STAR 07

4 0 0
                                    

"Hoy! Tumayo kana jan! Alas dose na ng hapon!"

dali dali akong nagmulat ng mata dahil sa oras na sinabi ni Joyce

Napatingin ako sa wall clock ko at napabuntong hininga

"Sira ka!" bato ko ng unan kay Joyce

Tawang tawa naman siya sa ginawa niya

"Ang aga aga pa Joyce! Akala ko late na ako sa church. Alas sais palang ng umaga nambubulabog kana" sabi ko at akmang babalik sa pagtulog

"Aba Ms.Bella! Yung hong bisita nyo nakapagluto na ng breakfast at naka alis na"

Napabalikwas ulit ako sa higaan

"Huh?"

"Huh?" pangga-gaya niya

"Bat umalis?" nakakunot noong tanong ko

"Aba ,e diba nagpalipas lang ng gabi dito dahil umuulan?"

"Hindi mo man lang pinakain?"

"Aba malay ko , pag gising ko may nakahain ng pagkain. Ayon at nag iwan pa ng sticky notes sa cup mo! Naol talaga BELLA!"

Dali dali akong tumayo at muntikan pang magkanda hulog hulog sa kama dahil sa pagmamadali ko. Pagtingin ko sa sofa , wala ng tao don at nakatupi na ang kumot na binigay ko sa kanya kaninang madaling araw .

"I don't think I like you , because my heart said I really really like you"

Napailing ako ng maalala ang sinabi niya ,

Baka nananaginip lang siya nung sabihin niya ang linyang to.

Baka line niya yon sa role play nila

Baka...

Napailing ako sa sobrang pag iisip..

Dumeretso ako sa kusina at totoo ngang nakapagluto na siya. Umupo ako sa upuan ko . Nakita ko ang baso ko na may notes na nakalagay don.

Goodmorning! Thank you for everything! Eat and drink your coffee well..
Last night , I really mean it..

-Loril

Napangiti ako sa nabasa ko kaya ganado akong kumain ..
Tango tango pa akong nilalasan ang mga niluto niya .

Fried egg , spam , bacon and hotdogs.
Inubos ata ang 1 week groceries namin.

Infairness mukhang hindi siya marunong magluto pero nagluto parin..

"Hoy Madam! Baka malunod ka sa kakaisip mo!" si Joyce na kanina pa pala nakaupo at kumakain na din.

"Bakit ba?" pagbaling ko sakanya , hindi maalis ang ngiti.

"Good mood ka ha"

"Talaga?"

"Oo"

"Hmm" tango ko nalang.

"Crush mo?" tanong ni Joyce "Crush mo no?" tanong ulit nito , nanunukso

"Ani" iling ko

"weh?"

"Syete Love at first sight" nanuksong sabi ni Joyce

You're My Star In The GalaxyWhere stories live. Discover now