~

40 0 0
                                    




Few years ago..

"Saan mo ba nakukuha yang mga kaibigan mo, Alexis?" Tanong ko sa naka-babata kong kapatid. "Sa bar." Maikling sagot nito. Aalis na naman kasi ng bahay. "Umuwi ka ng maaga o mag-text ka sa akin kung magpapasundo ka." Pareho kaming walang magawa ni Alexander dito. Happy go lucky kasi ito. Sa aming tatlo ito lang ang layas ng layas ng bahay.

Isang gabi umuwi ako sa bahay ng sobrang ingay. Sumilip ako sa may pool area iyon nakita ko si Ate Ling na may dalang sisig. "Sino yung nasa labas Ate?" Tanong ko sa matandang dalaga. "Mga kaibigan po ni Ma'am Alexis, Ma'am." Tumango naman ako at sinundan ng tingin si Ate Ling. "Salamat po, Ate. Pasensya nasa ingay ng mga kasama ko." Sabi ng isang morenang babae. Matangkad ito pang Miss universe ang height. Nanigkit lang ang mata ko at dumaretsong pumasok sa loob ng bahay.

Pilit ako nagpo-focus sa trabaho ko pero pilit din pinapaalala ng aking isipan yung babaeng kaibigan ni Alexis."Stress ka grl?" Nagulat ako kay Alexis na nasa harapan ko may dalang milktea. "Palamig ka muna." Abot niya sa akin ng milktea. "Kailan ka pa nag-iinvite ng bisita sa bahay? Alam ba yan ni Mama?' Taong ko dito. "Ay nakita mo? May rereto ako sayo. Si Ellai, ganda yun." Sabi nito. Napa-ayos naman ako ng upo. "Teka pakita ko sayo picture." Ewan ko ha? Pero ramdam ko ang pag-blush ko at ramdam ko ang excitement pero nung nakita ko yung picture nawala yung nagrarambulan sa puso ko. It's not her. Maganda yung babae like ang lakas ng appeal pero iba yung appeal ng babaeng nasa bahay eh. Iba siya.

Naka-tanggap ako ng text kay Ate Ling na nandun ulit ang mga kaibigan ni Alexis kaya imbis na condo ako matulog sa bahay ako matutulog ngayon. Okay, honestly gusto ko siya makita ulit. Nakipag-sabwatan pa ako kay Ate ling sinabihan ko kasi mag-text siya kung pupunta mga kaibigan ni Alexis.

Nasa bahay ako at unti unting bumibilis ang kabog ng puso ko habang papalapit sa pinto papuntang pool area. "Wala si Ally. Kasama si Portia kanina eh." Sabi nung babae na medyo madaldal. "May next time pa naman." sabi ng babaeng malumanay magsalita. Sumisilip silip ako at di ko makita yung babae. "Huy!" napatalon ako sa gulat. "Bwisit ka, Xander." Naningkit mata nito. "Sinisilip mo ba si Ellai? Nandun siya sa kusina kasama si Alexis." Di ko pinansin ito at nilagpasan ito. "Hindi. Uuwi na ako." Dahil hindi ko naman nakita yung babae nag-pasya ako umuwi ng condo na lang.

Malawak ang ngiti nanonood ako palihim sa balcony. Para akong stalker, shocks. Lihim ko tinitingnan ang babaeng nasa pool bench katabi si Genesis. Isa siya sa mga kaibigan ni Alexis na komuntikan ko pa maka-away pero shet ang soft hearted ng batang yan kaya di ko magawa magalit.

"Ah kaya pala hindi ka interesado kay Ellai kasi si Ally ang tipo mo?" Nakangiti lang si Xander sa akin. "Shut up, bro." Saway ko dito at nakatingin parin sa babae. "Sige bukas dun kita irereto." Sabi nito at umalis. Hinabol ko naman ito. "Hoy! Bastos ka, wag mong gagawin yun." Nagkibit-balikat ito at ningitian lang ako. Hinabol ko pa ito hanggang sa may kwarto nito pero sinarahan lang ako ng pinto.

"Enjoy sa London! Promise pagbalik mo iyo na si Ally!" Inirapan ko lang si Alexis. Ayun pareho na sila nagpu-push na sa akin doon sa kaibigan nila. Nasa London na ako lahat lahat si Alexis todo update sa akin sa babae. Binigay pa nga ang instagram account sa akin. 'Alexis, stop.' Message ko sa kapatid ko pero deep inside gusto ko talaga malaman.

Pagbalik ko sa galing London nagkaroon ng pa-Welcome back party sa akin. Sempre invited ang mga kilalang business partners ng Mama ko. Naaninagan ko si Xander na may kasamang babae at lalaki. "Bro." Ngiti ako ng lumapit si Xander para halikan ako sa pisngi. Nagpaalam na ang mga kausap kong guests.

"Uhm, this is my mates. Actually the whole gang is here except Genesis. She's in Baguio right now." Paliwanag ni Xander. "Yeah, Alexis already told about that. Anyway, I'd like to meet them." Nakangiti ako kay Xander pero sa kanya ako nakatingin. Sa kanya lang.

"Yeah sure but first meet them first. This is Doctor Michael Angelo E. Manuel." Una niyang pinakilala si Mico at sumunod na nga ang babaeng matagal ko na gustong makilala personal.

"And this is Doctor Allysian Osmeña. Ocnologist." Alexander looked at me and I just give him eye rolling. Nakakaasar pero kinilig ako honestly. "Hi. Nice to meet you." Kinakabahan ako sa loob loob ko but the first time she laid her eyes on me and feel her warmth on her hand kasabay na nag-rarambulan ng puso at isip ko. Aaminin ko. Siya na.

Siya lang.

IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon