Chapter 30
After the party. Binisita ako ni Lolo sa condo ni Uncle.
Niyaya ko si Lolo sa veranda na magpapahangin, balak ko sana siyang kausapin tungkol sa nangyayari sa buhay ko.
Habang nakaupo sa veranda, ay titig na titig naman si lolo sa akin.
"Bakit po?"
Umiling siya.
"You look exactly your Mom,"
I give him a half smile.
"I didn't expect that you exist, tinago ka saamin ng Mama mo."
He said. Napabuntong hininga ako.
"Ako rin po eh, di ko alam na may nag e- exist pa akong kamag anak"
Tumango-tango siya.
"Hmm.. she maybe did that to protect you"
......silence............
"Pwede pong magtanong?"
"Go ahead"
"Ahm..ano po ba talaga ang nangyari? Bakit naglayas si Mommy at si Daddy, kahit po kasi pamilya ni Daddy, di ko kilala"
Napabuntong hininga narin siya.
"Magulo ang pamilya natin Apo, Nag simula ang gulo ang away sa pagitan ng mga Alvarez at Saavedra dahil sa isang babaeng Mizcalez.
Ako at Si Michael Alvarez noon ay matalik na magkaibigan dito sa Fermix. Ang aming Pagkakaibigan ay nagtagal ng taon bago dumating si Sofia Mizcalez.
Ako ang unang naging kaibigan ni Sofia dito sa Fermix, ako rin ang unang naging tagapagtanggol niya. Ipinakilala ko rin siya kay Michael kaya naging magkaibigan kaming tatlo.
Subalit kalaunan ay nagtapat kami ni Sofia ng pag ibig namin s isa't isa. Lingid sa aking kaalaman ay nagkagusto rin si Michael sakaniya.
Nagalit sa akin si Michael at siniraan niya ako sa Fermix. Pinagbintangan niya ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Nakulong ako ng ilang buwan at nahatulan rin ng walang kasalanan.
Ngunit huli na para sa amin ni Sofia. Naging sila na, ni Michael.
Masakit isipin na sarili kong kaibigan ay tinaydor ako at inagaw ang pinakamamahal ko.Ilang beses ko ring kinausap si Sofia upang magpaliwanag pero hinaharangan palagi ni Michael.
Lumipat ako sa Stanxi Academy, para mag move on na sa lahat, doon ako naging isang student President.
Ngunit hindi maiiwasan na maging magkasagupa kami sa ilang patimpalak at ako ang nananalo.
Naging isa rin ako sa napili na maging kalahok sa patimpalak sa ibang bansa katulad ni Michael na represenante ng Fermix, ngunit natalo siya at ako ang nagwagi. Inaamin ko.
Pinanalo ko talaga iyon para makabawi sa sakit na ibinigay niya sa akin.
Ngunit kinalimutan ko nalang iyon dahil umibig ako kay Solidad, ang iyong lola.Nabalitaan ko na kinasal at nagkaanak si Sofia at Michael at yun ay si Dean Michaelangelo. Ako naman nagmahal sa iyong lola at nagkaroon ng supling na si Alexandria.
Ngunit naging magulo din noong dumating ang pamilya ng iyong ama na pinakamakapangyarihang mafioso sa buong daigdig.
Hinangad ito ni Michael ngunit nabigo siya ng minahal ng ama mo ang anak ko at pinakasalan.
Pinatay ni Michael si Solidad. Ngunit nanahimik kami. Dahil alam ko na dala iyon ng matinding galit niya sa akin at matinding inggit.
Doon umalis at nanahimik ang mga magulang mo.
Ngunit kalaunan, nagkaroon ng engkwentro ang mga Mafioso. Balak patayin ni Michael ng mga mag asawang Alcantar, ang mga magulang ng ama mo, para makuha ang pinakamakapangyarihang mafioso sa daigdig.
Ngunit nabigo siya ng tambangan sila at patayin ng mga Alcantar. Nakaligtas si Michael, ngunit napatay ang kaniyang asawa na si Sofia na balak sanang pigilan ang plano ni Michael.
Doon mas lalong naging masidhi ang galit ng mga Alvarez. Pinatay si Michael ng mga Alcantar.
akala namin matatapos na ang gulo ngunit nakialam si Michaelangelo at pinatay ang mga magulang mo.
Pinaimbestigahan namin noong lumapit si Admin Alvia at sinabi ang tungkol sayo.Nalaman ko rin kay Alvia na siya ang may pasimuno sa Pagpatay sa mga magulang mo dahil sa ang academy ay binili ng ama mo at ng kaibigan niyang si Stephen.
Ngunit alam niya na ikaw at ang anak ni Stephen ang tagapagmana ng Academia."
Im speechless.
"What a tragic story. So ibig Sabihin amin ang Academy? At hindi kay Dean?"
"Apo.apo.apo.. sa inyo ito. Hindi lang namin mapapa alis si Dean Alvarez dahil hindi pa naman siya kumikilos. Nag aantay lang kami ng kilos niya para patayin siya.
Apo ko. Pasensiya na ngunit maging si Almira ay galit sa taong iyon. Pinatay niya si Mia at ang ina niya, na lola mo.
Maling kilos lang ang iniintay namin para patayin si Dean Alvarez. Madami na siyang nadamay. "
"Di po ba kayo nababahala na pati ako kunin niya sa inyo?"
Curious kong tanong.
"Hindi. Andyan si Alvia. Ang mga mafioso ng Alcantar. Halos ng mga tauhan at estudyante dito ay anak at tauhan ng mga Alcantar. Hindi ka paaaralin ng ama mo dito kung hindi ka ligtas dahil pinagmumunuan ito ng halimaw.
Apo malaya akong nakakapasok dito. Walang nagawa si Dean Alvarez. . Wag kang mag alala. Ha?"
"Lolo? "
"Hmm. ?"
"Kung anak ni Dean Alvarez si Luke, ibig sabihin kalaban din siya?"
"Di natin masasabi. Ikaw. Ikaw ang mas nakikilala sa kaniya diba?"
That's made me think.
💕💞💞💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💞💞💞💞💞💞💕💞💞💞💞💞💞💞💞💞
BINABASA MO ANG
Love Of A Secret Genius (TagliSh)
Short Storynever under estimate a person by his or her looks.. she is a a genius an extra ordinary a hero of her own story she choose to left her life being a woman of everything just to be a woman of nothing she choose to left her perfect life to be at a...