Chapter 22

2.6K 52 1
                                    

Izzie's POV

Nandito padin kami sa ospital naigamot na ako ng mga doctor. Salamat naman at di daw ganun kalala yung dugo na nawala. Nandito ngayon si Ara sinasabi ang lahat sakin

Wala na yung ama ko, Wala na akong ama

Puro iyak at sakit ang nadarama ko ngayon.....

"Bwisit! Mamamatay talaga sila!!" Sabi ko nang may halong galit at iyak

"Izzie kumalma ka na... Alam kong balang araw makukulong din sila. Tutulungan tayo ng diyos" Pag pakalma sakin ni Ara

Kani-kanina din may mga ilang pulis ulit na pumunta dito sa ospital at kumuha ng mga information about sa pag kabaril sakin at pag kamatay ni papa

Nakarating din yung balita kay mama, Kaya sinabi niya sakin papunta na siya. kahit si mama nalulungkot sa nangyayari

"Wala na silang awa... Dinamay pa nila ang tatay ko... tapos...tapos..." di ko natuloy yung sinabi ko nang maalala ko pati pala si Ara mapapahamak din

"Tapos ano?" Tumabi siya sa tabi ko at bakas sa mukha niya ang pag iintay sa sagot ko

Shit talaga! Susunod na pala siya! Tsk!

Ano nang gagawin ko? Kung susunod na si Ara...

Mamamatay yung taong mahal ko? Hindi shit shit! Hindi maaari yun! Kelangan ko siyang protektahan!

May magulang pa ako si Mama... Baka isunod din nila. Kelangan na nang maraming bodyguards!!

"Uy tapos ano na damulag?"

Nawala sa isip ko yung mga pinag iisip ko

"Wala.. wala po yun" Pag tanggi ko, Sana naman di mahalata nito pag sisinungaling ko

Ayoko nang sabihin sa kanya mas mag aalala pa siya pero mas mapapahamak naman siya dahil wala siyang kaalam alam na siya ang susunod

Confuse!!!

"Hhmm alam ko meron eh. Kanina ka pa sabi mo na dyan lang ako sa tabi mo" pag aalalang sabi niya

"Ha? Sina~bi ko yun?" turo ko sa sarili ko at binigyan siya ng nagtatanong na tingin

"Oo, kaya nga nandito lang ako sa tabi mo eh kasi di mo tinuloy yung sinabi mo kanina at nahimatay ka!" Pasigaw na pam babara niyang sinabi sakin -.-

"Nagagalit ka?" Tanong ko.

Kung makasigaw kasi eh kulang nalang lumabas mata niya sa laki -.-

"Di po" tapos ngumiti siya sakin

"Ayun naman pala eh" sabi ko

Makulit padin siya kahit papaano napapagaan loob ko kahit wala na si papa. Siya yung tipong taong na hahanap hanapin mo talaga, yung mabilis mong mamiss :) Napaka swerte ko dahil imbis na napasok siya eh eto siya nag aasikaso sakin

Siguro ang pamilya ko nalang ngayon ay siya pati si mama pero syempre kasama padin si papa. Idamay na natin yung pamilya niya kahit ayaw ng tatay niya sakin

Nga pala?

Speaking of tatay niya?


"Baby saan nag punta si tito? parang wala akong balita?" bigla kong tanong sa kanya

Napatigil naman siya sa pag kalikot ng phone niya at humarap sakin

"Sabi ni mama may inasikaso na daw sa business kaya yun pumunta na daw ng ibang bansa" tapos balik ulit siya dun sa kinakalikot niya

Tinignan ko,

*Silip*


Kaya pala -.- nag lalaro ng candy crush

Hinayaan ko lang muna siya mag laro nasa tabi ko naman siya eh

Pinatong ko lang yung ulo ko sa balikat niya at napapaisip lang

bakit parang ang bilis naman nawala ni tito?


Leonardo's POV (Ara's Dad POV)

"Maliwanag ang usapan diba Tito?"

Nang dahil sa lintek na Ian na to masyadong naging miserable ang buhay ko! Kung di lang sana ako pumayag sa gusto niyang fixed marriage, Walang mangyayaring ganito

Kelangan pa niyang gawin sa mga tao ang pag patay lalo na kay Richard

Nakatali ako sa upuan. Habang pabalik balik na lumalakad si Ian sa harapan ko ako naman tong nabwibwisit dahil mas iniisip ko ang pera. Imbis na mabuhay ng maligaya si Richard, namatay pa ng dahil sakin.

"Bakit ba kasi kelangan niyo patayin yun!!! Kunin niyo na ang kayamanan ko! Basta wag mapahamak yung mga tao sa paligid ko!" tapos pinipilit kong tanggalin ang sarili ko sa pag kakatali dito sa upuan pero wala. Masyadong mahigpit!

"Relax relax" Ngumiti siya "Grabe ka naman nag mamadali ka. Ang gusto lang naman namin yung pera at yung anak mong babae na si Ara"

Napantig tenga ko dun ah!

"Wag na wag niyong idadamay si Ara dito. Ako ang kelangan niyo diba? Bakit kelangan pa idamay ang anak ko?"

Una sa lahat ayoko talaga dahil nalaman ko na isa siyang babaero! Pangalawa, baka saktan lang niya ang Anak ko... Di maaring gawin ng Ian na to ang mga binabalak niya sa mga anak ko!

"Mas gusto namin siya at ang pera eh" Ngumiti ulit siya, Umupo at humarap sakin habang may hawak siyang baril sa pinupunas punas niya

"Kung ayaw mo? Well madali lang naman akong kausap eh" Sabi niya nang nakakatakot na boses

"Madali lang naman ikasa ang baril at ibaril sa anak mo" sunod pa na sabi niya at bumaril sa malayo

Agh! Kasalanan ko ang lahat!

----------------------------------------------------------

Merry Xmas :) Sorry guys ahh tagal update ko :( Si Crush kasi eh nabulabog niya ako. Ako naman eto nang iinstalk hahaa

Vote, Comment and Share!


-CB

I Can See The Stars (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon