A/N: This is my last update for today since medyo busy ako sa ibang book but don't worry, ready na po ang last chapter konting ayos nalang.❤️
---------
Ito ang araw na hindi ko malilimutan kailanman.
Kamusta kana ngayon? Alam kong hindi mo rin ito makakalimutan. Alam kong masakit din sa iyong parte ang ganitong pangyayari sa ating dalawa. Pero salamat, dahil ikaw ang naging sandalan ko sa habang buhay.
Agapito Conception, ang lapit mo pero ang hirap mong abutin. Sinadya ata tayong pagsamahin pero paghihiwalayin lang sa huli.
Maaga akong nagising upang gawin ang nakasanayan ko. Mukha mo agad ang bumungad sa akin habang pinagmamasdan mo akong linisin ang aming bakuran.
"Wala akong trabaho ngayon, Percilia." sabi mo sa akin.
Masaya ako sa iyong sinabi pero ramdam ko ang pag-iiba nang ihip ng hangin. Hindi ko alam kung tungkol ba ito sa atin o talagang mainit lang ang panahon ngayon.
"Gusto mo bang kumain ng...palabok, Percilia?" tanong mo ulit sa akin pagtapos kong linisin ang aming bakuran.
Naligo ako noon at nag-ayos. Sinuot ko muli ang paborito kong damit pang-itaas at ang dilaw na palda abot sa aking tuhod. Sinadya ko rin na hayaan magtatalon ang aking buhok at hawiin ng hangin.
Dala-dala mo ang supot ng plastik habang pinagmamasdan mo akong tapusin ang aking gawain. Hindi pa tapos ang aking trabaho kaya naman minadali ko ito para makatambay na tayo sa tabing dagat.
Nagku-kwentuhan tayo habang naglalakad sa gitna ng tirik na araw. Napatitig ako saiyong mukha sa tuwing lumalapat ang araw sa iyong balat. Pati yata ang araw ay nahumaling sa iyong kakisigan.
"Ano ang gusto mo pang marating bukod sa mabigyan nang malaking bahay ang iyong pamilya, tulad ko?" tanong mo sa akin habang nakaupo tayo sa buhangin.
"Makasama ang aking minamahal at makabuo ng sariling pamilya." Ito ang naging sagot ko sa'yo noon.
Tumawa ka at ginulo ang aking buhok. Inis na inis ako sa'yo sa paraang inulit mo ulit ang dating gawi mo. Nakakatuwa rin dahil bumabalik na ang ating pagsasamahan.
Natahimik ka kaya hindi ko maiwasan na pagmasdan ang perpekto mong mukha. Nanibago ako sa tindig mo pero nanatiling ikaw pa rin ang aking kaibigan. Napakagaan talaga ng loob ko sa'yo, Pito.
"Nasubukan mo nabang... magmahal?" tanong mo sa akin.
Naramdaman ko ang pagbilis ng puso ko. Ilang beses kong iniwasan ang mata mo habang pinagmamasdan at hinihintay ang aking sagot. Alam kong wala pa ako sa tamang oras para sabihin saiyo ang totoo.
Hindi ko sinagot ang iyong tanong. Hindi mo rin naman naramdaman na ayaw kong sagutin kaya iniba ko ang usapan. Napahaba ang usapan natin hanggang sa tanungin mo ulit ako.
"Percilia, kaya mo bang magmahal ng ibang tao bukod sa nakakasalamuha mo araw-araw?"
Hindi ko alam kung bakit ito ang naitanong mo sa akin. Hindi ko rin naman alam kung ano ang pwede kong isagot.
"Huwag mo na isipin, halina't dumidilim na." sabi mo.
Niyaya mo na akong umuwi kaya pinagpagan ko na ang aking palda. Pinagmamasdan mo lamang ako habang ginagawa 'yon.
Nang makarating tayo sa tapat ng aming bahay ay inaasahan ko na muli kang pipitas sa aming bakuran. Pinili mo ang isang mapulang rosas, isa sa mga paborito kong bulaklak.
"Napakaganda kapag tinapat ang bulaklak sa iyong mukha. Huwag mo sanang hayaan na mawala ang ngiti sa iyong labi." nakangiti mong sabi sa akin.
"Magkikita tayo muli mamaya, aking binibini."
Bumilis ang tibok ng aking puso, hindi dahil sa kasiyahan kundi ramdam ko na ang pagbabago ng ating samahan.
Sa kalagitnaan ng tulog nila Inay ay ang pagbangon ko naman upang mag-ayos at sundin ang sinabi mo sa akin.
Hindi na ako nagpaligoy pa kahit ramdam ko ang panginginig ng aking labi at ang pagdampi sa akin ng simoy ng hangin.
Nakita kitang mapayapang nakapamulsa sa gilid ng dagat. Nakatayo ka lamang at mukhang may malalim na iniisip. Kahit gaano pa kadilim ang paligid, kitang kita ko ang pagkakisig at ang kagwapuhan na mayroon ka.
Humarap ka sa akin at hindi mawala ang ngiti sa iyong labi ngunit isa itong nakakakilabot dahil alam kong iba ang dahilan sa iyong pag-ngiti.
Ito ang unang gabi na niyaya mo akong lumabas. Batid kong ayaw mo akong mapahamak pero alam ko rin na may importante ka pang sasabihin bukod rito.
Ito rin ang unang pagkakataon na lumandas ang luha saiyong pisngi. Unti-unti akong nahihirapan makahinga habang pinagmamasdan kitang kabisaduhin ang aking mukha.
"Percilia Lourdes, lahat ng aking sasabihin ay may bahid ng kasinungalingan." sabi mo sa kalagitnaan nang pag-iyak mo.
"Ako si Agapito Conception, ako ang magmamahal ng tapat saiyo at ako rin ang kaibigan mong makakasama mo habang buhay."
BINABASA MO ANG
Percilia's Diary
Short Story[COMPLETED/SHORT STORY] Percilia Lourdes Chavez, isang anak na kilala bilang isang masayahin at masipag sa kanilang lugar. Mahirap man ang kanilang estado sa buhay, hindi 'yun ang naging dahilan para mawalan ng tiwala sa sarili ang dalaga hanggang s...