STAR 06

6 0 0
                                    

"Oh , sorry!" dali dali kong inabot ang mga gamit ko na nasa kamay niya , binigyan ko siya ng tulirong ngiti "Thank you" sabi ko at akmang isasarado ang pinto.

"Wait " pigil nya sa pasaradong pinto "hindi mo man lang ako papapasukin?" tanong nito.

Oh shocks! How rude of mine.

"Ah yeah! Pasok ka muna. Sakto nagluto ako ng dinner" pambawi ko.

He chuckled before he enter my unit.

"Upo ka muna dito" turo ko sa sofa na nasa living room "What do you want? juice , water or coffee?" nahihiyang tanong ko. Alam kong pagod siya sa byahe.

"The one you cooked" casual niyang sagot habang nakaupo at nililibot ang tingin. 

Naliliitan ka ba sa condo ko?

"Ahm! Ipre-prepare ko na" sagot ko nalang at tinalikuran siya.

Pinatay ko muna ang stove ko at binigyan pa rin siya ng juice and water.

"Thanks" pasasalamat niya.

Nginitian ko lang siya at bumalik na sa kusina para magsandok na ng kanin at ulam.

"Bella! Luto na ba ang kar--?" naputol ang pagsasalita ni Joyce na kakalabas lang ng bathroom dahil sa gulat sa lalaking naka upo sa sofa. Natigil din ang pagpupunas niya ng buhok.

"Ah Hi!" bati ni Joyce kay Loril. Umayos bigla ang lakad ni Joyce at dumeretso sa akin.

Nanlisik ang mga mata niya habang tinutulungan kuno akong naghahain.

"Hoy!sino yun? Jowa mo?" bulong na tanong ni Joyce , siniko pa ako ng sira.

"Hindi" maikling sagot ko sa mahinang boses.

"Hindi talaga?" tanong ulit nito

Umiling ako "Hindi nga , ang kulet" kunwaring naiinis na bulong ko.

"shete! Ang gwapo! May nilalang pa palang ganito? Mukhang magkaka jowa na ulit ako" pabulong nitong sabi , habang pinagnanasaan ang likod ni Loril na kasalukuyang nakatayo at pinagmamasdan ang painting na niregalo sa akin nung debut ko.

"Kain na!" tawag ko sakanya.

Lumingon naman siya at naglakad na palapit at umupo sa dining chair. Tatlo lang ang upuan namin dito. Since wala naman si Prainne , sa upuan siya ni Prainne umupo.

"Wow! Kare-kare" mahinang bulong ni Loril pero dinig namin , halatang namanghaan sa hitsura ng niluto ko.

Kumuha siya ng kutsara at tumikim

"Manyaman?" tanong ni Joyce kay Loril

Nangunot ang noo ni Loril "Manyamyam?" tanong nito pabalik. Natawa naman kaming sabay ni Joyce. Hindi pala talaga nakaka intindi ng kapampangan si Loril.

Buti naka survive sa Pampanga..

"Ang ibig kong sabihin , Masarap?" natatawang pag tra-translate ni Joyce.

Nawala ang ngiti ko ng lumipat ang tingin sa akin ni Loril.

"You cooked great" tatango tango pang sabi nito. I just gave him small smile at kumuha narin ng sariling plato.

Maya maya pa ay hindi na napigilan ni Joyce ang bunganga.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Joyce.

Nilingon siya ni Loril na tahimik lang kumakain "Loril" maikling sagot nito.

"Nag aaral? Anong grade or Year? Pa'no kayo nagkakilala ni Bella?" sunod sunod na tanong ni Joyce , nakikinig lang ako at tahimik na kumakain.

You're My Star In The GalaxyWhere stories live. Discover now