Episode 19

89 9 0
                                    

Title: FALLING STAR (BL)
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04

EPISODE 19

GULF

"Panalo tayo!" masayang balita ni Ken sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Ouch!" sabi ko ng medyo natamaan niya ang pilay ko nang yakapin ako nito.

"Sorry" aniya at hinawakan niya ang paa ko. "Musta ka na? Musta na ang paa mo?"

"Kaunting pilay lang naman daw 'to." Hinawakan ko ang bahagi ng paa kong may pilay. Hindi naman ito ganoon kalala. Actually puwede naman akong makauwi ngayon sabi ng doctor. May kaunting pasa lang siya ngunit wala namang fracture.

"Miss Paan, thank you sa pag-alaga sa kaibigan namin, huh." sabi ni Ken nang tumingin kay Paan.

"Walang anuman. Basta si Gulf, walang problema." nakangiting wika ni Paan. Kinuha nito ang kaniyang shoulder bag. Uuwi na rin siya. "Paano 'yan, kayo na ang bahala sa kaniya. Kailangan ko na kasing umuwi. Gulf, pag magaling ka na, mag iinsayo tayo agad para sa nalalapit na music festival."

"Okat." Ngumiti ako sa kaniya bago ito lumabas ng clinic.

"Napakaganda talaga ni Paan." sabi ni Ken. Tumabi ito sa akin para alalayan ako.

Tiningnan ko ang kaibigan. "Huwag mong sabihin sa akin na may gusto ka sa kaniya."

"Wala ah!" mabilis na sagot ni Ken. "May gusto na akong iba." Mahina nitong sabi na tila ba nahihiya pa.

"Sino naman?" naiintrigang tanong ni Joss.

Hindi siya sumagot. Kinuha nito ang kamay ko at umakbay ako sa kaniya. Palabas na kami ng clinic para umuwi.

"Mayroon ba kaming hindi alam ni Joss?" tanong ko sa kaniya na gusto kong malaman kung sino ang tinutukoy nitong gusto niya. Wala rin kasi kaming alam na may nililigawan ito ngayon. Wala rin siyang nabanggit tungkol dito.

"Huwag na nga kayo tanong nang tanong diyan." sabi niya na tila umiiwas pag-usapan ang nabanggit nito kanina lang.

"Ikaw 'tong nagsabi na may bago kang gusto tapos ngayong tatanungin ka namin kami pa ang makulit." Nakasimangot na wika ni Joss.

Nasa kalagitnaan na kami ng aming biyahe pauwi ng aming condo nang napag-usapan namin ang mga nangyari kanina.

"Alam mo, nang matumba ka kanina ay nakita ko na parang gustong lumapit ni Win sa'yo. Kaso lang napatigil siya nang makita niyang nandoon si Paan." sabi ni Ken habang abala sa pagmamaneho.

Hindi ako sumagot at sa halip ay nagpatuloy ako sa aking pananahimik.

"Nandoon din siya kanina sa labas ng clinic habang ginagamot ka sa loob. Sinabihan ko ngang pumasok kaso ayaw niya." sabi naman ni Joss.

Wala pa rin akong reaction sa mga sinasabi ng dalawa kong kaibigan.

"Aww! Wala ka bang sasabihin?" tanong sakin ni Ken nang lumingon sa akin.

"Ano naman ang sasabihin ko? Dapat ba akong mag expect pa? Alam ko naman  na kahit anong gawin ko ay malabo nang magkabalikan kami."

"Pero nakita ko, mahal ka pa niya." si Joss na halatang worried ang mukha.

"Mahal? Kung mahal niya ako eh di sana pinakinggan niya ako noon. Kung mahal niya ako eh di sana hindi niya binalikan si Mint. Pero wala eh. Sila na ulit. Ang saya pa nga nila, di ba? Kaya ayaw ko nang umasa sa kaniya." matigas kong sabi. Ramdam ko pa kasi hanggang ngayon ang sakit sa tuwing napag-uusapan ang nakaraan namin ni Win.

FALLING STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon