Chapter 1

2K 42 0
                                    



"Good morning kuyas!" sigaw na bati ko sa apat kong kuya na nasa dining area na at kumakain ng breakfast. katatapos ko lang mag ayos


"good morning princess" ganting bati naman nila


"mukhang good mood ka yata baby princess ah" sabi ni kuya Xander


"of course kuya. Syempre first day of school, first day ng pagiging college student ko, So dapat good vibes lang para maganda ang day ko ngayon" I said


"weh? Baka naman maghanap ka lang ng boyfriend doon sa school bunso. Naku! Lagot yun sa amin nina kuya" kuya Liam said


" loko ka talaga kuya, wala pa sa mind ko ang love life na yan noh. Books before boys nga diba?" I said



"basta ang napag usapan natin Cara --- " pinutol ko agad ang sasabihin ni Kuya Stephen



"Mag aral ng mabuti at higit sa lahat pag may nanligaw sayo dapat ipaalam mo agad sa amin ng makilatis muna namin" sabi ko na ginaya pa ang striktong boses ni kuya Stephen. "Kuya memorize ko na ang bilin mo kaya don't worry".


"pinaaalalahanan ka lang namin bunso. Alam mo naman na mahal na mahal ka namin at ikaw ang nagiisa naming bunsong kapatid na babae kaya nga baby princess diba?" Kuya Marcus said


"Thank you kuyas sa pag aalaga sa akin and I love you all too" tumayo ako at sabay hug sa mga kuya ko.


"oh sige na kumain kana dyan at papasok na kami ni Marcus sa trabaho" sabi ni Kuya Stephen at sabay labas ng dining room


"Bye Kuyas" sabi ko.


"oh kayong dalawa Liam at Xander magbihis na kayo ng makapasok na kayo at bantayan niyo tong si Cara ng mabuti, sige na alis na ako" sabi ni kuya Marcus at yung dalawa namang kuya ko ay agad din lumabas at nagtungo sa kwarto nila.




Bago ko makalimutan Hi! Ako nga pala si Cara Devigne Forbes ang nag iisang bunsong kapatid na babae ng "The Forbes Brothers" yan ang tawag sa mga kuya ko. I'm now a freshman in SILVER HIGH UNIVERSITY taking up Culinary at today ang first day ng classes kaya excited ako pumasok. 

Yes Forbes, ang #1 sa business world thanks to our eldest brother kuya Stephen Justin Forbes, simula nung mag retire sina mommy at daddy at lumipat sa America ay si kuya Stephen na ang namamahala ng lahat ng business namin kaya ayun nangunguna kami sa Business. Strikto si Kuya Stephen as a boss and as a brother. Simula nga nung naging #1 kami eh wala na yan ginawa kundi ang magtrabaho ng magtrabaho pero I'm glad may oras pa rin siya sa amin.


The second eldest is Kuya Marcus Vey Forbes, just like kuya Stephen puro rin trabaho eh paano naman kasi isa siyang pulis, a Senior Inspector to be specific, ginagalang at kinakatakutan siya sa trabaho niya pero mabait at mapagmahal na kuya.


 Ang pangatlo naman ay si kuya Liam Bryl Forbes, 4th year college student taking up Business Management, gusto niya rin ang business just like kuya Stephen and lastly kuya Xander Rui Forbes, ang pinaka close ko pero actually close naman kami lahat pero siguro mas nakakasundo ko lang talaga si Kuya Xan , he's a 3rd year college student taking up Photography, hilig niya yun. Kami lang nina kuya Marcus at kuya Xander ang hindi business ang kursong kinuha pero thankful naman kami kasi okay lang sa mga parents namin, suportado nila kami basta wag lang daw pabayaan yung studies and work namin.



"princess let's go baka malate pa tayo lalo ka na" kuya Xander said


"si kuya Liam?" I asked


"nasa kotse na, tara" sabi ni kuya Xander at lumabas na ng pinto



Uminom muna ako ng tubig saka sumunod kay kuya Xander sa kotse.


My Four Kuyas And MeWhere stories live. Discover now