Episode 23

122 10 0
                                    

Title: FALLING STAR (BL)
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04

EPISODE 23


WIN

Nagising akong nakahiga sa mga braso ni Gulf. Pagdilat ko ng aking mga mata ay mukha niya agad ang nakita ko.

“Napakaguwapo niya.” naisaloob ko habang pinagmamasdan  ko siya.

Hanggang muli kong naalala ang lahat kung paano kami nagsimula. Ni minsan hindi ko naisip na aabot kami sa ganito. Humiling ako ng isang tao na mamahalin at magmamahal sa akin ng totoo. At kailanman hindi ko inisip na si Gulf iyon.

Nagsimula ang lahat sa isang aksidenteng halik. Akala ng lahat, iyon ang pinakanakakahiyang parte ng buhay ko. Ang alam ng lahat, sobra kong ikinahihiya ang pangyayaring iyon. Pero ang hindi nila alam, pagkatapos ng halik na iyon ay hindi na mawala si Gulf sa isip ko. Inaamin ko, sa simula pa lang nagkagusto na ako sa kanya.

Pero dala ng takot na baka ako ay mahusgahan, pinilit kong kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya at sinubukan kong mahalin si Mint. Sumubok akong magmahal ng isang babae ngunit sa kalaunan nanaig ang tunay kong damdamin. Ito ang bagay na hindi alam ni Mek.

Ginawaran ko siya ng isang sniff kiss. Biglang dumilat ang kanyang mata.

“Nahuli ko ‘yun.” nakangisi niyang sabi. Pinisil niya ang aking ilong.

“I love you.” nakangiti kong sabi sa kanya at sabay yakap.

“I love you too my little boy.” saad niya at saka hinalikan niya ang aking ulo.

Sana ganito kami lagi. Laging masaya at laging magkasama. Pero naalala ko ang sabi sa akin ni Paan, na sa isang relationship hindi lahat masaya. Pero gagawin ko ang lahat upang maging masaya lang kami lagi.

“Win, pagkatapos ng klase natin mamaya mamasyal tayo huh.” sabi niya. Hanggang ngayon ay nakayakap parin ako sa kanya.

“Sure!” mabilis kong tugon.

Anyway, simula nang naging kami ay never pa kami namasyal ng magkasabay. Kaya ngayon, susulitin namin ang bawat sandali na magkasama kaming dalawa.

“Sigurado ka ba talaga Win na dadalhin mo ako sa inyo this semestral break?” tanong niya. Alam kong nag-aalala siya kay Papa matapos niyang marinig ang pag-uusap namin nina Mama at Jump.

“Oo naman. Gusto kong ipakilala ka sa kanila.” ani ko.

“Pero paano ang Papa mo?” nag-aalalang tanong niya.

“Mabait naman si Papa eh. Alam ko matatanggap ka rin niya. Basta ba ipangako mo sa akin na hindi ka susuko sa lahat ng gagawin niya sayo.”

“Awww! Oo naman. Kahit pa bugbugin niya ako, ipaglalaban kita. Hindi ako susuko.” mabilis niyang sagot.

“Pangako?”

“Uhhmm, pangako!” saka muli niyang hinalikan ang aking ulo.

Naiintindihan ko si Papa kung nagalit siya pagkatapos niyang malaman ang tungkol sa amin ni Gulf. Alam kong nabigla lang siya. Pero gaya ni Mama, alam kong matatanggap din niya kami. Kahit ba naman paghiwalayin niya kami ni Gulf ay hinding-hindi ako papaya as gusto niya. Ipaglalaban ko si Gulf hanggang dulo. Natuto na ako. Ayaw ko nang mangyari ulit ang nangyari noon.

Sabay na kaming naligo ni Gulf ngayon. Nagbibiruan pa kami habang nag sho-shower.

“Bakit hindi natin subukan ngayon habang nag sho-shower tayo?” natatawang tanong niya sa akin. Alam kong nagbibiro lang siya.

FALLING STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon