STAR 04

2 1 0
                                    

"Tara na , ano pang ginagawa nyo jan." si Hera na nasa likuran ko , napalingon ako sakanya kaya nagtataka nya din ako tiningnan . Nakuha nya ang tingin ko kaya sinagot niya ang tanong na nasa isip ko "Bella , sasama pala si Loril sa atin. Gagawa kaming plates after natin mag bonding. Sasabay na din ako sakanya kase ayaw kong gumastos ng gas , tipid tipid din. " mahabang paliwanag ni Hera.

Hindi ko alam bakit kailangan kong magtanong sa sarili ko , gayong normal lang naman na may makasama kang bagong kaibigan.

Wait , friends naba kami?

"Ah ayos lang , hindi kaya mabored sya?" tanong ko

" hindi ma bobored yan , trust me . Diba Loril?" aniya habang kumikindat kindat pa sa akin .

"Yeah" maikling sagot nito . Nagulat naman ako ng kuhanin nya ang mga dala kong gamit at nagpaumuna ng maglakad.

Nilingon ko naman si Hera na normal lang ang kilos , ako lang ata ang praning at nag iisip ng kung ano ano .

Naglakad na kami papunta sa elevator , si Hera naman sinagot ang tumunog niyang cellphone .

"Oh sige , mabilis lang ha? Dadaanan ko lang kase may lakad pa ako" napalingon naman ako Hera sa usapan nila. She gave me a small smile bago pumasok sa elevator . Sumunod naman ako at pinindot na sa Parking area.Busy si Hera na pumipindot pindot sa phone niya kaya hinayaan ko lang sya "Bella , do me a favor please?" napalingon ako sa biglaan nyang pagsalita.

"Ano yon? Wag masyadong mahirap at walang hiraman ng pera. Nako!" biro ko sakanya . Natawa naman ang mokong .

"Hindi naman mahirap" sagot nito.

" Oh? Ano nga?" tanong ko ulit .

"Pwede kabang sumabay muna kay Loril , papunta sa mall? Pahiram mo muna ako ng car mo. Doon nalang tayo mag kita kita. May dadaanan kase ako sa kabilang mall e , importante lang" pagmamaka awang pakiusap nya .

"Ah eh , okay lang naman sakin. Mag cocommute nalang ako , nahihiya ako sa kaklase mo" sagot ko sakanya.

"Tinext kona si Loril , sabi ko sasabay ka sakanya . Sabi nya 'No problem' . Sabay kana sakanya " pakiusap nya ulet .

Napabuntong hininga ako at tumango nalang .

Ngumiti naman siya ng pagkalaki laki at napayakap pa sya sa akin .

"Thank you" masayang pasalamt nito .

"OA ha , walang anuman" sagot ko habang tinatawanan siya.

Ng makababa na kami sa Parking Area , nakita ko agad si Loril na nakasandal sa Mercedes niya. Halatang naiinip sa pag hihintay. Natanaw nya kami kaya napaayos siya ng tayo. Ngayon ko lang napasadahan ang suot nya . Light blue polo , nakabukas ang tatlong butones and paired black jeans. Sumisigaw ang kanyang kagwapuhan sa suot niya .

Mercedes huh , yayamanin .

"Architect Loril , ingatan mo ang aking mahal na kaibigan" tinapik pa ni Hera ang balikat bago siya pumalad sa akin , inabot ko naman ang key car ko at yumakap sa kanya .

Bumeso pa siya sa akin "Bilisan mo sa pupuntahan mo, konti lang ang oras natin Architect Hera" sabi ko pagkatapos bumeso.

"Sarap sa ears , I'm claiming it. I'll be an Architect soon " nakangiting sagot nya.
Nginitian ko siya at nag wave pa bago siya umalis .

Nilingon ko si Loril na naka tingin na sa akin "Ayos lang ba?" tanong ko , baka kase napilitan lang siyang isabay ako.

Tumikhim siya bago nagsalita "I have choice to say No , but I chose to say Yes . So what do you think?" seryosong tanong habang nakatingin ng deretso sa akin.

You're My Star In The GalaxyWhere stories live. Discover now