Episode 15

103 10 1
                                    

Title: FALLING STAR (BL)
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04

EPISODE 15


GULF

Kasabay nang pagtalikod ko ang pagbuhos ng mga luha sa aking mga mata. Habang papalayo ako kay Win ay ramdam na ramdam ko ang sobrang sakit. Ayaw na niya sa akin. Sumusuko na siya at gusto na niyang tapusin kung anong mayroon kami.

Pagdating sa sasakyan ay halos suntukin ko ang manebela nito. Sumisigaw ako sa loob habang umiiyak.

“Win, bakit?” sambit ko habang walang tigil ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata.

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan pauwi ng condo ko. Hindi ako dumiretso sa kuwarto at sa halip doon ako pumunta sa rooftop kung saan naging saksi kung paano kami nagsimulang dalawa.

Habang papalapit ako sa upuan muling nanumbalik sa aking alaala ang gabing sabay kaming nanonood ng mga bituin sa langit.

Umiiyak ako habang napapahawak sa aking ulo. Di ko alam kung paano. Ang sakit. Ang tagal kong hinintay na maging kami pero biglang naglaho ang lahat.

Mayamaya ay lumapit sa akin si Joss.

“Are you okay?” tanong niya.

“Ayaw na niya sa akin. Nakipaghiwalay na siya. Sabi niya gusto niyang magkapamilya balang araw. Sabi niya maghihiwalay din kami.” sabi ko habang patuloy ang aking pagtangis.

Bigla akong niyakap ni Joss.

“Tahan na. Magiging okay din ang lahat. Maniwala ka, magiging okay ka.” sabi niya habang yakap-yakap ako.

Sana nga ganoon kadali ang lahat gaya nang sabi ni Joss. Sana nga magiging okay ang ako.

______________________________

“Bakit ka pumayag?” mariing tanong ni Ken sa akin nang ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari kanina.

Halos wala akong ganang makipag-usap ngayon. Pakiramdam ko nanghihina ako. Hanggang ngayon ay hindi pa ako kumakain at wala rin akong ganang kumain.

Napahawak ako sa aking ulo.

“Ayaw ko rin naman sana pero ayaw na niya sa akin. Anong magagawa ko?” malungkot kong sagot.

“Ganoon na lang ‘yon? Susuko ka na agad? Gulf, matagal na panahon mo siyang hinintay tapos ngayon mauuwi lang ang lahat sa wala. Huwag mong hayaang mawala siya sa'yo. Mahal mo siya, di ba? So ipaglaban mo siya.”

Kung pagmamahal lang ang pagbabasehan, wala akong ibang minahal kundi si Win lamang. Simula nang makita ko siya matagal na panahon na ang nakalilipas, ni minsan ay hindi na tumibok ang puso ko sa iba. Oo, napakabata ko pa noon nang makita ko siya subalit alam ko sa sarili ko na si Win na ang taong gusto kong makasama at hiniling sa itaas.

It’s a long story of how it all started. At sa haba ng panahon, isa lang ang aking napagtanto ngayon…wala na akong ibang gugustuhin na makasama kundi si Win lamang.

Ngunit paano na ngayon gayong ayaw na nitong makita pa siyang muli? Susuko na ba siya at bibitawan ang lahat o pilit na lalaban at muling maangkin ang nag-iisang taong minamahal niya?

“Ai’Gulf, tutulungan ka namin. Kakausapin namin si Win. Dapat niyang malaman na mali lahat ng hinala niya.” wika ni Ken na may kasama pang tapik sa aking balikat.

“Thank you. Pero sa tingin ko, ayaw na niya sa akin.”

“Alam kong mahal ka ni Win kaya siya nasasaktan. Nakita ko kung paano nagbago ang pagtingin niya sa'yo. Nakita ko rin kung paano niya pinaramdam sa'yo na gusto ka rin niya. Kaya naniniwala ako na magiging ok ang lahat. Huwag kang sumuko. Tutulong kami.” saad naman ni Joss.

FALLING STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon