Ang lakas ng Ulan pero hindi suspended. Nakalimutan ko na magKape sa pagmamadali. Medyo malamig kasi kaya napahimbing ang Tulog ko. Taray diba! Hindi pa rin talaga ako nagbabago. 5:50 na at nasa gate na ako. Thank You Lord!
Ok…. First Class ko ang IV- Helium…
Ayos naman.. Medyo Serious mode sila dahil sila daw ang Section 3
Kasunod.. IV- Magnesium
Grabe! Laugh trip ! Anim yung bakla sa Classroom nila at parang ang iba ay hindi pa umaamin pero napaka inggay nila. Sobra..
*Break*
IV – Fluorine ..
Ayan ang section na lahat sila nakangiti. Nagpapaliwanag ako, nakangiti lang sila. Tinanong ko sila kung may naintindihan ba sila. Nakangiti padin sila..
At babalik na ako sa aking mga Anak ang
IV – Zinc
“WAAAAAAAAHH!” ang hiyaw ko sa nakita ko.
Limang upuan na chinop-chop nila. Mga basura na kahit saan makikita. Tubig na nabuhos sa sahig. Mga notebook na nasa sahig. Mga Chalk na dinurog-durog nila sa lamesa ko.
“Zinc! Pulutin niyo ang mga kalat na nasa paligid niyo. Itapon niyo sa basurahan ng maayos, Danica paki kuha ng walis at magwalis ka sa Labas. Orville,paki linis ang pinulbos na chalk sa lamesa ko. Nelson at Gabriel pakibuhat ng mga pinira-piraso niyong upuan. Gerald, pakibura ng nakasulat sa blackboard. Framela, paki tulungan si Danica sa pagwawalis. Jhon Paul, pakipunasan ng tubig na natapon. Lahat kumilos. Estudyante kayo at paano niyo natitiis ang ganitong silid? Sa loob ng limang minuto tapos na dapat yan.”
Lahat naman sila ay nagsipag kilos. Nataranta sila at nahalata nila na talagang nainis ako sa nadatnan ko. Tila wala yatang pumuna sa kanila o baka naman ay panibagong mga kalat nanaman yun.
“Ma’am tapos na po.” Sabi ni Gerald.
Pumasok na ako at tumayo sa gitna nila. HETO NA! Magsisimula na si Mimay.
“Sa susunod, ayoko makakita ng ganun ulit. Nakikiusap ako na sana ay itapon niyo na sa basurahan ang mga kalat niyo. Dahil yan simpleng balat ng kendi na binili mo kay aling bebang pagyan bumara sa drainage eh di babaha- pag bumaha kawawa ka-Tayo pala.Bago ako dumating dapat ayos ang lahat- tuwing makakakita ako ng kalat sa ilalim o tabi ng kinalalagyan mo – may bawas ka na puntos sa recitation mo para sa araw na ito. Tyaka nga pala, Iniwan niyo ako kahapon. Nagpaalam na ba kayo Zinc?”
“Hiiiinnnddiiiii po.”
“Kung sa ganun ay sana wag na ito maulit pa at kahit sa mga iba niyo pang mga guro.Sana ay respituhin niyo kami bilang inyong mga Guro. Kung hindi pa ako nagpapa-alam ay sana wag muna kayo lumabas ng silid. Maari po ba iyon?”
“Opooooo.”
“Ang pagkatuto ay magsisimula sa pinakamadali papataas. Naniniwala naman ako na mataas ang Zinc.”
Sa sinabi kong iyon ay tila napatitig sila sakin at waring isa akong sinungaling. Paano nga naman nasa taas ang Lower section? Kinuha ko ang aking Chalk box at nagsulat sa Pisara.
A
B
K
D
ZINC
“Class.. Ito ang Zinc. Hindi purkit letter “Z” na kayo at hindi purkit ang Top1 niyo ay may average na 79 noong third year ay mababa na kayo. Nasa inyo yan kung anong gagawin niyo. Tulong tulong tayo ha! Daig ng Matalino ang Masisipag. Kaya natin to. Huling taon niyo na sa High School kaya ibuhos niyo na lahat. Please.. Para sa inyo din to.”
“K.Ma’am” sagot ni Deanna.
“Ok, simulan na natin ang Eleksyon!!!”
Naging Masaya ang daloy ng Eleksyon. Kung ano – anong kalokohan ang ginawa nila. Gaya nang…..
Ang nilagay nila sa Presidente ay si Danica dahil ito daw ay laging nasa labas at nagbabantay sa mga teacher pagdarating na. Sikat din daw siya sa School kasi medyo palaaway at laman ng Guidance Office.
Ang nilagay nila sa Bise Presidente ay si Erica dahil ito daw ay maasahan naman at maliit ang boses.
Ang sekretarya nila ay Si Maan – Maganda magsulat ang problema nga lang kulang sa height.
Masaya ang naging daloy nang usapan. Bukas ay pinapadala ko sila ng Basahan at piso –piso para sa isa pang walis.
Pumayag naman sila at sumang –ayon na gagawin lahat para sa taong ito.
“Paalam na IV- Zinc.”
“PaALAM na PO MAAAAM ALMAYda…da…da..da..da”
_____________________________________________________________
“Oh yes ! uwian na… “
“Tara te! Gala tayo… ! “
“Hoy! Katrina pano yung Assignment sa Math!”
“ Jhon Paul! Paturo sa Math!!!! “
"PARSS! dota tayo!!!"
BINABASA MO ANG
Edukasyong ABKD
AdventureAng mga Lesson na talagang tatatak sa Puso mo ay hindi nakikita sa School. Kundi sa mga karanasan na haharapin mo habang humihinga ka pa. (para to sa mga kaklase ko ^.^ dami niyo di kasya sa dedication)