Sariwa pa sa alaala ko ang ikalawang direktang pagpapahayag sa akin ni Kenneth na mahal niya ‘ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis ang napakagandang pakiramdam na naidulot sa akin nito.Nakangiti ako ngayon habang nakatanaw sa labas ng bahay, kasalukuyang nagkakape habang inaalala ang mga salita niya. Nagpapatugtog pa ‘ko at masayang sinasabayan ang mga kanta. Hayy, kung pwede lang na maging makasarili at aminin sa kaniya na mahal ko rin siya. Ang kaso, talagang komplikado, hindi siya taga rito.
Sa Valenzuela siya nakatira at nag-aaral samantalang dito lang ako sa probinsiya. Pero kung mahal naman ako ni Kenneth, magse-settle naman siguro siya sa long distance relationship, di ba?
But wait, never naman siyang nagsabi sa’kin na manliligaw siya. So, ano kami?
Landian lang talaga? Saklap naman…
Haynako Shakira, buang ka! Landian LANG? gawain mo yan, remember?
Napapikit na lang ako sa narealize ko, inaamin kong hindi ako nagseseryoso, noon, pero handa naman akong magbago, eh. Heto at nagbabago na nga ako, hindi ko na namalayan kung kalian pa nagsimula pero aminado ako na nagbago na ako.
Nagbago para sa taong walang malinaw na motibo, tss.
Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko. Nafufrustrate na ko sa kaiisip kung anong gagawin. Aamin ba ako na mahal ko siya o hindi? Kasi di ba, what if ngayon lang yung chance ko? What if, hindi na siya bumalik next vacation? What if magka-girlfriend na siya pagbalik niya roon? Edi nganga ako? There are so many what ifs and I hate it!
I never thought I would feel this way!
After minutes of silence, I made up my mind. I’ll confess my feelings for him!
***
“Oh? Napatawag ka?”
Humihikab pa ako at natulala. Tinawagan kasi ako ni Vane kaya naantala ang tulog ko, and to my surprise, alas kwatro na pala ng hapon. Hindi ko man lang namalayan.
Anyway, walang “Hi” or “Hello” sa’ming magpipinsan, direktahan na kaagad.
“Samahan mo ‘ko!”
“Ba’t ako? Kagigising ko lang kaya!” niloud speaker ko at ipinatong muna sa gilid, umupo ako sa gilid ng kama at nag-inat inat dahil halos maghapon na akong tulog.
“Alangang si Liezel ang isama ko, eh kay Kenneth tayo pupunta! Sasabihin na naman no’n, ‘duh, ako ba bebe nyan’?”
Agad na nanlaki ang mga mata ko at napatayo sa narinig, binalewala ang biro niya. Bigla akong kinabahan nang maalala na plano ko nga palang umamin sa lalaking ‘yon.
“Kir? Ano? Naghahanap ka na ng maisusuot ‘no? Sus, landi mo!”
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa eksaheradong pagtibok ng puso ko. Parang hindi pa yata ako handa. Ayaw ko pa sana siyang makita, eh.
“Uh… Vane, ikaw na lang, oh? M-Masakit kasi ang ulo ko” pagdadahilan ko
“Hala eh wala si Liz, nasa Lipa, tsaka papunta na ‘ko sa inyo eh”
Laylay ang balikat, nasapo ko na lang ang noo ko. Wala na akong magagawa kundi sumama, at isa pa, pwede namang sa susunod na araw na lang ‘yang confession thingy na ‘yan, eh. Bahala na.
“Okay.” tugon ko.
Ibinaba ko ang tawag at pinakalma muna ang sarili bago ako maghanda ng damit na isusuot. Mabilis akong naligo, at eksaktong pagkatapos ko naman maligo ay siyang pagdating ni Vane sa bahay. Nanatili ako sa kwarto at nagbihis, nagsuot lang ako ng simpleng spaghetti strap tank top at high waist shorts. Humarap ako sa salamin, nagpulbo lang ako naglagay ng lip tint at hinayaang nakalugay ang mahaba at straight kong buhok. Ganito lang ako parati pero extra effort ngayon dahil nga baka mapaamin ako ng wala sa oras, at isa pa, ang tagal ko rin sa harap ng salamin dahil nagpapractice ako kung paano ako aamin.
YOU ARE READING
That Dreary Summer (ONGOING)
RomanceShakira Yzobelle Rivera is a typical teenager who used to be the priority, who used to be chosen, and most of all, she's undeniably good at everything, not until that summer when she met the head turner 'bakasiyonista', Kenneth Martin Guevarra. Eve...