Chapter 10: The last witness

61 12 0
                                    

Chapter 10

The last witness





MECY

“Your Honor,” Law called as he stood up and faced the judge. “Permission to approach the bench with the prosecution.”



When allowed by the judge, Law approached the bench with Prosecutor Estrellanes.



Masakit pa rin ang likod ko dahil sa dalawang saksak pero kahit paano, kinaya ko nang maglakad at pumunta sa korte. Hayop ‘yong pulis—hindi, hindi nga pala siya pulis. Nakakainis! Gusto ko siyang tadyakan hanggang masira rin ang likod niya!


Hindi ko alam kung papayagan si Law sa balak niyang gawin. Sinabi niya sa’kin kahapon sa consultation room na nahanap na niya ‘yong taong kumausap kay Ivan. Nagulat ako nang malamang isa pala siya sa mga lalaking tinambangan kami sa beach noon. Siya raw ‘yong leader ng mga hayop na ‘yon.



Kahit naiinis ako sa taong ‘yon, hindi ko maiwasang kabahan sa plano ni Law. He’ll incriminate him though he wasn’t the murderer in order to catch the real murderer who happened to be his half-brother, and the monster who tried to kill him.



“Our case was built on alternate theory, and we are using slippery slope, Mecy,” Law told me yesterday. “I have no choice. Well, he did cover that monster’s crime and that is also an offense. That made him an accessory to the crime.”



“What if he takes the blame?” I asked.



“At first, he will be incriminated,” Law answered. “But he won’t be a murderer instead of someone. Marko loves his family too much to go to jail and leave them.”



Pagbalik ni Law mula sa bench, tinanong ko kung pinayagan ito ng judge. Nakahinga ako nang maluwag nang sabihin niyang tatawagin niya na si Marko sa witness stand.



Tumingin ako sa spectator area. Nasa harap ang mga magulang ni Theo. Pansin ko ang pamumugto ng mga mata ng nanay niya. Nandito si Jena at si attorney James Hidalgo. Maging sila Sir Milky ay nandito rin. Sinabi sa’kin ni dad na hindi siya pupunta ngayon, pero nandito ‘yong mga tao niya. Natatandaan ko na sila ‘yong mga nanggulo noong nakaraang trial.



“Where’s your ponytail?” tanong ni Law kaya napahawak ako sa buhok ko.


Habang papasok kami sa korte kanina, nagkumpulan ang mga reporters at pinilit akong hingian ng statement. Sa dami nila, hindi ko nakita kung sino ang umabot sa buhok ko. Natanggal na lang ‘yong tali nang makalampas kami sa kanila. Nakakainis! Kung nakita ko lang kung sinong humila sa buhok ko at kung hindi lang ako nakaposas, baka ginantihan ko siya ng sabunot.


“I lost it,” sagot ko.


“Alright,” sabi niya at biglang tinanggal ‘yong necktie niya.



“What are you doing?” gulat na tanong ko. Narinig ko rin na sumigaw mula sa spectator area si Mr. Go dahil sa ginawa ni Law.



“Talikod,” utos niya.




“Huh?”



Bigla niyang inikot ‘yong upuan ko at wala na ‘kong nagawa nang itali niya ‘yong buhok ko gamit ang necktie niya.


“Defense, do you think this is a hair salon?” the judge asked.



“Pardon me, Your Honor,” Law answered as he finished tying my hair. He faced the judge, “Your Honor, I will now call the last witness.”



Rescue Me, StrangerWhere stories live. Discover now