STAR O2

2 1 0
                                    

"HAHAHA , joke only Miss. Why are you so serious?" tawang tawa ng lalaking nasa tabi ko .

Friends ba kami para mag joke sya ng ganon?

"Hehe , funny ka . Sumali ka sa 'Funny ka pare koy ' . " pambawi ko .

"Sasali nga sana ako kaso nag shutdown bigla yung isang network" . Di ako natuloy" nang aasar na sagot nya , pero imbes na ma asar ako ay nagkatinginan kaming dalawa at natawa sa sarili nyang biro

"Updated huh?" tatawa tawang sabi ko habang kinakalikot ang mga magazine na nasa ilalim ng coffee table.

Nakikita ko sa peripheral view ko na nakatingin siya sa akin , kaya nailang ako ng bahagya.Tinigilan ko ang pagtingin sa magazine binuksan ko ang cellphone ko at muling nagbasa ng wattpad.

Hindi ko na matiis ang pagtingin nya saken kaya nilingon ko na sya at hinarap , humugot ako ng hininga bago nagsalita "May dumi ba ako sa mukha? Kanina kapa kase nakatingin sa akin" dere deretsong sabi ko.

He lightly arched his brow at binigyan ako ng nakakalokong ngisi . Nang aasar nanaman.

"Ano? May dumi ba?" tanong ko ulit ng hindi nya ako sagutin , kinuha ko pa ang phone ko at pumunta sa camera para doon tignan kung may dumi ako sa mukha "Wala naman e" siniringan nya lang ako at hindi nawawala ang ngisi . Natigil lang siya ng hindi nawala ang pagka kunot ng noo ko.

"Look , I am watching TV . You really think that I am looking at you huh?" seryoso na nyang sabi . "If you want we can exchange seats , you're blocking the view ." napatingin naman ako sa gilid ko , nandoon kasi ang TV . Nakagilid sa amin . Hays , apaka assumera ko yata.

"Oh , sorry" yun lang ang nasabi ko at napapahiyang lumipat ng pwesto sa single sofa .

"Loril , dry run na tayo " lumabas si Hera sa kwarto para tawagin ang lalaking nasa tabi ko .

Loril huh .

Tumayo na si Loril at pumasok sa kwarto , pero nahaharangan yon ni Hera. Papasok na sana silang dalawa pero bigla akong nilingon ni Hera.

Magsasalita na sana si Hera ng unahan siyang magsalita ni Loril
"Ahmmm..Bella , do you want to come inside?" tanong nya

Mabilis naman akong umiling , nahihiya ako sa mga blockmates nila .

"Bella , sge na. Panoorin mo kami then magbigay ka ng comments and suggestions." kumikindat pang ani Hera. Hindi ako sumagot kaya lumapit na sa akin si Hera para hilahin ako papasok. Nagpahila naman ako kaya hindi ko napansing nahulog ang cellphone ko .

Pupulutin ko na sana pero naunahan ako ni Loril.

"Here" abot nya sa akin , nasa baba ang tingin . Kiinuha ko nalang yon

"Thanks" I gave him small smile bago pumasok sa loob. 

"Okay guys , Let's start . Bella will be watching us so we can get some feedbacks and suggestions from her" nginitian ko lang sila at umupo sa swivel chair na nandon sa study table ni Hera . Study room pala ito ngayon ko lang napansin. 

Nagsimula na silang mag present sa harap ko , doon ko lang napansin ang bilang nila . May tatlong lalake at apat na babae.   Napapabilib nila akon sa ganda ng kanilang presentasyon . Wala akong masabi . Mas lalo akong humanga ng si Loril na ang nagsasalita. Ang ganda ng tindig nya. Kahit sino mapapa sana all sa perpekto nitong mukha.

SANA ALL . HOPE ALL . SANA LAHAT .

"Bella , ano kamusta? May suggestion kaba? May mali ba? Naintindihan mo ba? Ano?" napapikit ako at napaayos ng upo . Tapos na pala sila , masyado akong natulala . Pumalakpak nalang ako at nag thumbs up at binigyan sila ng naiilang na ngiti

You're My Star In The GalaxyWhere stories live. Discover now