"Excuse me!.. coming through! Hey... Tabi. Excuse me!"
"Binibini, mag-iingat ka nga!"
"Whatever! Hey! Paraan"
"Aray! Binibini maghinay-hinay ka!" Sigaw nung lalaki na binangga ng kasama ko..
Nakayuko Lang ako habang hila-hila niya ako.
"Shut up!" Sigaw niya pabalik. Nagpakaladkad lang ako sa kanya dahil bigla lang ako hinila mula sa bahay dahil may paparating daw. Nagtaka naman ako kung bakit dumami ang nagtitiliang mga babae.
"Aray! Ano ba!" Matinis na sigaw nung isang tindera na may dalang gulay at nagdidisplay sa gilid. Binangga kasi nitong babae na kala mo magkagalit sila.
"Saan mo ba ako dadalhin?" Malumanay Kong wika.
Lumingon muna siya saglit sakin at ngumisi."Basta! Panigurado kikiligin ka!" Tili niya sabay hampas sa balikat ko. Nag kibit-balikat na lang ako at hinayaan siyang hila-hilain ako.
"Nariyan na sila!" Sigaw nung babae na may maraming maliliit na paru-paru na lumilipad sa kanyang ulo.
Napatingin-tingin na lang ako sa kapaligiran ko na parang may darating na importanteng nilalang, parang ganun na rin ang pangyayari.
Yung mga tindero at tindera naman ay pinalago ang kanilang panindang gulay gamit ang kanilang munting majica.
Meron ding nagtatanghal sa gilid gamit ang kanilang sariling majica, gawing yelo ang tubig, at Kung anu-ano pa.Napabalik ang atensyion ko sa tinitingnan ni Kathleen ng tumunog ang trumpeta.
May huminto doon sa harapan ng Pasukan ng Devior Town, ang aming munting bayan, na isang napakagarang tren at kumikinang pa ito.
Bumaba naman ang nasa loob non. Mas lalong nagtilian ang mga babae at di mapigilang tulo laway ng mga kalalakihan sa mga naggangandahang at naggwagwapohang mga studyante.
Lahat sila ay kasing edad lang namin at lahat sila ay elegante ang paggalaw. Napakadesinte nila ayon sa kanilang pananamit.
Tinignan ko ang mga kauri ko at nagbuntong hininga na lang. Mukhang ako lang yata ang hindi nalulugod sa kanilang pagdating." 'Di ka ba naggwagwapohan sa kanila?" Nakabusangot na wika ni Kathleen na ikanakunot ng noo ko.
"Anong meron sa itsura nila?" Takang tanong ko. Agad naman akong nakatanggap ng isang malutong na sapak mula sa kanya.
"Gaga! dapat nangingisay ka na dyan sa kilig kung makakita ka ng ganyang kagwagwapong nilalang!" Natatawang wika niya at parang nangangasim. Yung kinikilig.
Pinakiramdaman ko naman ang aking sarili.
"Wala naman akong naramdamang kuryente. Bakit naman ako mangingisay?" Tanong ko at lumilinga sa kapaligiran. Nagbuntong hininga lamang siya habang ako mangha-manghang makakita ng kakaibang diwata. "Ano iyan?" Takang tanong ko at tinuro ang isang nakakatakot na itsura pero mababait ayon sa mga kilos niya.
"Ano ka ba! Pati goblin di mo alam?! Lumabas ka kasi ng bahay niyo paminsan-minsan ayan tuloy parang di ka namin kauri" wika niya at binalik ang atensyion sa naglalakad na mga studyante.
YOU ARE READING
LUNETTE ACADEMIA (on-going)
FantasiThe adventure and mystery about Ms. Maya Steele, where some supernaturals, war and enchanted are everywhere. Maya, the afraid woman who's distancing herself to anybody by the cause of her curse power... But what's behind it? Until she met David, the...