Hindi ako nakapagsalita at napaupo na lang ulit sa sofa, nanghina yata ako bigla. Ano bang trip nito?! Hindi ba niya alam na maaaring makasakit ang birong 'yon? Hayy.
"Uuwi na 'ko" pinilit kong makabawi at labanan ang tingin niya. Umalis na ako at hindi na siya hinintay pang makapagsalita.
Kailangan ko ng umuwi, tapos na rin naman yung laro di ba? At saka gagabi na, ayokong magpaabot ng gabi sa bahay ng lalaki lalo pa't kami lamang ang narito. Hindi iyon magandang tingnan lalo na sa panahon ngayon na tila naging moderno na rin ang isipan ng mga tao. Wala ka pang ginagawang masama ay kung ano ano na ang nabuo sa mga isipan nila.
Dirediretso akong lumabas ng bahay pero hindi pa gaanong nakakalayo ay napangiwi ako dahil sa mga matang nanunukat na nakatingin sa akin. Napahinto ako. Nagbubulungan sila. Psh, mga chismosa.
"Iha, hindi ba ikaw 'yong anak ni Tessie?"
"Bakit siya nandiyan?"
"Ang landi naman pala ng anak niya"
"Porke wala si Donna, alam niya ba ito?"
"Oo nga, sinasamantala nila na wala si Donna"
Kabi-kabila na ang bulungan nila at hindi ko na sila masyadong maunawaan.
"Sha, salamat sa pagtuturo sa akin magchess, ha?," luminga linga pa siya sa paligid
"Kakaalis lang ni Tita Donna, 'nakita' ka niyang dumating tapos di ka man lang makakapagpaalam sa kaniya," pinagdiinan niya ang salitang "nakita", isinalba niya ko. Hindi pa man ako nakakapagpasalamat ay marahan na niya 'kong hinila palayo sa lugar na 'yon. Sa wakas ay nakahinga ako ng maluwag.
Napatingin ako sa kanang kamay ko na hawak hawak niya ngayon, at hindi ko rin napigilan ang sarili ko na tingalain siya. Seryoso siya ngayon at nagtatangis ang bagang na nakatutok ang paningin sa daanan. Mula sa tagiliran ay mas nakikita ko ng maayos ang matangos niyang ilong at makapal na pilik mata. Sana all.
Tahimik lang naming binaybay ang dumidilim na daanan. Hanggang sa maihatid niya ko ay wala siyang kibo, may saltik yata.
"Aalis na ko, magpahinga ka na. Magkita na lang tayo bukas," sinabi niya yon nang maihatid ako, tumango na lang ako kahit baka hindi niya makita, hindi siya nakatingin sa akin nang magsalita siya, ni hindi na nga siya tumuloy sa bahay. Psh, moody, ano 'yon? Red days ba niya? Saltikin talaga.
"Susunduin kita," pahabol niya na hindi lumingon.
***
"Bakit, matinong gawain naman ang mahalin ka, ah?"
Bagama't umuulit sa isipan ko ang mga sinabi niya ay pinili ko na lamang itong huwag indahin. Marahil ay balewala lang 'yon at biro lamang para sa kaniya kaya naman hindi ko na masyadong iisipin pa at bibigyang kahulugan.
Ngayon ay naghahanda na ako para manood ng basketball game, maging sina Vane at Liz naman ay manonood din kaya walang problema. Sa kanila na lang ako sasabay ko hanggang sa court, bahala na si Kenneth. Jersey lamang naman ang suot ko paired with maong faded shorts and pink bandana as headband.
Nang makumpleto kaming mga babae ay lumabas na kami sa may kalsada para sana maghintay ng masasakyan. The game was about to start fifteen minutes from now pero wala pa ring jeep na dumaraan.
"Hello pinsans!"
Umalingawngaw ang malakas na boses ni Jorem na nagpalingon sa aming lahat na naririto.
"Huwag mo kaming matawag tawag na pinsan lalo't wala ka namang sasakyan!", asik naman ni Vane.
"Ayy, hindi ko naman alam na sasakyan na pala ang basehan para maging magpinsan, kala ko ninuno, e", kakamot kamot sa ulong sabi ni Jorem.
"Thank you ate Vane, ah? May natutunan ako" binigyang diin pa niya ang salitang ate. Inirapan lang siya ni Vane, hayy wala sa mood ang isang 'yon ah, magtatalo pa yata sila, psh!
"Abaaaa Kira, insan, ganda natin ngayon ah", baling naman sa akin ng magulong Jorem.
"Maganda ka na rin? Babae ka?", ako naman ngayon ang napairap. Bakit nakita pa ako nito eh nananahimik na nga ako rito.
"Insan audience ka, ha? Hindi ka muse," napatingala ako sa inis sa kaingayan niya, at doon ay nakita ko ang bilog na bilog na buwan.
Kaya pala naman, binubuwan.
"Tao ka, ha? Hindi ka aswang", sarkastikong tugon ko.
"Uyyy nagpapaganda", siniko siko pa niya ako.
"Uyyy naghahanda", nakangiting sabi ko
"Naghahanda?", nagtaka naman siya ngayon
"Naghahanda ng mamatay", saka ko siya sinamaan ng tingin, sana naman manahimik na siya!
"Oy Kenneth oh, inaaway ako ng bebe mo!"
Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at bahagya pa akong napalinga linga, saka ko narinig ang malakas na hagalpak ni Jorem.
"Whahahahha! Mayamaya pa 'yon, kinabahan ka naman agad!"
Sinabunutan ko na lang siya para manahimik na. Grrr, napakadaldal ng lalaking 'to, parang hindi lalaki. Siguro kaya walang babaeng pumapatol dito eh, may pagka abnormal. At ayun nga ang magulong Jorem, nagpapaawa sa aming lahat at nanghihingi ng simpatya sa mga kasama ko, may ibinubulong pa siya sa kanila habang palingon lingon siya sa akin na may nagpapaawa at nangongonsensyang tingin. Che.
Bumuntong hininga ako. Tingnan mo 'yong Kenneth na iyon, susunduin daw ako tapos mamaya pa naman pala darating. Ano siya, panauhing pandangal? Importante? Kailangang hintayin? psh.
Mayamaya pa ay may huminto ng jeep sa harapan namin. Pinauna ko silang sumakay at nang kami na lang ni Jorem ang natitira ay inunahan niya pa ako. Wow, gentleman. Tumuntong siya sa may pintuan ng jeep at hindi na lumakad pa kaya naman nakakunot ang noo ko na itinulak siya para makadaan ako pero hindi siya natinag kaya bumaba ako ulit dahil baka mahulog na 'ko.
"Hoy Jorem, dalian mo, nakakahiya sa driver oh!"
"Kuya, paandarin niyo na po, wala na tayong hinihintay. Nakakahiya po sa inyo nagtatagal ang pagtigil niyo rito!"
Hinila ko ang damit ni Jorem pero hindi talaga siya matinag, seryoso ang magulo.
"Sigurado na, ha?" tanong naman ng driver.
"Wait---"
"Opo, kuya!" tugon ni Jorem. Huhu bakit? Galit ba siya sa akin? Pinatakbo na ng driver ang jeep kaya naiwan ako. Sineryoso talaga nila ang pag-iwan sa akin.
"Bye Kira, we love you" sabay na sabi ni Vane at Liz, ngiting ngiti at kumakaway kaway pa.
Gustuhin ko mang humabol at sumigaw ay wala na akong nagawa dahil mabilis silang nakalayo. Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi na malaman ang gagawin. Bakit nila ako iniwan? Akala ko magkakasama kami?
Umupo ako sa gutter habang tulala sa mga dumaraang sasakyan. Nag-iisip. Kung sasakay ako ng jeep papunta don, makakasiguro ba naman kaya ako na tatanggapin nila ako bilang kasama gayong pinagkaisahan na yata nila akong lahat? Baka naman pagtripan lang ako.
Hays, makauwi na nga.
Tumayo na ako at nagpagpag, akmang aalis na nang may pumasok sa isipan ko. Si Kenneth. Natigilan ako at naupo ulit.
"Magkita na lang tayo bukas"
Bigla kong naalala ang deal namin, na kapag natalo ako sa chess ay siya ang kasama ko ngayong gabi. Ayokong sumira sa usapan kaya naman hindi talaga ako umalis.
YOU ARE READING
That Dreary Summer (ONGOING)
RomanceShakira Yzobelle Rivera is a typical teenager who used to be the priority, who used to be chosen, and most of all, she's undeniably good at everything, not until that summer when she met the head turner 'bakasiyonista', Kenneth Martin Guevarra. Eve...