I was anticipating the whole week for Saturday. I won't dare miss Darius' mother's invitation for me to visit their land. I know I shouldn't be too excited because we have the same kind of business but something else excites me.
The whole week happened so lightly and the same. Ang kaibahan lang naman ay tinutukso ako ni Diana kung bakit ako nagpunta sa mga Ildefonso.
"Sabi ko na nga may gusto ka kay Darius, eh. May pa friends-friends ka pang nalalaman diyan." tinusok niya ang tagiliran ko. Napaatras ako ng kaunti dahil sa kiliti.
"Friends nga lang."
"Aruy, may pa cookies ka pa nga." sobrang laki ng ngisi niya sa akin, ayaw talaga akong tigilan.
I rolled my eyes at her. "I told you many times already. That is a thank you gift, tsaka hindi lang siya ang binigyan ko pati na rin ang mga bata sa baryo."
"Pero excited ka bukas?"
Napanguso ako sa tanong niya at binuksan ang bag para ilabas ang notebook para sa next subject. "Oo."
She laughed hard and tapped her desk. As as result, our classmates turned to look at us.
I glared at her telling her to stop because we are gathering much attention.
"I'm said so."
Natawa ako sa english niya. "I said so." pagtatama ko.
"Ganun din iyon, naintindihan mo nga."
Napailing ako at natawa na lang sa kaibigan.
Kinaumagahan ay maaga ulit akong gumising para makapag-ayos ng sarili. I just wore a white shorts and a blue t-shirt. Puting sapatos ang ipinares ko para mas magaan sa pakiramdam.
Actually, hindi pa ako nakakapagpaalam kay mommy at daddy. But for sure papayagan naman nila ako dahil maayos naman ang mga pamilya namin. Kung hindi, sana sinabi na sa akin ng mama ni Darius o pinalayas na ako sa kanilang mansiyon nang makita ako doon. But no, she treated me as a guest and she was kind to me.
"Mommy, daddy bibisita ako ngayon sa isang kaibigan ko." panimula ko. Kakaumpisa pa lang namin kumain.
Naningkit ang mga mata sa akin ni mommy. "Sinong kaibigan mo?"
"Iyong naghatid po sa amin noon ni Diana."
Seryoso lamang na nakikinig sa amin si daddy habang kumakain samantalang si mommy ay tinaasan ako ng kilay.
"Nanliligaw ba sayo Nerva Aurelia?"
"Mom, no." giit ko. "His mom invited me to visit their mansion."
"Who are they, really, Aure?"
"The Ildefonsos, mommy."
Muntik nang maibuga sa akin ni mommy ang iniinom na kape. Gulat na gulat ang kanyang hitsura.
I wonder why she reached that way.
"Again, Nerva Aurelia?"
"Tita Sylvanna invited me, mommy. Ang tinutukoy kong kaibigan ay si Darius."
Mommy glanced at daddy questioningly but he remained calm.
"Was she, was she kind to you, Aure?" she asked carefully.
Dad watched me silently though his expression is serious.
I don't know but they seemed problematic inside.
Come on. Are the rumors really true? At kung totoo man, bakit kailangan ilihim sa akin?
"Opo, mommy." nakakunot-noo kong tanong. "May problema po ba? Totoo ba ang usap-usapan sa school na may alitan ang mga pamilya natin?"
YOU ARE READING
Chasing Darius (Chase #2)
RomanceThe Rodrigos and Ildefonsos are the most powerful and richest families in Santillan. They are rivals in terms of business, kaya marami ang nagulat nang maging magkaibigan ang dalawa. Nerva Aurelia Rodrigo's crazy teasings to Darius Hadrian Ildefonso...