LSCP 7

1.9K 75 31
                                    

Rhoichi's POV

    "Ano ba, tigilan niyo nga akong dalawa!"

Argggghh, hanggang ngayon ba naman tinutukso pa rin nila ako. Kahapon pa nangyari iyon pero nasa memorya pa rin nila.

    "I just want to know, what's between you two?" Maktol naman ng Fujoshing si Edelle at nagdadabog pa talaga habang nakasimangot.

    "Bakit ako nalang laging nakikita mo?, ayan iyong kambal mo na hindi maalis alis ang tingin sa cellphone niya" reklamo ko naman habang nakasimangot at nakatingin kay Zeke.

    "Ayan na naman po siya, iniiba na naman ang usapan"

    "Hindi kaya!, saka mas interesting pa nga ang kay Zeke eh"

    "Yeah, yeah whatever"

    "Edelle!" Napipikon ko nang tawag sa pangalan niya, bibigyan naman ako ng babae ng peace sign habang nakadila pa at kinindatan ako.

Dahil abala nga si Zeke sa cellphone niya, hindi nito napansin ang kakambal na nasa likuran na habang nakikibasa ng exchange text nila ng katext niya.

    "Hoy, hoy. Ano iyan bakit may pa "I miss you, i miss you" pa kayong dalawa ni Kuya Miguel hah" puna nito sa kakambal na agad namang sinuksok ang cellphone sa bulsa bago binalingan ng masamang tingin si Edelle.

    "Parang hindi nagkikita araw-araw ah, ang lalandi. Pero anong real score sa inyong dalawa?" Pagkatapos manermon, maloka namang tinanong si Zeke na pumupuso pa ang mata.

Napapailing nalang ako dahil sa pagkaFujoshi ni Edelle.

    "Real score?, hmm wala"

    "May pa I miss you pang nalalaman tapos wala, huwag mo akong pinalololoko damuho ka hah" asar na sabi ni Edelle habang kinukurot ang tagiliran ni Zeke.

    "Aray, ano ba Edelle?!. Tigilan mo nga ang pagkurot sa akin at masakit"

    "No freaking way, tell me the truth"

    "Wala naman akong aaminin"

    "Liar!"

    "I am not!"

    "You are!"
 
    "Am not!"

Haysss, at ayun na po nagbangayan na sila. Nandito kami sa school garden at nakatambay habang lunch break namin. Kaya pinagtitinginan na kami ng mga dumaraan dito.

    "Hindi ko po sila kilala" sabi ko habang tinatakpan ang mukha dahil ako ang nahihiya sa ginagawa ng kambal.

Tinatakpan ko na rin ang magkabilang tenga ko kasi nabibingi na rin ako sa bangayan nila. Hanggang sa may humila sa akin patayo, kaya napatingala ako sa kaniya dahil sa matangkad ito.

Saka hinila ako kung saan, hindi naman iyon napansin ng dalawang tuloy pa rin sa pagbabangayan dahil mga nakatalikod ito sa akin at busy sa ginagawa nilang ingay.

    "Wait, nasaan na si Rhoi?"

Rinig kong tanong ni Edelle, hindi kasi ako nila makikita dahil nasa harapan ako ng taong humila sa akin at natatakpan ako. Patuloy pa rin akong hinihila ng lalaking kilala ko kung saan.

Loving Student Counsil's President (BL) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon