"Kring! Kring!"
Isang tunog na talagang nakakaumay tuwing pasukan. Sa kanya, wala kang magagawa. Kailangan mo talagang pumasok sa eskwelahan. HAHHA.
At eto na nga! Babangon na.Nakasanayan. :)
Ligo. [Yung sardinas XD]
Magkukwento muna ako sa inyo ha?
Kilala nyo na ba si Paul? As in yung buhay nya? Pwes, kung hindi nyo alam, eto yun.
Si Paul kase, magaling mag-ayos yan ng gadgets. Kahit ano, alam nya. Astig diba? Kung pwede nga lang lagyan ng pakpak 'tong cp ko eh nagawa ko na. HAHHA.
Bihis. Porma. Ayos ng buhok.
"Anak, kain ka na!" Sabi ni papa.
"Opo, pa." Sagot ko naman.
Lakad..
Lakad..
Kain. Toothbrush.
Naka-abang na ulit si Clarisse.
"Aaron, tara na!" Sabi niya.
"Okay. Patapos na." Sabi ko naman.
Kasama ko ngayon si Clarisse. At dahil maaga kame ngayon, may gagawin kami. Ito ay ang MAGGAYAHAN ng ASSIGNMENTS. HAHHA. Ganyan talaga ang buhay HS.
Hindi ko kase alam, nagpa-ass pala si Ma'am Balitaon. xd
[READER/S: Sino si Ma'am Balitaon?]
Ahhmmm. Si Ma'am Waley or Ma'am Balitaon. Teacher namen 'yan sa AP. Kulot ang buhok. Maingay talaga si Ma'am sa klase. Pero may katuturan naman yung mga pinagsasasabe niya. Technique nya daw yun para makinig talaga ang klase nya sa kanya. At higit sa lahat, kilala talaga siya bilang waley na teacher. Kaya waley ang tawag namin sa kanya dahil nga, waley nga ang jokes niya. HAHHA. Yun lang yun.
"Clarisse, haba naman neto. Ano ba diniscuss ni Ma'am kahapon?" Sabi ko.
"Ahhhh, KaTORPEHAN." Sagot naman niya.
"Nagbibiro ka ba? Anong nakain mo? Itlog na may pugad? HAHHA." Sabe ko naman.
"Ayaw mo maniwala? Basahin mo yang assignment naten." Sabi naman niya.
"Okay." Sagot ko naman.
Clarisse's Assignment:
1.Sinong kaibigan mo ang PINAKATORPE at bakit?
Sagot: Si Aaron po. Kasi po napaka'O.A. ng pagiging TORPE niya. Parang nakatali daw siya sa Refrigerator na may -25°C ang lamig.
"Ikaw ha?" Sabe ko naman.
"Aba? Nagsasabi lang naman ako ng katotohanan. Sigurado akong PERFECT ang ibibigay sa akin na score ni Ma'am. HAHHA." Sabe naman niya.
"Tsss. Bahala ka sa buhay mo. HAHHA. " Sagot ko naman.
"Tara na nga sa room naten! Tampo na agad 'to eh?! HAHHA. " Sabi niya sa akin.
"Tsee.!?" Sagot ko naman.
Hanggang sa nakasalubong ko na nga si crush. Bigla ko tuloy naalala ang schedule ko.
"Ano nga ulet gagawin ko?" Sabi ko sa sarili ko.
"Ano yun, Aaron?" Sabi ni Clarisse.
"Wala. Masyado ka namang tsismosa." Pang-asar kong sagot.
"Tsismosa agad? Hindi ba pwedeng curious lang?" Sabe niya.
"Ewan. HAHHA." Sabi ko naman.
Teka, may kaibigan na pala si crush. Sino kaya siya? Mukhang pamilyar siya saken. Baka naging kaklase ko na siya since Elementary.