Chapter 6: Kathrine Conti?

46 2 1
                                    

Eto na naman tayo.

Sige, push na naten to.

Nagising na ako nang hindi ko naayos ang gamit ko sa school. Talagang damang-dama ko ang kalungkutan nung gabing iyon. Halos mangiyak-iyak din ako dahil dun kaya gumawa ako ng isang diary na napakaikli lamang.

Dear Trina,

Forever FRIENDS nga lang ba talaga tayo? Sana kainin mo yung sinabi mo sa akin para mabusog ka naman ngayong gabi.

Nagmamahal,

-Aaron-

HAHHA . Nakakatawa diba? Pero malungkot na ako niyan.

PERO..

Teka, sino 'tong katabi ko sa kama?

Owmehgad! Baka...

NABAGITO ko 'to! Hala!

"Huwag po! Ano 'tong nangyari sa atin? Huwag mong sabihing.. Arggghhh! Fuck! Lumayo ka saken! Lumayo ka saken! Huwag!!!"

"HAHHAHA!" Tumawa lamang siya sa akin.

"Anong ginawa mo saken? Madame pa akong pangarap sa buhay!" Sagot ko naman.

"HAHHA. Ang O.A. mo naman. Pinsan mo 'to dre? Hindi mo ako naaalala? Si Kathrine to! Kathrine Conti." Sagot naman niya.

"Kathrine? Wala akong maalalang Kathrine Conti na pangalan! Nagbibiro ka naman eh! Lumayo ka saken!" Sagot ko naman.

"Ano ba? Relax! Alalahanin mo, ako yung nagbigay sa'yo ng Tumbler ng Spiderman! Tawag mo pa nga saken ay "Panget." Sagot naman niya.

"Ahhh! Hehe. Sorry naman. Musta ka na? Grabe! Hindi na talaga kita makilala. Lalo ka nang gumanda." Tanong ko sa kanya.

"Wow ha? Gumanda? Talaga?" Sabi naman niya.

"Pero bakit ka napabisita dito?" Bakit dito ka pa tumabi sa akin?" Tanong ko naman.

"Ahhhh. Dito na kami titira. Hindi dito ha? Sa may tapat nila Abaca ba yun?" Sagot naman niya.

"Ahhhh. Okay. Dapat dun ka na lang tumulog sa inyo. Anlakas ng trip mo tumabi sa akin ha?" Sagot ko naman.

"HAHHA. Kasi nalaman ko na malungkot ka daw kagabi." Sabi ni Kathrine.

"Paano mo nalaman?" Sabi ko naman.

"Kasi sabi sa akin ng papa mo na matamlay ka kahapon dito sa bahay." Sagot naman niya.

"Ahhh. Oo nga." Sabi ko naman.

"Pero bakit?" Sabi naman niya.

"Ahh-hh-hh?!?"

At bigla niyang nakita ang diary kong nakalagay sa tabi ng alarm ko.

Kaya dali-dali niyang kinuha 'to at binasa.

Naku! Eh kaikli lang naman nun. Hala? Mabasa kaya nya lahat?

"Huy! Akin na yan!" Sabi ko sa kanya.

"HAHHAHA! Inlab ka na pala ha? Pero TORPE ka pa rin? HAHHA!"

Lalo pang lumakas ang tawa niya.

Ngayon ko lang napansin ang nag-iisa niyang dimple sa may kanang bahagi ng pisngi nya.

"May dimple ka pala?" Sabi ko sa kanya.

"Syempre! Lahat kaya ng tao, may dimples." Sabi naman niya.

"Hindi, iisa lang ei. Isa lang ang dimple mo." Sabi ko sa kanya.

"Ahhh. Oo. Sadya yan. Lahi na namin yun eh. Mana-mana lang." Sagot naman nito.

"But anyway, dito na ako papasok sa B.E.ST.U. !" Sabi naman niya.

Problem: "Torpe"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon