Palapit na kami ng palapit pabilis naman ng pabilis ang pintig ng puso ko."Ano kayo kayo lang sasama rin ako sempre." Napatalon naman ako gulat. Lintek na Mico 'to. Parang kabute bigla na lang susulpot.
"Bebe, mukhang attitude sis mo. Okay lang talaga?" Tumabi naman si Mico kay Alexander at sinukbit ang braso niya sa braso ni Xander. Napatingin ako dun kaya napatingin rin si Mico sakin. "Ikaw lang pwede akayin ni Xander sis?" Taas pa ang kilay nito.
"Tinataray mo ako?" Pagta-taray ko rin may Mico. I heard Xander chuckled. "Sabi ko nga hindi." Natawa naman ako sa pagbawi ni Mico. "So bebe di mo sinagot tanong ko." Natawa rin ako ng bahagya. Mico demands like Xander's girlfriend. Yuck.
"Nope. She's cool." Sagot naman ni Xander. Napabitaw naman si Mico. "She's cool? Malamang ate mo yan. Naalala ko kwento ni Gen sa Ate mo. Nagtatarayan daw sila dati." Natawa naman si Xander. Oo nga pala super friends ni Genesis si Alexandra tinatawagan pa nga nya itong Mommy na parang tunay na nanay talaga.
"Dati yun. Akala kasi ni Ate si Genesis yung barkada ni Alexis na nagaaya dati sa fraternity." Tumango tango naman si Mico. "Nako bebe ha? Ayoko ng bad blood." Natawa na lamang si Alexander at napailing.
Tumigil ng ilang minuto ang mundo ko. Tila ba nawalan ng hangin. Shit. Nandito na nga talaga siya sa harapan ko. Abala pa rin itong nakikipag-usap sa guest. Xander simply cough at tila ba napansin agad iyon ng ate niya.
"Bro." Ngiti nito at lumapit si Xander para halikan sa pisngi ang ate niya. Nagpaalam na ang ga guests sa kaniya at lumipat ang atensyon sa amin ni Mico.
"Uhm, this is my mates. Actually the whole gang is here except Genesis. She's in Baguio right now." Paliwanag ni Xander. "Yeah, Alexis already told about that. Anyway, I'd like to meet them." Nakangiti naman ito kay Xander pero sa amin ni Mico nakatingin.
"Yeah sure but meet them first. This is Doctor Michael Angelo Manuel." Una niyang pinakilala si Mico. Nakipag-shakehands ito. "Nice to meet you." Magiliw na bati nito kay Mico.
Please to meet you too, Director." Saad naman ni Mico. "He is a Neurologist in Asian." Nakita ko naman ang o-shape ng kaniyang labi. Ngumiti naman si Mico. "Hi. Thank you for choosing Asian."
"My pleasure, Director. Isa pa Asian is the one best hospital in the Philippines." Sagot naman ni Mico.
"And this is Doctor Allysian Osmeña. Ocnologist." Ngumiti ng makabuluhan si Xander sa Ate niya at napansin ko naman ang pag-irap nito dito. "Hi. Nice to meet you." Bati naman sa akin nakipag-shakehands naman ako dito at ngumiti.
"Nice to meet you too." Maikling sagot ko lang. "She's the youngest oncologist doctor in Asian. Take note she already treat almost 40 and counting patients." Tumingin naman sa akin si Alexandra na tila ba na-amaze sa sinabi ng kapatid.
"See? We have great doctors in Asian." Pagma-malaki ni Xander sa ate nito. "Yes. That's good to hear."
Pabalik na kami sa pool area kasama si Alexandra gusto niya makilala ang iba pa naming kaibigan. Nasa unahan namin siya kasama ang kapatid na lalaki habang kami naman ni Mico ay nasa likod.
"Ano girl? Ganda 'no?" Bulong ni Mico.
"Ganda." Sagot ko din naman. Natawa si Mico at nagulat naman ako sa nasabi ko.
"Well, ide-deny ko pa ba?" Mico gave me an amazing look. "What's for that?" Inirapan ko ito.
"Girl go na. Ilaban mo na. Para ka kabaklaan natin. Go." Hinampas ko naman ito. Anong pagka-bakla pinagsa-sabi nito? Well, I'm a lesbian. Femme type. Bakla nga ako but di ko muna isusuko ang bataan. Char. Kidding aside gusto ko muna siya kilalanin bago ang lahat 'no.
