Sa buong araw ng biyernes at sabado ay iyon ang naging laman ng utak ko.
Sa kanya ako sa buong araw ng linggo. Hayy. Pakiramdam ko matatae ako sa sobrang kaba. Parang gusto ko ding magtatalon sa sobrang sayang nararamdaman. Kailan pa ako naging ganito? 'Sa kanya lang' sagot naman ng isip ko.
Hindi na kami masyadong nagkakausap sa school dahil sa sobrang busy nila sa practice. Ngunit bawing-bawi naman sa gabi dahil palagi kaming nag-uusap. He always ask how was my day and if I have a hard time with math.
"Did you tell your friends that we are together now?" kuryosong tanong ko sa kanya. Ilang araw na ito sa isipan ko ngunit ngayon ko lang naalalang itanong sa kanya.
"I'm sorry. Do you want them to know? Hindi ko pa nasasabi dahil hindi ko pa alam kung gusto mo-"
"No. It's okay. I don't want them to know, yet."
"Okay. If that's what you want."
"Akala ko lang kasi nasabi mo dahil.." I paused coz I don't know if I'll tell him about it. Baka nagkamali lang ako na may nakitang panunukso sa mga mata ni Kheifer. Because of that I concluded that he knows about us.
"Dahil?" tanong niya nang hindi ko maituloy ang sinasabi.
"Uhm, dahil kaibigan mo naman sila."
Yeah. They are his friends so why didn't he tell them?
"Even if they are my friends I am still entitled of my own privacy. Isa pa, baka magalit ka dahil pinangunahan kita kaya gusto ko munang malaman kung gusto mong malaman nila."
I was touched by his sweet words and I can't help but admire his way of thinking.
Should I get used to it that someone's considering my feelings?
"Thank you. I'm sorry but I told Diana about it-"
"It's okay, baby."
Napakagat ako ng aking labi at napangiti. Darius! Hindi ka talaga titigil sa pagpapakilig sa akin? Sobra-sobra mong pinapabilis ang tibok ng puso ko. Baka atakehin na ako sa puso nito!
"Still there, baby?"
"Y-yeah!"
Parang gusto ko nang magtatalon at sumigaw sa sobrang saya. Do we have a new endearment now?
Baby!
Parang ang sarap bigkaisn at itawag sa kanya. Kaya naman buong gabi ay nangingiti ako at pilit inaaalala ang malambing na boses niya nang tinawag akong baby. Para na nga akong baliw kakangiti.
Kinabukasan ay maaga akong nagpaalam kay mommy na pupunta ako sa mga Ildefonso. Nagtaka pa siya dahil hindi naman ako nagpupunta doon tuwing linggo. Madalas ay sa bahay lang ako at tumutulong sa pamimigay ng meryenda sa mga trabahador.
"Pupunta ka doon ngayon?" tanong niya nang maibaba ang hawak na papeles.
"Opo, mommy. Tita Sylvanna misses me so I've decided I would go there today since Sunday is my only free day."
"Sylvanna?" gulat na gulat siya kaya naman napangiti ako nang bumaling sa kanya.
"Yes, mommy. They are so kind to me."
"G-good." wika niya bago ibinaba ang mga mata sa mga papeles sa harapan niya.
Hindi din ako nagtagal sa opisina ni mommy at nagpahatid na kay manong Gilbert. Naabutan ko sa kanilang lanai ang mag-iina. Agad tumayo si Darius nang makita ako.
I am wearing a white floral dress and a white flat shoes. Nahihiya akong lumapit habang ang mga kamay ay nasa aking likuran.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang kunin niya ang aking kaliwang kamay na nasa aking likuran at hawakan ito habang naglalakad kami. Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kanya ngunit siya ay confident lang na naglalakad at parang wala lang ito sa kanya. Samantalang ako ay halos lalabas na ang aking puso sa sobrang kabog nito.
YOU ARE READING
Chasing Darius (Chase #2)
RomansaThe Rodrigos and Ildefonsos are the most powerful and richest families in Santillan. They are rivals in terms of business, kaya marami ang nagulat nang maging magkaibigan ang dalawa. Nerva Aurelia Rodrigo's crazy teasings to Darius Hadrian Ildefonso...