Based on true story.
No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author.
Plagiarism is a crime.
This is based on true story. However, names, characters, places, and some details are products of the author's imagination. This story is unedited, so expect typographical errors, grammatical errors, and such.
And oh by the way, if you're looking for a perfect story, don't continue reading this. I am not a professional writer. I just want to write guys and gals.
Hope you like it, thanks! Lovelots :)
***
"Lea, hindi talaga para sa'kin 'to, hindi ko yata kaya," narito ako ngayon sa bahay ng kaibigan kong si Lea at kasalukuyang nakikipagbuno sa keyboard niya.
Tinuturuan kasi kami ng tito niya na tumugtog ng piano dahil sa tingin daw ni Tito Lance eh bagay sa akin tumugtog nito which is never ko naman naisip on my entire life. Gosh, dami naman kasing echos eh, feeling ko talaga hindi siya keri ng braincells ko, charot, daliri talaga dapat yon.
So yun na nga, I really need to go home na.
"Lea, 3:30 pm na, uwi na ko ah?"
"Ano pa nga bang magagawa ko Kira eh nasa pintuan ka na at isang salita lang ay kakaripas na lang basta," wika ni Lea na may pag-irap pa habang nakapamewang sa harapan ko na akala mo naman eh ikinaganda niya.
Charot lang ulit, maganda si Lea, mahilig siya sa music at higit na mas matangkad kumpara saken. Hinila ko ng bahagya yung buhok niya at binatukan siya bilang pagpapaalam. Lumabas na ako ng gate ng bahay nila at pumara ng jeep para makauwi na.
Pagkababa ng jeep, naglakad pa ko ng konti para makauwi dahil hindi naman tabing kalsada yung bahay namin. Nadaanan ko rin sa bakanteng lote yung mga pinsan ko na naglalaro ng volleyball.
"SHAKIRA YZOBELLE RIVERAAAA!!!!!!!", hiyaw ng pinsan kong si Vanessa na akala mo naman ay ilang milya ang distansya namin sa isa't-isa.
"Halika rito Shakira, tara maglalaro dali, kampi tayo!"
"Aynako, antay magbababa lang ako ng gamit at magbibihis." Grabe hindi na naman ako nakatanggi, hmm pero okay na rin pala, gusto ko rin maglaro.
Tumango saken si Vane at lalampas na sana ako sa kanila ng may mapansin akong isang lalaking ngayon ko lang nakita. Teka bakit siya kasama ng mga pinsan ko dito? Sino ba siya?
At saka ba't siya nakatingin sa'kin? Wagas makatitig boi ah, gandang ganda ba?
Hays, hindi ko na lang masyadong inisip si I-don't-know-who kasi bawal ma-stress ang busy pero malanding babae na kagaya ko. Pagkauwi ko, nagbihis lang ako at bumalik na sa bakanteng lote kung nasaan ang mga pinsan ko. Naglalaro lang kami at nang tumira ng outside ang kabilang team at dahil ako ang nasa dulo so ako rin ang lilimot, galing no? ganyan talaga kasi sabi nga sa Newton's Third Law of Motion, in every action, there is an equal and opposite reaction. Chareng, mema lang.
Lalapitan ko na yung bola nang may mauna sa akin na nakadampot nito. Lumapit siya sa'kin na hindi inaalis ang titig niya sa mga mata ko. Ang gwapo naman pala ni I-don't-know-who. Nakakalusaw, nagwawala na ang malalanding balahibo ko shemaaaayyyy!!!!!!
"Kira? oy Kira serve na!", natauhan ako nang binatukan ako ni Liezel. Hindi ko na namalayan na hawak ko na pala ang bola. Tinitigan ko kaya siya masyado kanina? Iginala ko ang paningin ko and there, I saw that stranger with a playful smirk on his face. Damn, nang-aasar ba siya? Grrr. I'm starting to hate him.
Sumali na sila I-don't-know-who sa laro, and oh, he's with Jorem naman pala. Sa team namin dumagdag si Jorem at sa kabila naman si I-don't know-who.
Mas gumanda yung laro dahil mas tumatagal na sa ere yung bola, mas buhay din ang atmosphere dahil sa kanilang dalawa. Nagpatuloy pa ng nagpatuloy ang laro, gagabi na, hindi ko na namalayan ang oras.
In the end, talo kami. And guess what? It's all because of I-don't-know-who, nakakainis! Bawat score niya, kikindatan niya ko. Ew!
Pero infairness, ang galing niya maglaro ah.
Dumating si Jan kasama ang iba pa naming mga pinsan, all boys huh. Sila muna ang naglaro at nagpahinga kaming mga babae sa gilid. Nagbubunot lang ako ng damo dahil wala akong magawa. Pero napapakunot ang noo ko dahil kitang kita ko sa peripheral vision ko si Jorem na itinutulak si I-don't-know-who papunta sa direksyon namin. Para silang mga tanga na urong sulong at pauyuhan pa, hindi ko na lang pinansin dahil katabi ko si Vane at baka rin kakilala niya yun dahil kanina pa silang magkakasama rito bago pa ko dumating.
Lumapit si Jorem samin at malayo naman samin si I-don't-know-who habang kausap si Jan. Hawak ni Jorem ang cellphone niya habang kumakamot pa siya sa ulo niya at agad ding inilapit sa'kin ang phone niya. Napakunot naman lalo ang noo ko at nagtatakang tumingin sa kanya.
"Hmm Kira, pinsan, k-kung pwede raw mahingi ang number mo", saka siya ngumiti ng alanganin, pero ano raw? number? huh! uso pa ba yon? hellooo may messenger kaya!
"Says who?", napairap naman ako, nakakairita ha.
"Yung pinsan ko kasing si Kenneth, type ka yata", then he laughed. Nakakatawa? Hindi. Nakakaani.
"Tss, I don't care." ba't kasi nag-uutos pa siya?lakas nga niya mang-asar kanina eh tas ngayon mahihiya kunware? tss. wait? am I expecting him to ask for my number directly and personally?
Umalis si Jorem at pumunta don kay I-don't-know-who, what's his name again? Kenneth? ugh I can't remember. Magbubunot na lang ako ng damo rito, mas may sense pa.
"Ehem", napatingala ako sa lalaking di ko naman kilala, tumayo at akmang aalis na nang maglahad siya ng kamay sa akin.
"Shakira, right? I'm Kenneth, Kenneth Martin Cabrera", tiningnan ko lang ang kamay niya.
"Kilala mo na ko, right? Do I still need to introduce myself?"
"hmm your full name?"
"Shakira Yzobelle Rivera"
"that's it?"
"yes, why? gusto mong dagdagan?"
"What about Shakira Yzobelle Cabrera, sounds better huh? palitan natin?"
YOU ARE READING
That Dreary Summer (ONGOING)
RomanceShakira Yzobelle Rivera is a typical teenager who used to be the priority, who used to be chosen, and most of all, she's undeniably good at everything, not until that summer when she met the head turner 'bakasiyonista', Kenneth Martin Guevarra. Eve...