Chapter 5: Friends? <3

39 4 7
                                    

Her it is. Ramdam ko pa rin ang halik sa akin ni Trina nung time na yun.
Mas lalo pa akong nainlab sa kanya.
At ramdam parin ng tropa ang iingit sa akin ng mga ito. HAHHA.

"Okay class. Let everyone to introduce yourself one by one." sabi ni Ser Guerra.

"Eh Ser. Nagpakilala na po kame sa harapan nung time po ng Science pero hanggang kay Aaron lang po natapos." Sabi ni Patrish.

[READER/S: Teka, sino si Patrish?]

Ahhhh. Siya si Patrisha. Patrish nalang daw para mas maikli. HAHA. Maganda siya talaga. Maputi. Magaling sa English yan. Vocabulary niya ang pina-iiral niya kapag English time na. Pero hindi ko siya crush kase PAYAT sya. Siya na ata ang pinakapayat na babae sa klase. Kung tumaba siya, siguro siya ang naging crush ko nung Elementary.

"Ahhh. Okay. Girls naman ngayon ang magpapakilala. Let's start with Ms. Abaca." Sabi ni Ser Guerra.

Tumayo na si Clarisse at ngumiti pa ito sa amin ni Nyza.

Lakad..

Lakad..

"Hello everyone! My name is Clarisse Ann Abaca. From Mahanadiong, Taysan, Batangas."

Teka, ilang taon na kaya si Clarisse? Ni minsan, hindi talaga ako nagtatanong about herself tuwing break time.

Sumunod naman si Nyza sa harapan.

"Hello po. I'm Nyza Faustine B. Abaya. 13?
[Hindi alam ni Author ang age ni Nyza. HAHHA.]

From Panghayaan, Taysan, Batangas.

"Okay next?" Sabe ni Ser Guerra.

Eto na nga. Susunod na si Trina. Owmehgad! Ngayon ko lang napansin ang suot niyang dress. Nakapasimple niya. Kulay blue ang suot niyang dress. Nakasalamin pala siya. HAHHA. Bakit ba hindi ko napansin ang mga bagay na iyon? Siguro iniimagine ko yung itsura niya nung first day namen sa school.

Hindi pa rin siya naka-uniform. Bakit kaya? Baka wala nang stock ng uniform sa H.E? Ewan.

"Hi po. Hihihi. Ako po si Trina Marie Asi. Other call me "Trix." Pero Trina na lang ang itawag nyo saken. 15 years old. From Mahanadiong, Taysan, Batangas."

Teka, perfect na sana siya pero 15? 15 years old? HAHAHA. Wala akong pake. Sabe nga nila, AGE DOESN'T MATTER.
Opppss. Mukhang tahimik ang tropa ko ahh? Nakakapanibago naman. Epekto kaya yun ng kainggitan? HAHHA. Pero itong si Von. May iniisip na kakaiba. Mukhang may napapansin ko. Lage na niyang tinititigan si Nyza. Ang ganda kase niya ngayon. Natipuhan ata ni Von.

"Tropa. Sasabihin ko na sa inyo. Akin si Nyza ha? Aaron, iyo na si Trix. At kayo, walang agawan ha?" Malumanay na sinabi ni Von.

"Oo naman. Tropa tayo eh! HAHA." Sabi naman nila.

"Pare, hindi na ako nahihiya sa kanya. Panatag na ako na madali lang yan pakisamahan at pasayahin. Hindi kase siya mataray na inaakala ko kaya takot na takot na takot talaga ako kay Trina." Sabe ko naman sa kanila.

"Pero pare, kulang ka pa rin sa diskarte. Nanlalamig ka pa rin! HAHA!" Sabi ni Dekster.

"Pero bakit ako ganun?" Sabi ko naman sa kanila.

"Ewan. HINDI KASE KAMI NAGMULA SA ANGKAN NG MGA TORPE." Pahirit namang sinabi nila sa akin at sabay-sabay pa sila!

Siguro pare-parehas lang ang mga utak nito. Iba-iba lang ang hilig nila sa mga bagay.

"Ehemm. FYI: Hindi Torpe ang mga Untalan. Malalakas nga ang mga dating namin sa mga babae." Sabe ko naman.

"Pero bakit ako lang yung kakaiba?" Sabe ko naman.

Problem: &quot;Torpe&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon