Alas-nuebe ng muli akong nagising. Nilingon ko ang sarili at nakita ko ang aking katabi na mahimbing na natutulog. Dahan dahan akong bumangon just to make sure I didn't wake her up.Nagbihis na ako at umalis na sa condo niya. Yung nangyari kagabi? Well, she's just teasing and messing up with me. She's playing with me to be exact.
"What do you want?" Nahihirapan kong tanong dito. "You." Palapit ng palapit ang mukha nito hanggang bumagsak ako sa kama. Shuta, mabigat siya. Narinig ko naman itong tumawa ng malakas.
"Haha! You're so cute. Let's go sleep na." Umalis na ito sa ibabaw ko at lumipat ng pwesto sa tabi ko. Hinubad niya ang suot na bathrobe at nakita ko naman ang suot niyang sexy lingerie. Tinalikuran ko na ito saka nagtalukbong ng kumot.
"Are you mad?" Malambing na tanong nito at nilaro laro pa ang buhok ko. Sa totoo lang nakakaramdam ako ng kilabot. Ganto naman ka-sweet si Portia sa akin pero iba yung sa kanya. Jusko!
Hindi ako kumibo at pilit na maka-tulog. "Siguro kung hindi kita nakita na halos mahimatay na sa sobrang lasing malamang ibang tao na mag-uuwi sayo." Di pa rin nagbabago ang tono ng boses niya o siguro lasing lang ako kaya iba ang nagiging pandinig ko?
"Owner and the bouncer knows me. Even the waitress, bartender and janitor staffs. Kaya kahit malasing ako nakaka-uwi ako sa bahay." Bored kong sagot sa kanya. Napa-bugtong hininga naman ito at naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa may batok ko. So it means malapit lang siya sa akin. She stopped playing my hair. "Alright, baka pati ito pag-awayan pa natin. I'll go ahead and sleep na. Good night." Pinatay na nito ang ilaw at hindi na rin ako kumibo. Mabilis rin naman ako nakatulog pag-tapos nun.
Siguro nga lasing lang ako.
Pagka-uwi ko ng bahay nandun si Portia pero bago pa ako makita ng mga tao sa bahay dumaretso ako sa kwarto. Naligo saka bumaba. "Wow, buti naman at gising ka na sabi ni Tita pumunta ka daw sa bar kagabi?" Tumango ako bilang sagot at bigla ko naman naramdaman ang sakit ng ulo ko kaya humingi ako ng gamot pati na rin makakain kay Nay Letty.
"Darling, you already awake na pala? Mamaya pupunta dito ang Engineers to talk your Daddy about the first hospital in town. Would you mind to join them?" Umiling ako kay Mommy. "Nope, I'm cool." Sabi ko na lang. Niyakap ako nito saka hinalikan sa pisngi ng paulit-ulit.
"Err, Mom? Nakakahiya kay Portia baka sabihin masyadong akong baby na baby dito." Maktol ko kay Mommy natawa naman si Portia sa namin. "Ito naman naglalambing lang at matagal tagal na ang huling panlalambing ko sa iyo. O'sya ako ay magluluto ng specialty dahil may mga bisita tayong darating and Portia dito na kumain ng lunch at kung gusto mo hanggang dinner na." Magiliw na sabi ni Mommy sa amin ni Portia. Umoo naman si Portia ako naman ito nag-rolled eyes. Nako kung Mommy ano kami ni Portia dati.
"Ang aga mo naman nandito." Tumabi ako dito. Dumating na si Nay Letty dala dala ang pagkain at gamot ko. "Salamat, Nay." Inalok ko din si Portia at pareho na kaming kumakain ng almusal.
Tanghali ng magpasya kaming bumaba na. Nasa kwarto lang kami at nagkakalikot ng yearbook. Pinag-tatawanan ni Portia ang mga kaklase at ka-batch namin. "Nakita mo itsura ni Farrah? Mukha talaga siyang papatol sa matanda 'no?" Nagkibit balikat naman ako. Ewan ko ba pagdating kay Portia at Farrah may bad blood ang dalawa.
Nakahawak sa braso ko si Portia na dikit na dikit sa akin ang dibdib niya. Na-alidbadbadran na nga ako sarap sikuhin. Napansin namin na parang may mga masasayang tao na nagke-kwentuhan sa hapag kaya pag punta namin dun nakita ko ang di pamilyar na mukha. Siguro ito ang tinutukoy ni Mommy na Engineer na gagawa ng hospital. Lumabas si Mommy kasama ang familiar na babae. "Alexandra."