Darius Hadrian Ildefonso...