Rhoichi's POV
Umagang umaga, heto ako na parang zombie habang tinatahak namin nina Edelle at Zeke ang daan papunta sa canteen ng University. Tinakpan ko muna ang bibig ko bago humikab, halatang hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangingitim ang ilalim ng mata ko. Eye bags.
"Hey, you okay?" Tanong ni Edelle, kaya napatingin ako sa kaniya. Siya lang ang nagtanong sakin dahil abala si Zeke sa pagdudotdot ng cellphone nito habang nangingiti.
"Sleepy" tila'y tinatamad at inaantok kong sagot sa kaniya bago humikab uli.
"Ano bang pinaggagagawa mo at parang hindi ka nakatulog sa itsura mo?, and you even have eyebags" panenermon sa niya sa akin.
Napaiwas naman ako ng tingin, at hindi alam kung ano ang isasagot sa kaniya. Kesa namang sabihin ko na dahil sa paghalik ni Kuya Hades sa pisngi ang hindi nagpatulog sa akin. Tapos tutuksuhin niya ako kagaya ng panunukso niya sa kakambal niya na hanggang ngayon ay tutok pa rin sa cellphone niya. Fujoshi pa naman ang babaeng ito.
"Wala"
"Talaga?" tila hindi naniniwalang tanong niya habang mataman na nakatingin sa akin.
"Bakit pala kanina pa nagpipindot si Zeke sa cellphone niya at nangingiti pa?" Pag-iiba ko sa usapan namin.
Napasimangot naman si Edelle dahil sa pag-iiba ko ng usapan bago siya bumaling ng tingin sa kambal niya abot tenga ang ngiti habang tutok pa rin sa cellphone nito.
"You are just changing the topic"
"Am not!" Sabi ko.
"He is like that, kasi baka katext niya si Kuya Miguel na kaklase mo at nakasayaw niya kagabi" sabi niya at nilakasan pa para marinig ni Zeke, na agad namang napatingin sa amin. Pasimple nitong isinuksok ang cellphone sa bulsa ng school pants na suot niya.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong nito.
"What do you think?, Lover boy" panunukso ni Edelle at inirapan ang kambal. Napataas naman ang kaliwang kilay ni Zeke dahil sa itinawag sa kaniya ng kakambal niya.
"Lover boy?, who?" nakataas pa rin ang kilay na tanong ni Zeke sa kakambal niya. Napairap at napaingos naman si Edelle dahil sa pagkukunwaring walang alam na si Zeke.
"Argggh, bwiset ka! Sino pa ba ang tatawagin kong lover boy kundi ikaw lang, alangan namang si Rhoi!" Naaasar na singhal ni Edelle sa kakambal. Napataas naman ng dalawang braso si Zeke na tila'y sumusuko sa kakambal niyang unti nalang ay magbuga ng apoy dahil sa pagkainis.
Napapailing at napapatawa nalang ako sa kanila dahil para silang mga asu't pusa.
"Hindi ko alam na may dragon pala akong kakambal" nangingiwing pang-aasar nito kay Edelle. Lumaki naman ang butas ng ilong ni Edelle dahil sa sobrang inis.
"BUWISET KANG BAKLA KA!!!" sigaw ni Edelle, at ayun na po sila naghahabulan na, na parang mga bata, nagsisisigaw si Edelle habang pinagtatawanan naman siya ng kambal niya.
Napapailing nalang ako habang nakatingin sa kanila na naghahabulan, hanggang sa may maramdaman akong presensiya sa likuran ko. Nilingon ko ito, at napaiwas agad ako ng tingin nang malaman kung kanino nagmumula ang presensiya na iyon. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng pisngi ko.
"No running in the hallway" pagsasalita nito gamit ang malamig na boses. Narinig naman ng kambal dahil may kalakasan ang pagkakasabi niya.
Napapayukong napahinto naman ang dalawa at palihim na nagkukurutan o nagsisisihan dahil sa nahuli sila ng Student Council's President.
"Sorry po, President Mikael" sabay na paghingi ng tawad ng dalawa bago nagtinginan ng masama. Napailing nalang ako, gusto pa atang masermunan ng dalawa.
Napapitlag naman ako ng biglang hawakan ni Kuya Hades ang noo ko kaya napatingin ako sa kaniya. Kahit wala siyang ekspresiyon sa mukha may nakikita naman akong kunting emosyon sa mga mata niya katulad ngayon parang pag-aalala ang nakikita ko dahil lumamlam ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"Are you okay?, your face is so red" tanong niya habang kinakapa ang noo at leeg ko. Pinigilan ko naman ang mga kamay niya sa pagkapa ng temperatura sa leeg at noo ko kasi kanina pa nakatingin iyong kambal.
At base na rin sa mga ngising suot nila sa kanilang mga labi, ako naman ang tutuksuhin nila mamaya kapag kami nalang ang naiwan.
"Okay lang po ako"
"Are you sure?"
Tumango naman ako bilang sagot, napahinga naman ito ng maluwang at tinignan ako na may pag-aalala pa rin sa mga mata. Binigyan ko namam siya ng isang ngiti.
"Huwag na po kayong mag-alala, ayos lang po talaga ako Kuya Hades"
Napakamot nalang ito sa likod ng ulo niya bago ginulo ang buhok ko at binigyan ng isang maliit na ngiti na ako lang ang nakakakita dahil medyo malayo sa pwesto namin ang kambal.
"Pasensiya na rin po sa mga kasama ko" paghingi ko rin ng paumanhin habang napapakamot sa batok dahil sa hiya. Ginulo naman ulit ni Kuya Hades ang buhok ko, haysss pahirapan na naman ako sa pag-aayos ng buhok ko.
"Take care of yourself, okay?" Paalala nito sa akin.
"Opo, sige po una na kami"
"Okay, and you two no more running in the hallway" sabi niya at pinaalalahanan din ang kambal na agad namang tumango sa kaniya at nagsalute.
"Tara na" aya ko sa dalawa at hinila na sila. Kumaway muna ako kay Kuya Hades na tinugunan din naman nito ng kaway bago mawala na siya sa paningin ko.
At ito ang pinakaayaw ko kapag ako nalang ang mag-isa eh lalo na kung ang kambal ang kasama ko. Nagsimula na silang tuksuhin ako kay Kuya Hades, kesyo ganto kesyo ganun. Hayssss
"Kyaaaaahhh, did you see how President Mikael caressed Rhoi's head? It's so gentle" si Edelle habang naglalakad kami papuntang canteen.
"Yeah, and also the worried look he is giving while checking Rhoichi's temperature" segunda naman ni Zeke.
Nasa likod ko lang po sila dahil nangunguna ako sa paglalakad. Pero kung magbulungan sila, maaari nang marinig ng mga taong nakakasalubong namin. Napapailing nalang ako at namumula sa hiya dahil sa kanila, paringgan ba naman ako na halos marami na ang nakakarinig.
"Ayieeeeee, our friend is blushing" panunukso nila at tumapat sa akin sa paglalakad. Hindi ko nalang sila pinansin at binilisan ang paglalakad para makarating na kami sa canteen.
Napahampas ako ng mahina sa noo ko habang naiiling.
What a day of teasing from this two friend of mine. Hayssss
To be Continue
__________________________________________
Boyslove_04
BINABASA MO ANG
Loving Student Counsil's President (BL) ON-HOLD
Teen FictionA young boy who fell inlove to the Student Council's President What will happen to them? Will the President feel the same?