Chapter 7

942 23 0
                                    



Cara's POV




Maaga ako nagising kahit wala namang pasok, hindi kasi ako makatulog. Ilang araw na kaming hindi nag uusap ni kuya Stephen, oo naiinis ako sa kanya dahil sa ginawa niya pero hindi ko naman kasi kayang tiisin ang kuya ko mahal ko yun kahit ganun siya kaprotective sa akin.



Pinagmasdan ko ang relo ko, 6:30 palang ng umaga mamayang 7:30 pa nagigising sina kuya. Gagawa ako ng breakfast, peace offering ko na rin sa kanila. Bumangon ako agad sa kama at naligo.







Liam's POV



Nagising ako ng maaga dahil sa amoy ng pagkain na niluluto. Tinignan ko ang relo 7:00 palang ha, mamaya pa naman gumigising sina kuya at ang alam ko pag Sabado ay late na kung gumising si Cara. Ang aga naman ni manang magluto, papagalitan na naman yun ni kuya, gusto kasi ni kuya na pagkagising pa lang namin saka lang magluluto si manang para mainit init pa daw. Makababa na nga lang.




Pagbaba ko ng hagdan ay dumiretso ako ng kusina at nagulat nang makita ko si Cara na nagluluto suot ang favorite apron niya na binigay sa kanya ni mama. Hindi niya ako napapansin dahil sa headset niya, sumasayaw pa ito habang kumakanta, natatawa na lang ako sa inaasta ng kapatid namin.






Cara is really a sweet sister, palangiti at mapagmahal kaya ayaw namin na masaktan yan. Lalaki kami kaya alam namin ang tumatakbo sa isip ng mga lalaki kaya habang maaga pa lang ay kinikilatis na namin lahat ng lalaking lumalapit sa kanya, kuya Marcus is incharge in the background study of the guys who were planning to court her saka niya sinasabi sa amin at lahat ng lalaki na lumalapit sa kanya ay ayaw namin ang background.




Mahal namin ang bunso namin kaya ayaw namin na mawala ang mga ngiti sa labi niya dahil lang sa nasaktan siya ng isang lalaki dahil pag nangyari yun patawarin na lang niya kami kasi gagawa at gagawa kami ng paraan para masaktan din ang lalaking nanakit sa kanya.



"ay!" nabalik ako sa realidad ng mapasigaw sa gulat si Cara.


"kuya naman ginulat mo ako" sabi niya.


"anong ginulat? Eh wala naman akong ginawa ha" sabi ko sa kanya at lumapit sa mesa kung saan yung mga niluto niya ay nakahanda na.





"anong meron at nagluto ka?" I asked pero bago niya pa ito masagot ay pumasok na sa kusina sina kuya at Xander.

My Four Kuyas And MeWhere stories live. Discover now