Episode 28

85 8 0
                                    

Title: FALLING STAR (BL)
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04

EPISODE 28


WIN

Paggising ko ay agad akong pumunta sa kuwarto nina Gulf at Joss. Nakita kong wala sila roon kaya pumunta ako sa ibaba at hinanap ko sila. Lumabas ako ng aming bahay at dinig ko ang bawat hampas ng kahoy na binibiak. Pumunta ako sa likurang bahagi kung saan nagmumula ang ingay. Laking gulat ko nang makita kong nagbibiak ng kahoy si Gulf. Basang-basa na ng pawis ang kanyang damit. Nagmamadali akong lumapit sa kanila.

“Papa!” malakas ang aking boses. Nag-aalala ako kay Gulf. Lalapit na sana ako ngunit bigla akong pinigilan ni Papa.

“Diyan ka lang!” sabi nito sa akin. Tumigil si Gulf sa kanyang ginagawa at napalingon sa kinaroroonan ko.

“Papa please. Hindi niyo kailangang gawin yan.” pagmamakaawa ko kay Papa. “Mama please, pigilan niyo si Papa.” Kay Mama naman ako nagmamakaawa ngayon.

“Honey tama na yang pinapagawa mo kay Gulf.” saway ni Mama kay Papa.

“Naku! Para pagbiak lang ng kahoy. Dapat niyang patunayan kung talagang gusto niya ang anak natin.” wika ni Papa.

Ngunit nag-aalala ako para kay Gulf. Alam kong hindi siya sanay sa ganyang gawain.

“Papa!” sabi ko. Ngunit nagmatigas parin si Papa.

“Kung gusto mong matanggap ko yang lalaking yan, patunayan niya sa akin na kaya ka niyang buhayin.” sabi ulit ni Papa. Kita kong seryoso siya sa kanyang mga sinasabi.

“Win, huwag mo akong alalahanin. Kaya ko ‘to.” sabi ni Gulf at nginitian ako. Pero kita kong nahihirapan siya.
.
Nang lumingon ako kay Joss ay bakas din sa mukha nito ang pag-aalala sa kaibigan ngunit wala rin siyang magawa.

Nagpatuloy si Gulf sa kanyang ginagawa. Gusto ko siyang lapitan at tulungan subalit pinipigilan ako ni Papa.

_________________________________

“Bakit kasi kailangan mong gawin yun?” nag-aalalang tanong ko kay Gulf habang ginagamot ko ang kanyang kamay. Nasugatan kasi ito sa kahahawak ng palakol.

“Para patunayan sa Papa mo na seryoso ako sayo.” tugon niya. “Maliit na bagay lang naman iyon”. pagkuwa’y ngumiti pa siya sa akin kahit ba kita kong nasasaktan siya.

“Hindi mo naman kailangang patunayan kay Papa eh. Kahit ba naman hindi niya tayo matanggap, wala naman siyang magagawa.” wika ko. Nagsalpukan ang aking mga kilay. Naiinis parin ako sa ginawa ni Papa sa kanya.

“Iba parin pag buong pamilya mo tanggap ako lalo pa’t Papa mo yan. Gusto ko siyempre wala ni isa sa kanila ang tutol sa ating dalawa. Di ba mas masarap ‘yun na lahat ng mga mahal natin sa buhay ay tanggap tayo.” ani Gulf. Ngumiti siya ulit.

Kunsabagay, may point nga siya. Kahit ba naman sa part ko, gusto ko siyempre tanggap din ako ng buong pamilya ni Gulf. Pero habang nakikita ko kanina na nahihirapan siya, labis akong nag-alala sa kaniya.

“Pagpasensiyahan mo na si Papa huh.” ani ko at saka ko siya tinapunan ng simpleng ngiti.

“Ok lang ‘yun. Balang araw, magiging Papa ko na rin siya.” natatawang wika pa nito. Tumawa narin ako ng bahagya.

KEN

Unang araw ko ngayon sa Lampang after more than two years. Maganda rito, tahimik at hindi magulo. Masarap ang simoy ng hangin.

FALLING STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon