Kabanata 3: Ang Bahay ni Joyce

78 3 0
                                    

June 22: Sabado

*Magmememe na si Mimay (matutulog na si Mimay)

Antok na antok na ako. Kakatapos ko lang gumawa ng Visual Aids para sa El Filibusterismo. Nakapaglaba nadin at nalinis ang bahay na aking inuupahan. Pero iniisip ko pa rin kung paano ko mas madaling mapapaliwanag ang mga Lessons ko sa IV-Zinc. Nahihirapan daw kasi sila lalo na sa malalalim na salita.

*May Panget na nagtext! May Panget na nagtext! HOY!!! MAY PANGET NA nagTEXT!!!! *

ringtone ng Cellphone ko pag may nagtext.

"MHamsz AlmaYdHa, DhaniEka pHouesxz i2, MHamsz nhuods khao ChaNneLzx 2. NhaZunOeg PhOUEsxz aNg hAux nHi JoYcE. LhaPitxz LhanG phouesxz yhAnsxz dhiyAnx sZa Anonaz."

ANO DAW!!!!!!???? HA??????? Si Danica daw????

- Pero naintindihan ko naman. Kaya haripas ang takbo ko sa TV. Totoo nga sa kabilang kanto lang pala kaya lumabas na ako at nagmadali na puntahan sila Joyce. Nakita ko ang kalunos- lunos na sinapit ng bahay nila. Abo nga lahat. Nasa sulok ang bahay nila at buti nalang na hindi na ito kumalat sa iba pang bahay. Ngunit nagulat ako nang sabihin sakin ng isang Pulis ang nangyari.

May sakit sa pag - iisip ang tatay ni Joyce.Pero maayos naman daw minsan at minsan nagiging isip bata.Ngayong Gabi ay Natutulog na silang lahat ng magising ang Tatay ni Joyce. Pumunta ito sa kusina at kinuha ang galon-galon na gas at binuhos sa loob ng bahay. Kumuha siya ng sigarilyo at nanigarilyo sa Kusina. Nagliyab agad ang Kusina kasama ang Tatay ni Joyce. Nagising sila Joyce at ang Kanyang Ina at tumakbo palabas ng bahay. Bumalik si Joyce sa loob ng bahay sa pagbabakasakali na maligtas ang kanyang tatay ngunit huli na ang lahat at napaso lang ang kamay ni Joyce. Namatay ang Ama ni Joyce.

Narinig ko ang Hiyaw ng pighati at sakit ni Joyce sa pagsigaw niya ng Tatay. Hindi mapigil si Joyce sa pagiyak at pagsigaw ng pangalan ng kanyang Tatay. Yinayakap siya ng kanyang Ina na tila ay mahinahon lang na umiiyak at tila nagpapakatatag nalang para sa kanyang butihin Anak na ninais pang iligtas ang Ama sa gitna ng pulang apoy. Walang paki-alam si Joyce na dumudugo na ang kanyang palad ng sobra sa kakahampas niya sa pader. Mas lalong napahagulgol si Joyce sa magaspang na kalsada ng makita niya ang katawan ng Ama na linalabas ng mga bumbero. Hinimatay ang kanyang Ina at naghalo na sa mukha ni Joyce ang Sipon at Luha. Pinapakalma ko siya at sinamahan na dalhin sa hospital ang kanyang Ina na hinimatay at samahan siya sa Morgue para sa kanyang Ama. 

Hindi katagalan ay nagkamalay na ang kanyang Ina at si Joyce ay naluluha padin sa pangyayari.

Nakita ko sa mata ni Joyce at Nanay niya ang labis na kalungkutan. Marahil hindi dahil natupok ang bahay nila. Kundi nawala ang mismong haligi ng buhay nila. Naglalakad ako sa kawalan, napaluha ako sa kalungkutan na bata pa siya para maulila. Madali lang makabangon mula sa mga materyal na bagay. Ang mahirap lang tangapin - ang pagkawala ng taong kanina ay kasama mo pa, kahapon ay kausap mo pa. Ako na bahala mag exuse kay Joyce sa lahat ng Teachers niya. Nakausap ko ang Nanay niya at nagpapasalamat ito. Sabi ko ay babalik ako kasama ang mga kaklase ni Joyce para tulungan sila makapagsimula ulit.

_____________________________________________________________________________

Naggising ako ng alas-otcho na nang gabi. Linggo.

Tila isang mapait na panaginip lang ang nangyari. 

Edukasyong ABKDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon