Chapter 12

593 18 9
                                    








Cara's POV






Pagkapasok ko ng room agad agad akong umupo sa upuan ko. Lintik! ang sakit pa rin ng balakang ko. Walanghiyang lalaki kasi yun.





"huy Cara! Ang aga aga nakabusangot na yang mukha mo". ani ni Cat



"May nakabangga kasi akong nakakainis na unggoy kanina papunta ng room." saad ko



"Unggoy? Kelan pa nagka unggoy dito sa school?" Takang tanong ni Chanel



"Hay naku! Chan hindi literal na unggoy ang tinutukoy ni Cara. Kwento mo nga samin kung ano ba talaga nangyari?" Balik na tanong ni Cat




"Late na kasi ako kaya tumakbo na ako papasok eh may biglang bumangga sakin na akala mo kung sino imbes na tulungan ako eh pinangaralan pa ako." sabi ko




"Sino ba kasi yun? Namumukhaan mo ba? Gwapo ba?" Tanong ni Chan




"Gwapo sana kaso simpatiko. Akala mo naman kung sino na." sagot ko sa tanong



"Good morning class!" bati na pambungad ng aming prof




"Maya na natin ituloy ang chika girls" saad ni Cat.

















Sa kabilang dako naman ng kwento








Xander's POV






Nasa garden ako ngayon at kumukuha lang ng kung anu anong pictures. Wala kasi yung prof namin ngayon kaya imbes na mag ingay sa room mas gusto ko na lang dito para may oras ako sa photography ko.



*click*




*click*




*click*









"Excuse me bro." someone




"Yes?" Iniwas ko ang focus ko sa aking camera. At nakita ko ang isang lalaki sa aking likuran.




"Saan dito yung room 204P?" Tanong nito



"204P? Bago ka dito noh? I'm Xander Forbes by the way. At magkaklase tayo." sagot ko.





"I'm Prince Dwight Collins and yes bago lang ako dito. What do you mean magkaklase tayo?" Balik na tanong niya.




"I'm taking up photography as well gaya mo. Kaya ako nandito sa labas kasi wala yung prof natin, absent." pagpapaliwanag ko



"Is that so? Oh well might join you here" sabi nito



"Sure" sabi ko


















"You look familiar" out of nowhere bigla itong nagsalita.


"Talaga? Iba talaga ang gwapo noh. HAHAHAH!" pabiro kong sabi.


"You said awhile ago your name is Xander Forbes which means isa ka sa mga The Forbes Brothers, am I right?" Tanong nito ulit


"You're right. Ako ang pang apat sa The Forbes Brothers." Sabi ko



"That's nice. Classmate ko pala ang isa sa pinakasaikat na TFB eh. Sana maging magkaibigan tayo." Sabi nito


"Yun lang pala eh. Walang problema" sabi ko naman.

















Dismissal~~~~~









Cara POV



Asan kaya si kuya Xander? Magpapasama sana ako sa kanya mamayang uwian. Kainis naman kasi yun iniwan iwan pa ako.





"Huy!"



"Ay tipaklong!" gulat na sabi ko



"Wow ha baby princess itong gwapong to? Tipaklong?" Sabi ni kuya Xander




"Sorry naman. Ginulat mo ko eh. Kanina pa kita hinahanap kuya. Saan ka ba galing?" Tanong ko



"Sa may garden lang. Wala kasi yung prof namin kaya dun muna ako" sabi nito



"Anyways magpapasama sana ako sayo sa mall, pretty pleaseeeee?" pacute kong sabi




"Mall? Alam mo naman ayaw ko mag mall kapag kasama ka dba? Ang tagal mo kaya" sabi nito




"Kuya naman eh" sabay hawak sa braso niya at nagpapacute pa rin.




"Fine. Sasamahan na kita. Kung di lang talaga kita mahal kapatid" sabi ulit nito



"Yehey! Alam ko mahal na mahal mo ako" sabay yakap kay kuya








"Ehem"









Aba! May istorbo sa paglalambing ko sa kuya ko. Kumalas ako sa yakap at tinignan kung sino iyon.























"Ikaw?!/ Ikaw?!" Sabay naming sabi.







"Ah nga pala baby sis siya si Prince Collins bagong lipat dito. Classmate ko sa photography. Prince si Cara naman ang bunsong kapatid namin" pagpapakilala ni kuya samin dalawa





"Oh. Kaya pala ang lakas ng loob magtatakbo sa corridor kahit nagsisimula na klase ng iba dahil bunsong anak pala ng Forbes" sabi nito na nang aasar




"Well excuse me Mr. Collins tumatakbo ako kanina kasi late na ako dahil iniwan ako ng magaling kong kuya" sabay irap sa kanya at pabirong tumingin ng masama kay kuya.



"Sorry naman sis. Si Liam kasi madaling madali na. Anyways magkakilala kayo?" Tanong nito






"Oo" / "Hindi" sabay na naman kami






"Hahaha! Ang cute niyong dalawa. Anyways, mauuna na kami Prince sasamahan ko pa to eh" pagpapaalam ni kuya





"Sige bro. Ingat kayo lalo na ikaw Ms. Sungit" pang aasar nito sakin





"Che!" Sabay talikod ko dito at naglakad na paalis. Narinig ko pa sila nagtatawanan ni kuya. Kainis.


















Prince POV







So siya pala ang nag iisang bunsong kapatid na babae ng The Forbes. Kaya pala familiar siya sa akin eh.





"Interesting" mahina kong wika sabay ngiti





























~ ~ ~



Updated na my babies 😊 sana nagustuhan niyo ang Chapter 12. Comment lang kayo if ano masasabi niyo sa bagong chapter 🥰 ingat always.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Four Kuyas And MeWhere stories live. Discover now