Hindi ako mapakali sa araw na ito. Pakiramdam ko, may balak kang sorpresahin ako ngayon. Ayoko sanang umasa pero ramdam ko ang pag-iiba ng ihip ngayon.
"Percilia, samahan mo ako sa kabilang kanto. Muli tayong maglilinis." sabi ni Ina bago kami tumulak sa trabaho.
Hindi tayo nagkita sa umaga at wala rin bakas ng anino mo sainyong tirahan. Inisip ko nalang na mahimbing pa rin ang tulog mo, ayoko sanang makaistorbo.
Pumunta kami ni Ina sa bahay ng isa sa mga may-kaya sa ating bayan. Ako ang nakatokha na maglinis ng bakuran pati na rin linisin ang kanilang halaman. Napakadali lang nito para sa akin, hindi ko inantala ang init ng araw na tumatama sa aking balat. Hindi naman ako nangingitim, tanging pamumula lamang ng balat ang nangyayari.
Tumawa ako nang makitang may dumapo sa akin na isang napakagandang kulay puti na paru-paro. Pinaglaruan ko ito bago pinakawalan.
"Percilia, tapos kana ba?" tanong sa akin ni Ina habang siya ay naglilinis ng bintana.
Wala pang alas tres ay maaga akong pinauwi ni Ina upang linisin ulit ng aming bahay. Nagwalis ako at nagpunas ng mga alikabok sa bawat silid ng aming munting tirahan. Pagkatapos kong gawin ito ay agad naman akong nagpahinga dahil sa pagod.
Naalimpungatan ako sa isang pamilyar na boses sa aking gilid. Ramdam kong pinagmamasdan ako ng isang tao. Iminulat ko ang aking mata at bumungad ang isang mala-anghel na mukha na pagmamay-ari mo.
"Pito, anong ginagawa mo rito?" 'yan ang tanong ko pa sa'yo no'n.
Lumaki ang ngiti mo habang pinagmamasdan mo akong magkusot ng aking mata. Tinulungan mo rin akong magligpit ng banig at itabi ito sa gilid.
Nagtaka ako sa paran nang pagkilos mo. Hindi matanggal ang ngiti sa iyong labi habang pinagmamasdan mo rin ako. Lumapit ka sa akin at binulong mo ang nag-iisang pangako mo sa akin.
"Percilia, kain tayo sa labas."
Hindi ako nakasagot dahil sa pagkabigla. Hinatak mo agad ang kamay ko para makapunta sa lugar na gusto mong puntahan kasama ako.
"Pito, ayoko sa ganito. Huwag mo muna ako pag-gastusan." Ilang beses ko itong sinasabi sa'yo pero parang wala kang pinapakinggan ni-isa mula sa akin.
Dinala mo ako sa karinderya ni Aling Marites. Pinaghatak mo pa ako ng upuan bago ka lumapit sa bilihan ng mga pagkain.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kinikilos mo. Nakangiti ka habang namimili ng mga masasarap na ulam. Kumunot pa nga ang noo ko dahil nilabas mo ang iyong pera na nakabalot ng plastik.
Nagbilang ka sa harapan ni Aling Marites at tila sinisigurado na hindi kulang ang ipambabayad mo. Bumalik ka habang bitbit mo ang pagkain na gusto mong matikman ko ngayong araw.
"Kain tayo." nakangiti mong sabi sa akin.
Nagreklamo ako dahil masyadong marami para sa akin ang dalawang ulam. Hindi naman ako humirit na kailangan marami kang bilhin pero dahil sa katigasan ng ulo mo, binili mo pa rin.
Hindi mo pinapakinggan ang reklamo ko at sinabayan mo pa ako na 'wag maging maingay at kumain nalang nang matiwasay. Habang tumatagal, mas naenganyo na akong kumain nang marami. Hindi naman mawala ang ngiti sa iyong labi habang pinagmamasdan mo akong ubusin ang aking pagkain. Hinati ko pa sa dalawa ang ulam ko pero hindi mo tinanggap ang alok ko sa'yo.
"Nabusog kaba, Percilia?" pangungulit mo sa akin.
Hindi ako sigurado kung bakit pilit gusto mo malaman kung nabusog ba ako sa iyong libre. Hindi kita sinagot dahilan gusto kitang asarin sa araw na ito.
"Hindi mo pa ako sinasagot, Percilia."
Para kang bata na nagsusumbong sa iyong Nanay. Lumakas ang tawa ko nang makitang nakakunot na ang iyong noo.
"Paumanhin, pero hindi ko maiwasan na tumawa sa iyong itsura."
Nagulat ako nang umaliwalas ang iyong mukha sa sinabi ko. Nawala ang pagkabusangot sa iyong mukha at bumalik ang pagiging makulit mo sa akin.
"Mabuti kung gano'n, hindi ko kayang maisip na hindi ako ang dahilan ng iyong pag-ngiti, Percilia."
Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ko ang pamilyar na tibok ng aking puso. Naalala ko na naman ang unang beses nitong pagtibok dahil sa'yo.
BINABASA MO ANG
Percilia's Diary
Short Story[COMPLETED/SHORT STORY] Percilia Lourdes Chavez, isang anak na kilala bilang isang masayahin at masipag sa kanilang lugar. Mahirap man ang kanilang estado sa buhay, hindi 'yun ang naging dahilan para mawalan ng tiwala sa sarili ang dalaga hanggang s...