Kabanata 4: Saging lang ba ang may Puso?

120 4 2
                                    

Lunes nanaman .. Panibagong linggo at panibagong topic. Pipilitin ko nalang na maging normal ang araw na ito mula sa malagim na nangyari kela Joyce at kakausapin ko na lang ang mga anak ko kung anong plano.


Papaakyat na ako ng hagdan nang meron akong napansin. Tila malinis ang pasilyo at walang mga nakakalat na basura. May sako sa gilid at maayos ang pagkakalagay nito. Tahimik din ang katabing kwarto ng Zinc at tila may Exam sila sa Math. Malinis nga ang kapaligiran pero ang ingay padin nila. Ano nanaman ba ang pinagkakaabalahan ng mga bata na to..

"Hoy Nelson! Amin na nga yang Tshirt! " sigaw ni Elsbeth

"Christian! Asan na yung Masking Tape??" sigaw ni Angeline

"Amin na nga yan ako na magtutupi! kababaeng tao hindi marunong magtupi! " angas ni Mark Jason

"Exuse me! may yaya kasi kami! " sagot ni Rhea.

"Kapal mo! wala ka ngang pambili ng Libro, pambayad sa Yaya pa kaya!" biro ni Emmichele.

Ng biglang may sumigaw nanaman.....


"HOOOOYYYYY!!!! NANDIYANNNNN NA SIII MA'AMMMMMMMM!!!!" 

syempre ang Presidenteng si Danica nanaman ang sumigaw na parang mapuputulan ng ugat sa leeg sa sobrang lakas.

Nakakagulat ang aking nadatnan. Busy sila sa pagkakahon ng mga sari-saring damit na pinaglumaan nila. Mga Canned goods na pinag-ambagan pa nila. Ang mga lalake din daw ay nagkaroon ng kasunduan na sila nalang ang magbabayad ng libro ni Joyce na hiniram sa school at ang mga babae naman ang nag-usap na papalitan nila ang mga gamit ni Joyce sa paaralan. Si Erica at Katrina ay may Extra Uniform pa kaya ibibigay nalang daw nila ito kay Joyce. May plano din silang tumulong sa pagkukumpuni muli ng bagong tahanan nila Joyce. Sabi nga nila sakin- hindi nila iiwan si Joyce lalo na sa problemang ito. May naambag na daw sila pang-abuloy at naiayos na nila iyon.

"Ma'am wag na tayo mag-lesson..dalhin na natin to kela Joyce- Nandun sila ngayon nakikitira sa kapitbahay nila Ma'am at dun din nakaburol ang papa niya." sabi ni Alfred.

"Papalabasin ba tayo ng Guard.. eh hindi pa time?" tanong ko sa kanilang lahat.

"Ma'am naman! syempre papalabasin tayo! kasama ka namin eh."

at dun ay napapayag nila ako.

nasa baba na kami at karga- karga nila ang mga kahon ng pinaghirapan nila. Napakabuti nila - hindi lang halata sa kanila. Akala mo tong mga lalakeng to kung makapaglakad sa labas ay parang manununtok sa sobrang angas at ang mga babaeng to na sabi nila na ang laman lang daw ng utak ay puro crush at make-up... Pwes, dun sila nagkakamali.. 

Nakakatuwang isipin- na hindi ko pa sinasabi sa kanila o hindi ko pa sila tinatanong kung anong plano ay kusa silang nag-usap usap at bawat isa sa kanila ay nagdala at nag ambag na bukal sa loob. Walang pagdadalawang isip ang ni-isa sa kanila na wag ng pumunta sa bahay ni Joyce at matulog na lang sa bahay. Ang sabi ni Sherilyn sakin... Magtatanim daw sila ng kabutihan, para daw umani din sila ng kabutihan.

Edukasyong ABKDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon