Chapter 4: Game (Catch me)

2 0 0
                                    

MAYA POV

Ngayon ang unang pasok ko sa paaralan. Wala naman akong naramdaman na exciting o kaya ang kabahan. Ang manhid ko kasi, ewan kung kailan ako maging buhay ang emosyon.

Nauna ng pumasok si Rufina dahil pinatawag siya ng Student Council Officers. Napag-alaman ko na Secretary pala tung bata na yun. Sa pananatili ko naman dito ay marami akong natutunan at nakasabay na din ako sa uso ngayon pero minsan lang ako lumalabas sa dorm pag kasama ko si Rufina. Nagbabasa kasi ako ng libro tungkol sa panahon ngayon.

Sinuot ko naman ang uniporme at nagtaka kung bakit ang ikli nitong saya. Pero mas mahaba naman ang medyas. Di naman siguro ako masisilipan diba?

Sinuot ko na lang, at naging okay lang naman siya, akala ko masyadong maikli ang palda.

Pagkatapos kung magbihis ay tinignan ko ang repleka ko sa salamin. Naninibago ako sa mga mata ko, para kasing mas tumingkad pa ang kulay nito pati na ang buhok ko. Sinabit ko na lang ang I.D. ko sa bulsa ng blouse ko at kinuha ang bag. Ang swerte ko naman ata at kompleto ang gamit ko pag nandiyan si Rufina. Naibigay na sa akin ang schedule pero si Rufina na ang naghatid. Umalis na kasi ang headmaster at tumungo sa Palasyo ng Lunette.

Lumabas na ako sa dorm at naglakad ng mabilis. Late na kasi ako at di ko pa alam kung saan ang seksyon ko. Pero maya-maya ay nakita ko na ang seksyon ko pero sirado ang pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok.

Tok tok tok..

Bumukas ang pinto at bumungad ang itsura ng nakakunot na noo ng isang lalaki pero ng makita ako ay ngumiti siya ng malapad..

"Come in IJA!" Maligayang wika niya at hinigit ako papasok.

"You have your new classmate. Introduced yourself Ms.... Ms. Steele" wika niya at tumingin sa pangalan ko sa I.D. Tumango na lang ako at tumikhim muna.

"Uhm.. Maya Steele, 17 taong gulang. Uhmm. Yun lang" nalilitong wika ko. Unang beses kong makipagkilala sa maraming nilalang.

"By the way, i'm Mr. Alejan Devorcio .You can take your seat now" Wika niya at pumunta sa desk.

Napalingon-lingon naman ako na naghahanap ng mauupuan pero tumapat ang paningin ko kay Asul at sa walang laman na upuan. Naglakad ako tungo roon at alam kung nakatingin siya ng masama sakin. Anong problema ba nito saakin? Di ko na nalang siya pinansin
At umupo sa tabi niya.

"Tomorrow, we have a game 'catch me'" Nakangising wika ni. Mr. Devorcio. Nagbulungan naman ang ibang studyante maliban saming dalawa ni Asul.

"Yes, since your  27 plus 1 students all, But the other Seven, you know who are they, are in a mission so I will divide you in to two. Team A and Team B. I prepared folded paper and pick one. Then, tomorrow open it. Pick one" Wika niya pa at nilagay ang box sa mesa . isa isa naman kaming tumayo at bumonot.

"Don't open it now. K. Bye" huling wika niya at napatingin naman ako sa papel na hawak ko.
Ano kaya ito?

....

Nagligpit naman ako ng gamit ko ng nagsilabasan na ang mga studyante.

"Maya babes!" Tili nung bata na palapit sakin.
Napahinto siya ng may bumunggo sa balikat ko kaya muntik na akong sumobsub.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LUNETTE ACADEMIA (on-going)Where stories live. Discover now