Chapter 17: Tears that No One can Wipe Away

61 37 0
                                    


Π Π Π Π Π


(Pierre POV)


24 hours and we'll waiting for the result of our friends Lee.. okay na si Mark dahil wala naman daw lason ang espadang tumama sa kanya..


at nagamot na rin ang sugat namin..

Si Saber ay wala pa rin ang result at si Lee naman ay 50/50 and still under critical level dahil sa lason na natamo ng kanyang katawan at ang poison dagger na tumarak sa puso niya.


Bigla namang naalarma ang mga doctor mula sa loob ng ICU room kaya pati kami ay kinabahan lalo na si kuya Rigel at kuya Marco.


Pinauwi muna namin sina kuya Art, Greg, at kuya Fred dahil sila ang buong gabi na nagbantay dito sa hospital including kuya Rigel and kuya Marco.


Hindi namin alam na may kuya pala si Lee sa labas, dahil ang alam namin ay only son lang siya.

Sinabihan namin kanina sina kuya Rigel na umuwi muna pero pinagalitan kami..


At ngayon nga ay nagwawala na si kuya Rigel habang sinusuntok suntok ang pader.

Hanggang sa nawala na ang alarma at mabilis na lumabas ang mga doctor.



"Anong nangyari hah!!" nagulat kami sa pagsigaw ni kuya Rigel.. na inawat naman ni kuya Marco dahil halos sakalin na nito ang isang doctor.



"Sorry, Rigel pero ginawa na namin ang lahat.." wika ng doctor, and suddenly my tears quickly drop to my hands.



"Kahit magkano!! kahit milyon!! babayaran ko!! iligtas niyo lang ang kapatid koo!!!" Umiiyak ng sigaw ni kuya Rigel, kaya nakaramdam ako ng awa sa kanya.


"Tama na Rigel! Wala na sya.." wika ni kuya Marco saka inalis niya ang kamay ni kuya Rigel sa uniporme ng doctor.


"Hindi Marco.. hindi pa patay si Lee.." at kasabay nito ang paghalupasay ni kuya Rigel sa sahig habang umiiyak.


Tumakbo na ako paalis sa hospital narinig ko pang tinawag ako ni Vince pero hindi ko na sya nilingon at mabilis na pumasok sa loob ng kotse ko at mabilis na pinasibad..


All I know that I need an alcohol.. Ayaw kong umiyak sa loob ng hospital kaya sa alak ko na lang iyon ibubunton kasama ng galit ko.



(Dark POV)



Ayos na kaming lahat at hinihintay na lang namin ang pag gising ni Rudolf at Rocher.

Magkaibang hospital ang pinagdalhan sa amin nila Lee at hanggang ngayon ay wala pa kaming balita tungkol doon.


Dito nila kami dinala sa hospital ng kuya Paul ko kaya wala kaming balita kina Lee.


At ngayon nga ay maayos naman na sila ay balak ko namang puntahan sila Pierre para tingnan kung okay na rin sila.


Ipinarada ko ang sasakyan ko sa labas ng hospital king saan ay naka confine si Lee dahil alam kong nandito rin siguro si Pierre


Papasok na sana ako ng bigla kong makasalubong si Vince.


"Vince! ano? ayos na ba kayo?."



Bigla namang akong nanghina sa ipinukol nitong tingin sa akin dahil namumula ang mga mata niya na halatang galing sa pag iyak.


"Sa tingin mo ba okay kami ngayon ha!?! Lumayas ka na dito dahil wala ka rin lang mapapala! wala dito si Dark at higit sa lahat! hindi ka na sana nag aksaya pang pumunta dito dahil wala na si Lee!! because of your fvcking leader! and now he die..!"


Saka itinulak niya ako at tumakbo na palabas ng hospital.



"I'm sorry Lee.." Saka nagmadaling tumakbo palabas ng sasakyan para pumunta kila Rash para ipaalam sa kanila.


Mabilis naman akong nakarating dahil walang traffic.


Kaagad akong lumabas ng sasakyan ng maiparada ko na iyon, hindi ko na inabala pa na kunin ang susi sa sasakyan.


Nakita kong wala ng nakatambay sa labas kaya malamang ay nasa loob na sila.


"Gising na si Rocher.." balita ni Rash sa akin kaya napatingin naman ako sa kanya.


"May kailangan kayong malaman about Lee.." at kasabay nito ang pagtulo ng luha ko.


"What about Lee.!?. ahh!!" kaya napabalik ulit ng higa si Rocher sa kama dahil sa pagkirot ng sugat niya marahil.


"He..


Pass away a while ago..


I'm sorry" at kasabay nito ang pag yuko ko ng ulo ko at pumatak na ang mga luha ko sa sahig.



"Hindi ako naniniwala!! Hindi yun totoo!! dalhin niyo ako sa kanya at ako ang gagamot!!"



"Magpahinga ka muna Rocher!" wika ko kaya naman bigla itong sumigaw kaya nagulat kami at napilitan siyang dalhin doon.

The Kings (Season 2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon