Ahhhmmmm. Nandito na naman ako. PUSH na naten 'to.
(RECESS TIME)
Magkakasama parin ang Tropang Pethicans sa canteen. Napakasaya nila dahil walang klase ngayong first two subjects at ang ginawa lamang nila ay pagkwentuhan ako at ako naman, ay naiinis na kinikilig!
[Paano kaya yun? Naiinis na kinikilig? Testing mong gawin yun, baka kung ano-ano ang sabihin sa'yo ng mga tao! XD]
But anyway, ako? ang ginawa ko ay tinitigan ko lamang si crush ng dalawang oras! Fuck.
Nakakaumay din tignan pero hindi nakakasawang pagmasdan ang kanyang ganda at kanyang mga ngiti na aking nakikita. NAKS.
Pero sa tuwing tinitignan niya ako, hindi ko mapigilan ang pag-iwas sa kanya. Hindi ko ba alam kung bakit siya tingin ng tingin. Siguro Gusto niya ako! Wewrs. Imposible.
Madame talagang pumapasok sa aking isipan. Paano ko malalaman ang number niya? ang pangalan niya? favorite niya? hobbies niya? LAHAT ng makapagpapasaya sa kanya, inisip ko kung paano ko gagawin yun para sa kanya.
But anyway, gumawa na ako sa aking imahinasyon ng aking schedule.
[READER/S: Schedule?]
Oo, Schedule. Kung anong oras ko siya kakausapin kung Recess time lang ba or Lunch lang? Kung saan kami lang ang nagkakatinginan sa isa't-isa. NAKS! Saan kaya pede? Hindi naman pwede sa CR baka akalain niyang namboboso lang ako. HAHHA. Saan kaya?
But, anyway eto na yung schedule ko.
6 AM - 6.30 AM [Magpapakilala, Sasamahan]
6.30 AM - 7 AM [Papagayahin sa Assignments]
7 AM - 8 AM [Ngingitian at Didiskarte tuwing Scholastic time
[READER/S: Ano yung Scholastic time?]
Ahhhh. Sorrryyy. Ito po yung time kung saan kami ay nasa library. Magbabasa ng mga libro. Magte-take ng quiz about that book. Sa computer yung quiz na yun. May account na kame to log-in and search for the quiz of the book. And if you passed. You have a record that book you have read is already passed in your account. Kailangan kase namen ng 40 books to passed para sa clearance.
But anyway, Tuloy ang Schedule:
8 AM - 9AM [ Math time, tutulungan ko sya sa equations]
-Kase nga magaling ako sa MATH. And that's my favorite subject na mababasa nyo sa Introduction ng story.
9 AM - 9.30 AM [Ililibre ko siya, Recess Time]
But anyway, RECESS nga pala ngayon. Nasaan na yung mga tropa ko? Fuck. Iniwanan na akong nakatunganga dito sa Canteen! Oh my God! 3rd subject na!
Bilis! Hayae ng hindi kumain ng Recess. Busog na kasi ako sa pagmamahal niya. Wewrs. That's a bad thing.
But anyway, Takbo!
Takbo..
Takbo..
Takbo..
Takbo..
Lakad..
"Why are you late Mr. Untalan?" Sabi sa akin ni Ser Andaya.
[READER/S: Sino si Ser Andaya?]
Ahhhmmm. Si Ser Andaya. Teacher siya sa Science.
Opppsss. FYI: Hatest subject ko ang Science.
But anyway, Isa rin siyang Chemist. Magaling siyang mag-experiment ng something. Yun lang ang gusto ko kay Ser, ang panuorin ang mga experiments nyang nakakaaliw.