Chapter 18

4.3K 69 0
                                    

Ara's POV

"Ugh!"

Huh anong meron?

Meron akong narinig na sinasapak. Pumunta ako dun kung saan ko naririnig ang may sinasapak

"Ah! agh!" Teka boses ni Izzie yun ah

Bakit nasa abandonadong bahay kami? Hinahanap ko kung saan yung lugar na naririnig kong nag sasapakan

Nilingon lingon ko mga paligid ko, Bawat pintuan na nakabukas

Nakita ko din sila!

Sinilip ko yung mga paligid at may mga nakaarmadong lalaki na nakabantay

Nakita ko si Izzie na nakatali sa upuan habang dugu-duguan ang mukha

Di ko mapigilang umiyak. Tinakpan ko ang bibig ko para di nila ako marinig

"Tigilan mo si Ara at mabubuhay ka pa dito sa mundong to" kinasa niya ang baril at tinutok kay Izzie

"Di ko hahayaang mapunta siya sayo!" Sigaw ni Izzie at dinuraan ang mukha ng lalaki ng dugo

Nakita ko sa lalaki ang inis at pinahid ang dugong idinura sa kanya

"Tapos na ang maliligayang araw mo!" Itinutok niya ito at akmang ipupull na yung trigger

"WAG!" tumayo ako parehas silang humarap sakin

"Ian?!" Gulat kong sabi nung namukhaan ko yung lalaking babaril kay Izzie. Si Ian ang Ex kong may kahalikan sa park

Isang nakakatakot na ngiti ang ibinigay sakin ni Ian at pinutok niya yung baril kay Izzie

"WAG!!!" At tuluyan silang lumalayo sakin

"Baby?" May yumuyugyog sakin

"Baby gising na nanaginip ka" Niyuyugyog niya padin ako

Minulat ko ang mata ko.

Panaginip lang pala. Nakahinga ako ng malalim at niyakap siya ng mahigpit

"Shhhh.. Ok ka lang? Bad dream?" Pag aalalang tanong niya sakin habang ang pwesto namin eh para siyang may buhat na bata

Tumango lang ako. Maaraw na pala

Tinignan ko yung dagat parang mga crystal dahil sa araw

Yakap yakap padin niya ako

"Kwento mo sakin panaginip mo. Ano ba yun? at may tinawag kang Ian" Sabi niya

"Si Ian Ex ko plano ka nyang patayin gawa ng tayo na" Malungkot kong sabi sa kanya

"Panaginip lang yun. Wag kang matakot" Mahinahon na sabi niya

"Pero natatakot padin ako. Mamaya mag katotoo yun" pag aalala kong sabi

"Hindi yan" Nginitian niya ako

Ngumiti din ako sa kanya at hinalikan ko siya

"Nagugutom ka na?" tanong niya sakin

"Hhmm di pa eh" sabi ko

"Kahit konti lang? ayaw mo kumain?"

Umiling ako "Nope"

"Inaalala mo padin ba yung nangyari sa panaginip mo?" sabi niya

Sa totoo lang, Nakaramdam ako ng matinding takot. Ayoko nang nasasaktan si Izzie. Stars gabayan mo naman kami at ikaw din Lord wag na wag niyo siyang pababayaan

I Can See The Stars (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon