- “Kung gusto mong yumaman; wag kang manatili sa Pilipinas. Kung gusto mong yumaman; wag kang mag-teacher. Kung gusto mo yumaman; wag Filipino ang i-major mo.”
Yan….
Yan ang sinasabi ng Papa ko sakin ng makita niya ang enrollment papers ko noon. Pero hindi niya ako napigilan sapagkat ito talaga ang nais ng puso ko. Bilang ama, natanggap na rin niya iyon at sabi niya nga –
“kung yan ang sinisigaw ng puso mo sige baka magtagumpay ka diyan.”
Bilang isang guro ay isang napakahirap na trabaho.
Biruin mo nalang ang hirap kaya umakyat ng hagdan tapos pag dating mo sa 5ft. floor nasa pinaka dulo pa yung klase mo. Tuktok na nga – Medyo madumi pa at nakaharang sa daanan; ang mga silya na patong patong kaya kumipot ang pasilyo. Pero ok lang, Masaya naman sa Puso.
Dahan dahan akong naglalakad – Mataas pala tong bakya na rinegalo ni Papa sakin, gawang Marikina daw kaya subok na matibay sa pang araw-araw. May natanaw akong estudyante- babae, nakataas ang buhok na may ribbon na pula, may blush-on sa pisngi, may eyeliner, naka contact lens na green, naka nail polish na pink at nagtetext. Nakita niya akong paparating at sumigaw siya.
“NANDIYAN NA SI MAAAAAAAAAAAAAAAM!”
Ayun..
Tumahimik ang mga bubuyog…
Nakarinig ako ng mga ugong ng silya na hinihila.
Pumasok ako ng nakangiti.
“OK…. 1 – 2- 3 !” sabi ni ate na nakita ko sa labas.
“ Magan-DANG Uma-GA po BINIBINING…….uhhhhhh”
“Almayda”
“MAgan-DANG Uma-GA po BINIBINING AL-mayda….da….da…da……”
“Maari niyo bang ulitin at ayusin ang inyong pagbati. Malumay na tuwid . Maari ba?”
“TUWID daw Klasmeyts ! 1-2-3!!!”
“Magandang Umaga po Binibining Almayda!!”
“Ayun,Salamat! Maari na kayong umupo.”
Nagsimula nanaman ang bulong bulungan. Parang mga bubuyog na hindi ko maintindihan. Sila daw ang last section sa paaralan na ito. Pero mukha naman madaling mapaki-usapan eh.
“ Magandang Umaga sa inyong lahat. Ako si Binibing Marinel Almayda. 21 taong gulang. Nagtapos ng kursong Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino sa Pamantasan na Utak ang Puhunan. Ako po ay dalaga – walang katipan. Nakatira sa Antipolo, Rizal pero nangungupahan ako diyan lang sa may Anonas. Add niyo ako sa Facebook! May Twitter din ako!”
“oooowwwwssssss” sabi ng isang lalaki sa likod.
“Kuya! Grabi ka naman! Tao din ako.. Chat nalang kita mamaya!”
Ayun, napawi nanaman ang katahimikan at nagtawanan na sila.
“Tama ba ang pinasok ko na silid? Kayo ang IV- Zinc?”
“Opo Ma’am!” sabi nang isang babaeng maliit ang boses.
“Sige. Gusto ko mag-pakilala kayo sakin isa- isa. 38 lang kayo sa klase?”
“Opo Ma’am!” winika niya ulit
“Sige! Simula na tayo. OH ! Kuya sa likod. Sayo ang simula!”
“Ma’am ano pong sasabihin?”
“Pangalan- Edad– Hilig – Ayaw at gusto mong Subject”
BINABASA MO ANG
Edukasyong ABKD
AdventureAng mga Lesson na talagang tatatak sa Puso mo ay hindi nakikita sa School. Kundi sa mga karanasan na haharapin mo habang humihinga ka pa. (para to sa mga kaklase ko ^.^ dami niyo di kasya sa dedication)