Maya POV
Kalahati pa lang ako sa pagbabasa ng aklat. Ewan ko pero parang mabilis akong kumilos at basta alam ko di pa aabutin ng bukas para matapos ito. Marami akong natotonan.. Pero yung Girlfriend at Boyfriend kunti lang. Sa pagkakaalam ko dapat lalaki at babae ang dapat may ganitong relasyon pero bakit parang pwede naman samin nung Rufina ang ganito. Pareho kaming babae? Nakakalito naman.
"Maya babes!" Rinig kung sigaw mula sa sala kaya tiniklop ko ang aklat at bumaba. Muntik pa akong matumba ng yakapin niya ako. "Let's have a dinner in the dining hall!" Masiglang wika niya.
"Nangangamoy ako" sabi ko nalang at inalis siya sa pagkayakap sakin..
Ngumuso lang sya at napakalot sa ulo..."Okay.." sabi niya at nakatingin lang sa akin "take a bath now" wika niya at ngumuso sa silid namin... Napabuntong hininga ako at umiling.
"Wala akong damit" nahihiyang wika ko at yumuko.. Tumingala naman sya sakin dahil maliit nga ang height niya at matangkad naman ako.
"I'll cast" sabi niya at lumayo ng kunti...
Nangunot naman ang noo ko pero pinabayaan lang siya."Valiosa Efres guesarios es mis togran!" Sabi niya at may portal na lumitaw sa harap niya at pumasok roon. Nakatayo lang ako roon at hinintay na bumalik siya at pagkatapos ng limang minuto ay nakabalik na sya na may dalang maleta.
"Saan galing yan?" Takang tanong ko at tinuro ang maletang dala niya.
"From Master Walter De Guzman. He is the head in this school and i pass your requirements to him and enroll you. Then since i'm his niece, i ask if i can have a lot of dresses for girls and give it to you.. He agreed and tadah! Here is it! Your uniform is also here, then by tomorrow morning, he needed your presence in his office and to get your schedule.. Here! Dress your self" mahabang paliwanag niya at inabot sakin ang malaking maleta. Tinanggap ko ito at nagpasalamat bago dumiretso sa kwarto at naligo...
May ibang mga conditioner at shampoo na ngayon ko lang nasilayan. Ginamit ko na lang ang mga ito dahil mabango lahat at naayon sa pang-amoy ng ilong ko.
Lumabas na ako sa banyo at nagbihis ng bestida... Kakaibang bestida dahil napakamakulay at napakamoderno.. Ganito yung laging sinusot ni Kath pag may okasyon..
Sinuklay ko na ang buhok ko at pinatuyo gamit ang twalya. Tumingin ako sa aking repleka sa salamin at napatingin sa buhok ko na lumabong at mas tumingkad pa ang pagkakulay ng malagintong dilaw kong buhok.
Lumabas na ako sa kwarto.Habang nasa pinto pa ako, nakarinig ako ng halakhakan at kwentohan sa sala. Tinungo ko ito at napag-alaman na nandoon si David at yung kasamahan niya nung pumunta sa Devior land. Meron ding anim na bago sa aking pangingin kasama ang asul na buhok. Yung nasa puno kanina.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila at kita ko ang ang paghanga at gulat sa mga mata nila.
"Bagay sayo" komento ni David... Ngumiti naman ako pero bigla akong kinilabutan na parang may bumubulong sa tenga ko.
"Maya"
Isang malumanay na tinig ng babae ang bumulong sa kanang tenga ko pero wala naman akong nakitang bumulong.
YOU ARE READING
LUNETTE ACADEMIA (on-going)
FantasyThe adventure and mystery about Ms. Maya Steele, where some supernaturals, war and enchanted are everywhere. Maya, the afraid woman who's distancing herself to anybody by the cause of her curse power... But what's behind it? Until she met David, the...