Chapter 9: Chasing down

60 12 0
                                        

Chapter 9

Chasing down







LAW

“I found something on Marko. I also found his address. Meet me at the wet market.”




I left the hospital as soon as I received a call from my investigator. Sinabihan ko ‘yong officer na nagbabantay kay Mecy na tawagan agad ako kapag may nangyari.




Nang malaman kong nasaksak siya, sobra akong natakot at noon ko lang ako nakaramdam ng ganoong katinding takot. I feared for her more than I feared for my life when I was being chased by my brother five years ago. And as much as I want to stay by her side while she’s in the hospital, catching Marko is as important as well.



Halos paliparin ko ang sasakyan ko papunta sa wet market. Pagdating ko sa crossing, namataan ko si Mr. Go kaya agad kong ihininto ang sasakyan at pinasakay siya. Pagpasok niya sa sasakyan, lumiko ako sa eskinitang patungo sa wet market. Halos hindi makausad ang sasakyan dahil sa dami ng taong naglalakad.



“I was informed that he comes by every Sunday,” Mr. Go told me.




I nodded, “You said you found something. What is it?”




Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya at pinakita sa’kin ang isang listahan. Sa tabi ng mga pangalan ay may nakasulat na malalaking halaga ng pera.




“May malaking utang ang pamilya ni Marko sa pamilya ni Theo. His mother to be exact,” sabi ni Mr. Go. “Matagal na silang sinisingil pero hindi sila nakakabayad kaya habang tumatagal, mas lumalaki ang interes.”




“At para hindi na sila singilin at guluhin, pinatay niya ang anak ng pinagkakautangan,” sabi ko at ngumiti. “Good job, Mr. Go. Hindi saying ang binabayad ko sa’yo.”



Napansin kong tumingin siya sa’kin, “Hindi ko pa natatanggap ‘yong paycheck ko noong nakaraang buwan. Pinag-iisipan ko na nga kung lilipat na ‘ko sa ibang firm.”




“Walang ibang tatanggap sa’yo maliban sa’kin,” sagot ko at natawa.




“Ayus-ayusin mo ‘yang pagsagot mo sa’kin!” bulyaw niya pero mas natawa lang ako. “Mas matanda pa rin ako sa’yo!”



“Yes, old man.”



Pagdating namin sa tapat ng wet market, hininto ko ang sasakyan. Kahit maraming tao, nakikita ko mula rito ang mga hayo na tinitinda nila. Karamihan sa mga ito ay mga ibon. Bubuksan ko na sana ang sasakyan pero pinigilan ako ni Mr. Go.



“Hindi dito. Kailangan nating pumunta sa likod,” sabi niya. “Nandoon ang bahay nila.”



I restarted the engine and drove again. Pagdating namin sa likod ng wet market, pinarada ko ang sasakyan sa tabi ng daan.




I looked over the windshield. I can only see two houses. One of them is probably Marko’s. Mabuti na lang, walang taong nagpupunta rito. Kung sakaling kailangan kong pwersahin si Marko, walang magiging problema.



“Pupuntahan ko ‘yong bahay nila,” sabi ni Mr. Go at lumabas ng sasakyan.




Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya papunta sa bahay ng pamilya ni Marko. Bago pa siya makarating sa tapat ng pinto, bumukas ito at lumabas ang dalawang bata at isang matandang babae. Mukhang ito ang nanay at mga anak ni Marko. Napansin ko na nagsimula na si Mr. Go na kausapin sila. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya pero pagdating sa mga ganitong bagay, magaling si Mr. Go. Maya-maya, pinatuloy nila siya sa loob.



Rescue Me, StrangerStories to obsess over. Discover now