Chapter 2: The debt I owe you

174 67 12
                                        

Chapter 2

The debt I owe you






MECY

People say you should not engage in a relationship with your officemates because when you broke up, things between you might affect your work. I admit that it’s difficult to be around people who betrayed you. I want to separate my feelings from work as much as possible. Pero kapag nakikita ko silang nagngingitian nang patago, gusto kong gusutin ang mga mukha nila.


“Traitors.”


“Huh?” Napalingon ako sa katabi ko. Narinig niya pala ‘yong binulong ko. “Sinong traitors?”



“Wala.” Pinilit ko na lang ngumiti at bumalik sa pagtipa sa laptop ko. I can’t do this. I can’t pretend that I can focus on my work. The only way I can clear my mind is to erase both of them from my sight. I wish they would just vanish from the world.




“Sino?” Halos mapatalon ako nang sumulpot bigla sa likuran ko si sir Milky. Bakit ba bigla-bigla na lang sumasabat ang mga tao ngayon?! “Sinong kailangan mong burahin? Sinong kailangang mawala?”




Kumunot ang noo ko. “What?"

Tinuro niya ang screen ng laptop ko kaya napatingin din ako roon. The only way I can clear my mind is to erase both of them from my sight. I wish they would just vanish from the world. Oh shoot. Hindi ko namalayan na nai-type ko na pala ‘yong iniisip ko.


“Sino ba ‘yang ‘they should vanish from the world?’” tanong niya ulit, at mas malakas. Natinginan tuloy sa direksyon naming ang lahat. Pati ‘yong dalawang traydor nakatingin din. OO! Kayong dalawa! You should vanish from the world! Natawa si sir Milky, “Ano ‘yan? Nagshift ka na ng genre from romance to thriller? Parang gustong-gustong pumatay ng character mo, ah!”


Sinamaan ko siya ng tingin para manahimik na siya. Pagbalik niya sa sarili niyang mesa, binura ko ‘yong naka-type at umulit.



“Guys! Guys!” Lahat kami ay napatigil sa ginagawa namin at napatingin sa pintuan. Excited na pumasok si Kenny. Hinihingal siya pero pinilit niyang magsalita. “Nagsimula na ang printing ng Love, Philae ni Clara!”



Habang tuwang-tuwa ang lahat, napairap na lang ako. Don’t get me wrong. I’m really happy that she gets to publish her work into print. I actually envy and admire her talent at the same time. But I just hate her as she is.


“Congratulations, Clara, for your work being published!” narinig kong bati ni sir Milky at nagpalakpakan ang lahat maliban sa’kin. Come on, sir Milky, don’t be that proud. I’m your main chick.


“And congratulations for successfully stealing my boyfriend.” Hindi masyadong malakas ang pagkakasabi ko pero napalingon silang lahat sa’kin. Sinamaan naman ako ng tingin ni Clara. What now? Siya pa ang may ganang samaan ako ng tingin. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at padabog na sinara ang laptop ko na kinagulat ng lahat. “I’ll just get some coffee.”



Napagtanto ko lang kung anong ginawa ko nang lulan na ako ng elevator. Oh dear, I just burst in anger during a celebration. They are probably thinking I’m an envious loser, for goodness’ sake! Well, whatever. Wala na ‘kong energy para alalahanin pa kung anong iniisip nila.

Pagdating ko sa cafeteria, umupo ako sa mesa sa harap ng counter. “Max, sampung Americano!”


Imbes na ihanda ang order ko, lumabas siya sa counter at sinamahan akong umupo. Mariin niya akong tinignan sa mata, “Broken hearted?”


Rescue Me, StrangerStories to obsess over. Discover now