Masama ang timpla ng araw ko nang ginising ako ng aking Ina upang magtrabaho. Hindi pa rin ako mapakali at sabik akong makita ka upang tanungin tungkol sa inasal mo kagabi.
Tinanong rin ako ni Tatay kung ano ang naging resulta ng panlibre ko, kahit gusto kong sabihin sa kanila ang totoong nangyari, pinili ko lamang tumahimik at hindi banggitin ang pangalan mo.
Naggupit at nagdilig ako sa ibang bahay bilang parte ng trabaho ko. Ilang beses din akong sinuway ni Ina dahil sa pagiging lutang ko sa araw na iyon.
Sumapit ang alas tres ay nagmadali akong maglinis upang pumunta sa tabing dagat. Inaasahan kong naghihintay ka rin sa akin do'n.
Lubos ang aking panghihinayang nang makitang walang anino ni-isa ang nagpakita sa akin. Ilang beses akong nagtanong tanong sa iba at nagbabasakali na nakita ka nila.
"Paumanhin Percilia ngunit hindi ko nakita si Agapito na pumunta dito." sagot sa akin ni Aling Teresa.
Hindi ako sumuko at hinanap pa rin kita hanggang sa inabutan na ako ng dilim kakahintay sa'yo sa tabi ng dagat.
"Nasaan kana ba Pito? Nasa iyong tahanan ka lang ba?"
Napagdesisyunan kong daanan ang inyong bahay bago umuwi pero kahit ang inyong tirahan ay madilim rin at walang bakas ng tao. Nakakandado ang inyong pintuan at hindi man lang naisara nang maayos ang inyong kakahuyan na ginawa niyong pangharang sa bakuran.
Bagsak ang aking balikat nang makauwi ako sa bahay. Naghintay rin ako sa aming bakuran at iniisip kung anong oras kaba magpapakita sa akin.
Tila mapaglaro ang tadhana at hindi ka man lang nagpakita sa akin. Ilang beses na rin akong tinawag ni Inay upang kumain pero nagmatigas ako sa labas para hintayin ka lamang.
"Percilia, tara na sa loob at mahamog na diyan sa labas." sabi ni Nanay.
Kumain kami nang tahimik. Pakiramdam ko, alam nila Nanay at Tatay na hindi maganda ang araw na ito sa akin kaya maaga nila akong pinagpahinga nang makabawi bukas.
Nabuhayan ako ng loob nang maaga akong magising upang magdilig ng halaman malapit sainyong tirahan. Ilang beses na ata akong sumulyap sainyo pero hindi ka pa rin nagpapakita sa akin.
Umabot ng alas tres, hudyat na maaari na akong makauwi. Dumaan pa ako sainyong pwesto sa palengke ngunit sarado rin ang inyong tindahan.
Isang linggo ang makalipas noong huling kita natin, Agapito. Lubos na akong nag-aalala para saiyo at sainyong pamilya. Sila Tatay ay hinahanap kana rin sa akin pati ang iyong Ama na ipinagliban ang pagtrabaho.
"Tatay, wala pa rin po bang balita?" Ito ang naging tanong ko araw-araw kay Itay, nagbabasakali na makakakuha ako ng matinong sagot sa kaniya.
"Pasensya na anak pero wala pa rin akong balita sa pamilya ni Pito. Nag-aalala na rin ako sa kanilang hanap-buhay."
Kahit kelan talaga, Pito. Ang hilig mong magsikreto sa akin. Napaka ganda mo ngang pagmasdan pero sa likod ng iyong pagmumukha, may tinatago ka rin palang sikreto sa akin.
Walang araw na pumalya ako upang bisitahin kita sainyong tirahan. Isang buwan na makalipas simula noong nagkita tayo. Isa pa ring malaking misteryoso ang pag-alis mo hanggang ngayon. Walang nakakaalam ni-isa.
Pero sadyang mabait pa ata ang Panginoon sa akin dahil may isang magandang balita ang narinig ko mula sa aking Tatay.
"Nakauwi na ang Pamilyang Conception!"
BINABASA MO ANG
Percilia's Diary
Short Story[COMPLETED/SHORT STORY] Percilia Lourdes Chavez, isang anak na kilala bilang isang masayahin at masipag sa kanilang lugar. Mahirap man ang kanilang estado sa buhay, hindi 'yun ang naging dahilan para mawalan ng tiwala sa sarili ang dalaga hanggang s...