"Now, can I have your number?"
"No, not that fast", napairap na lang ako at napailing iling dahil hindi talaga ako makapaniwala sa ginagawa niya, ano bang akala ng mga lalaki sa'ming mga babae? uhaw sa kanila? Ulol, nevah. Binalingan ko siya ng tingin dahil sa pagtikhim niya.
"Okay, I'll take it slow", determinado niyang sagot.
"So?"
What now? Talaga bang ganon niya ko kagustong landiin para maggaganyan siya. Tss.
"Can I have you?"
"WHAT?!"
Automatic na nanlaki yung mata ko nang dahil sa sinabi niya. So yun na yung 'I'll take it slow niya'? Ang landeeee, jusko.
"Uulitin ko pa ba?", nang-aasar pa.
"Try me honey," I said while smiling, siya naman ngayon ang nagulat. Kinuha ko na ang pagkakataon na yun para makaalis na sa lugar na iyon.
Oh come on, I'm used to it. Huwag niya kong hamunin sa larong 'to, sa larong ilang beses na akong nanalo.
Hindi ko na alam kung ilang lalaki na ang natawag kong boyfriend. I used to play for love. Wala akong pagseseryoso kasi ganoon din naman ang mga lalaki. Iyan ang pananaw ko, na walang lalaking nagseseryoso, kaya't sinasanay ko ang sarili ko na kahit boyfriend ko yung lalaki, dumidistansya ako, hindi dahil nandidiri ako kundi dahil natatakot ako.
Nakakatakot magmahal. Para siyang sugal na walang kasiguraduhan kung maiipanalo mo ba o mabibigo ka. And worst, kapag natalo ka, hindi mo alam kung paano mo pa babawiin yung nawala sayo noong sumugal ka.
At dahil naniniwala ako sa kasabihang 'prevention is better than cure,' sarili ko na lang ang iniiiwas ko sa mapanakit na mundo. Sorry na lang sa mga lalaki kung nasasaktan ko man sila, gusto ko lang kasi magboyfriend para magsaya at maglibang...
hindi para magmahal at mas lalong hindi para planuhin ang hinaharap kasama sila.
Gabi na ng makauwi ako sa bahay. Pagkatapos kong maligo, kumain at gawin ang routine ko ay pumasok na ko sa kwarto. Nakatulala lang ako sa kisame at nag-iisip ng mga kung ano ano. Kagaya ng kung maraming planeta sa mundo, siguro may mga nakatirang nilalang din sa mga planetang yun, napapaisip ako "Alien" din kaya yung tawag nila sa'tin? Tsaka pa'no nasabing maraming galaxy kung wala pa naman yatang nakakalabas ng Milky Way? Lol, baka puro theory lang? Hmm naisip ko rin, 9.81 meters per second square nga kaya talaga ang acceleration due to gravity? Talon kaya ako ng building para masukat ko?
Hala wag na lang pala, baka magasgasan ang balat ko, sayang naman.
Natigil ang pagmumuni muni ko nang tumunog ang cellphone ko, so I immediately grab my phone and opened it.
1 new message
From: Unknown Number
Neng msta na kau jan nina tiy0...
To: Unknown Number
Okay naman po kami dito. Sino po sila?
From: Unknown Number
Sha
Ha? Sino ba to? Bakit di na lang niya sagutin yung tanong ko? Nagtataka man ay magalang pa rin akong nagreply.
To: Unknown Number
Po?
From: Unknown Number
Shakin ka na lang
Napairap na lang ako sa kawalan. Scammer ba to? Tragis ha. Sino ba to? Bakit ako pa ang naisipang i-good time eh mahigit 7 billion ang mga tao sa mundo! Pero teka sino ba nagbilang? argh, nevermind.
Nag-isip muna ako ng mga posibleng mangganito saken habang tinitingnan ko kung pamilyar ba saken yung number niya. Pero hindi talaga eh, hindi ko 'to kilala.
Hanggang sa pumasok siya sa isip ko. Itetext ko pa lang sana siya nang magtext na siya ulit.
From: Unknown Number
Sha? Shan ka na, miss na kita
To: Unknown Number
How did you get my number? Sino nagbigay sayo?
From: Kenneth
Ssshhh, chill, I just want to be friends with you.
Friends? nako scam yan mga bes! Huwag kayong papaniwala sa mga ganyang linyahan ng mga lalaking yan. Huling nagsabi sa'kin niyan niligawan ako!
charot, lakas ko ba? talaga!
To: Kenneth
What do you want from me?
From: Kenneth
your love, baby ;)
To: Kenneth
In your dreams!
From: Kenneth
Okay, then, I'm going to sleep now so I can get your love in my dreams and live with it.
Grrr. Nakakainis! Ang landi landi niya jusko, bat kasi ang ganda ganda ko? Char. Wala na akong balak na magreply pero nagtext na naman siya.
From: Kenneth
Good night, see you in my dreams :)
Pagkatapos ng pag-uusap naming 'yon ay naiwan akong nakatulala na naman, hindi namamalayan ang oras.
***
"Tinext ka ni Kenneth?"
Bigla akong napalingon kay Vane nang dahil sa tanong niyang 'yon. Bumagal ang pagtakbo ko upang magpantay kami at makapag-usap ng maayos. 5 am pa lang at kasalukuyan kaming nagjo-jogging.
"Ikaw ang nagbigay ng number ko?"
"Oo, ang kulit eh. Okay naman siya ah? tsaka mukhang may gusto sa'yo, magjowa ka na" ngumiti siya ng alanganin na parang magagalit ako sa kanya anumang oras nang dahil sa ginawa niya. Napailing-iling na lang ako at hindi na sumagot, hindi kasi ako interesado sa lalaki ngayon, katatapos ko lang sa lungkot.
Hindi ko pa nakakalimutan si Lawrence, siya na sana ang magiging dahilan para seryosohin ko ang mga ganitong bagay. Magsisimula na sana ako ng panibagong buhay eh kaso lang kinakailangan niyang lumayo para mag-aral sa Laguna, habang ako ay nasa Quezon. Bukod pa rito, magkaiba kami ng relihiyon. Siguro handa na ang lahat ngayon para sa paglipat niya ng paaralan, May na kasi ngayon at nalalapit na ang panibagong school year.
Napapikit ako ng mariin at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Sa tingin mo?" umaasang tanong ko kay Vane.
"Ay? sa tingin ko ay?" naguguluhang tanong niya.
"Okay kaya siya? Kikilalanin ko ba?"
Ako na ang nahihiya para sa sarili ko sa mga pinagsasasabi ko.
"Wala namang masama kung susubukan diba?"
Napatigil ako sa pagtakbo at mariing tumitig sa kanya, inaalam kung seryoso ba siya.
"Huwag mong ilayo ang sarili mo sa posibilidad na sumaya ka, malay mo this time, panalo ka na.", aniya at tumakbo ng muli palayo sa akin
Naiwan akong tulala sa aking kinatatayuan, pinoproseso sa aking isipan ang sinabi niya...
'Malay mo this time, panalo ka na'
YOU ARE READING
That Dreary Summer (ONGOING)
Roman d'amourShakira Yzobelle Rivera is a typical teenager who used to be the priority, who used to be chosen, and most of all, she's undeniably good at everything, not until that summer when she met the head turner 'bakasiyonista', Kenneth Martin Guevarra. Eve...