Secret
October 8, 2014
Nagsimula ang rumors na nagfile daw ng lawsuit against SMent.nung una, hindi ka naniwala. Alam mo naman kasi ang All K-pop, puro (shitty) rumors lang naman ang pinapakalat.
Nabulabog ang buong mundo sa balitang iyan pero tulad mo, may mga fans din ang hindi naniwala.
Hanggang sa nagpost din ang Sina.
Doon ka na kinabahan. Alam mo kasi na kapag chinese sites ang nagpost tungkol sa isang rumor, 50-75 percent ay totoo. Ang Sina rin kasi ang nagsabi na aalis si Kris.
At yun ay nagkatotoo.
Kaya ayun, mangiyak-iyak kang nakatitig sa iyong laptop- sa wallpaper mong si Luhan, to be exact.
December 3, 2014
Inulan ng awards ang EXO. Dalawa sa tatlong malalaking awards ang nauwi nila.
Artist of the year, At Album of the year.At habang kinukuha nila ang awards na ito, ang tanging mensahe sa kanilang pasasalamat ay,
"Tapos na ang malulungkot na araw dahil babalik kaming EXO na masaya at mas maayos."
At habang pinapanood mo silang nagsasalita at nagpeperform, hindi mo naiwasang maiyak at humagulgol.
Naisip mo kasi na mas maganda ang performance at mas masaya sila sana kung kumpleto sila.
Hanggang sa pinalabas sa MAMA ang announcement ng comeback ng EXO.
Labing-dalawa ang bola. Sampu ang nasa labas ng maze, dalawa ang nasa loob.
Sari-saring kumento tungkol sa paksang iyon ang nasa internet.
New beggining daw ang meaning ng trailer.
Yung iba nagsasabi na baka ang bagong concept ng exo ay ang pagligtas sa dalawang na-trap sa loob ng maze.
Ayaw mong umasa pero mas pumanig ka sa pangalawa.
December 12, 2014
Ilang araw na ang lumipas mula nang umiyak ka ulit dahil sa EXO. Nandito ka sa school mo, as usual, tulala. Mula kasi nang mapanood mo ang comeback trailer ng EXO, palagi ka nang ganyan.
Ayaw mo kasing umasa, pero umaasa ka.
Kakatapos lang din ng finals exam niyo for this sem. Kaso, next week, magiging busy ka dahil magpepresent ka ng thesis mo, at magpapasa ka pa ng project. Sa pinakahuling araw naman ng pasok niyo, may year end party.
Bigla kang tinawag nang best friend mo kaya napalingon ka sa kaniya. Tinabihan ka niya sa upuan saka pinakita sa iyo ang pinaka-latest picture ni Luhan.
Halos magkadikit ang mukha mo sa cellphone niya.
"Ang ganda na ni Luhan sobra. Huhu, sana totoo nga na magbabalik na siya." Sabi niya kaya napalingon ka.
Nakuha kasi ng huli niyang sinabi ang iyong atensyon. "Saan mo naman nahagap ang balitang 'yan?"
"Balita?" Naguluhan pa siya sa iyong tanong pero agad naman inya itong naintindihan. "Ah yun ba? Hahaha, wish ko lang naman yun. Peace!"
Nagbuntong hininga ka at pinaalala muli sa iyong sarili na wag mag-assume na babalik sila hangga't wala pang binabalita.
Pero masakit talaga eh.
Napaisip ka. Paano kag hindi sila babalik?
Nagbuntong hininga ka ulit. Masayado ka na namang nega. Kinuha mo na ang bag mo saka umuwi.