Chapter 23

2.9K 56 0
                                    

Ara's POV

Mga ilang araw din ang nakalipas, Libingan na ni tito ngayon..

Nandito kaming lahat. Mga kamag anak ni tito at tita. Nandito din si mama pati nadin ang mga ibang kaibigan nila na malapit kay papa

Napansin din namin karamihan din sa mga staff ni Dad na kakilala nila eh nandito din.

Ang nakakapag taka wala si Dad sa libing ng bestfriend niya. Bakit ganun? Parang wala din akong balita masyado kay Dad. Kahit galit siya sakin dahil sa pag katao ko, Mahal ko padin siya syempre ama ko yun atsaka di ko din naman di mag alala syempre di maganda ang naging bungad ng pagdating niya

Tapos ngayon wala pa siya.... Napabuntong hininga nalang ako

Isa isang nag basbas ang mga tao sa kabaong ni tito. Nauna si Izzie, sumunod si tita, tapos si mama, tapos ako pati din yung iba at inihulog nadin yung bulaklak na puti sa ibabaw ng kabaong nito.

Walang pigil naman ang pag iyak ni tita habang ibinababa na ng ibang tao yung kabaong pababa sa lupa yung iniikot sa gilid? Basta yun.

Nakita ko nalang si Izzie na tumutulo ang luha niya kahit naka shades siya.

Nung napansin niya akong tumingin sa kanya, Pinunasan agad niya yung luha niya at binalik sa pag kakaayos yung shades niya

Hinimas ko lang yung likod niya. Daig pa kasi ang Pagsanjan Falls kung dumaloy ang luha eh

Mamaya't maya nung malagyan na ng lupa yung pinag libingan ni Tito ehh isa isang nagpaalam ang mga tao at umuwi.

"Anak tara na uwi na tayo" sabi ni tita. Halata sa kanya ang pag mugto ng mata niya kakaiyak.

"Ayoko pa ma..." Tipid na sagot ni Izzie

Napabuntong hininga nalang si Tita at binilinan ako na paki bantayan muna si Izzie para sa kanya kasi di niya daw pwedeng pabayaan yung trabaho na pinag hirapan ni tito.. As usual pupunta ng ibang bansa si Tita para sa work again..

Naintindihan ko naman si Tita ay nangako akong di ko pababayaan tong Damulag ko kahit na ganito.

Umalis na si Tita pero si Izzie nandito padin nakabilad sa initan at pinag mamasdan yung puntod ng tatay niya

"Damulag.. Tara na kelangan mo nang mag pahinga..Panget ka na oh" Pabiro ko sa kanya baka sakaling ma cheer up ko naman siya no?

"Daming bumubulabog sa isip ko baby, Una wala na si papa.. Pangalawa..." natigil siya sa pag salita

Mag dadalawang minuto na di padin siya sumasagot kaya tinanong ko siya

"Ano yung pangalawa damulag?" tapos humarap ako sa kanya

Tinignan niya akong direkta sa mata ko

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin at umiyak sa braso ko

Hinayaan ko lang siya at niyakap ko lang din. Baka kelangan lang ng malalabasan ng sama ng loob to

Mga ilang minuto din kaming nanatiling ganun. Nakakapagtaka lang parang di niya matuloy yung sinasabi niya.. Laging putol? May Thrill? Deh joke lang :) Walang time yung joke! Seryoso tayo eh! -.-

Medyo lumilim na. Hindi naman sa uulan yung lilim ng araw parang pahapon na

Nag pasya na kaming umuwi sa bahay daw niya

Tahimik lang kami sa kotse. Mamaya maya napansin kong parang papunta kami sa ibang lugar?

"Hhmmm damulag di ito yung daan papun....."

I Can See The Stars (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon