CHAPTER 2: LOUSY DAY

33 4 0
                                    

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnggggg.....

Mmmmm.... Inaantok pa 'ko mamaya ka na mag-alarm.

Isiniksik ko ang sarili sa higaan at tinakluban ng kumot ang buong ulo para makatulog uli.

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnggggg!

Argh kainis... Pinalibutan ko na ng unan ang ulo ko para hindi na marinig ang paulit-ulit na pag-alarm ng cellphone. 5:00 ang nialarm ko kaya alam kong 5:00 pa lang.

Tinatamad pa 'ko bumangon dahil medyo huli na 'kong nakatulog kagabi.

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnggggg!

Kaso itong alarm ayaw talaga akong patulugin.

Nakakairita..... manahimik ka muna. Kung pwede ko lang pagalawin ang cellphone at pahintuin ng hindi ko man lang nahahawakan sana ginawa ko na. Inilagay ko kasi siya sa bandang malayo para kapag nag-alarm, hindi ko agad mapapatay. At ngayon ay sobrang pinagsisisihan ko na! Gusto ko siyang patayin kaso tinatamad akong bumangon, feeling ko ang bigat bigat ng katawan ko.

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnngggggggg-

Isa na namang tunog kaya hindi na 'ko nakapagpigil. "Lintek na 'yan!" bulalas ko pagkabangon ko ng higaan at malakas na naitaboy ang kumot. "Oo na babangon na!"

Nanggagalaiti kong wika at saka padabog na tumungo sa cellphone at halos madurog na sa sobrang gigil na pindot ko dito.

Gusto ko pang matulog kaso itong alarm ay nag-alarm talaga! Hindi man lang marunong makiramdam.

Pagod ako dahil anong oras na ako nakauwi kagabi, halos alasiyete na. Tapos pag-uwi ko pa may assignment pa akong gagawin kaya anong oras na 'kong nakatulog.

Grade 8 pa lang ako pero sandamakmak na ang gawain namin sa school. Sa loob ng araw ay iba-iba ang pinagkakaabalahan namin, nagrereport kami, nagroroleplay, nagrerecitation, at kung minsan ay may long test pa.... Ang pinaka nakakapagod sa lahat ay ang pagpapraktis ng sayaw. Kung hindi sayaw speech choir naman, kung hindi speech choir math jingle naman, kung hindi math jingle cheerdance naman, kung hindi cheerdance practice naman sa short performance para bukas. Daig pa namin ang call center. Hindi lang kami mentally stress, physically tired pa kami.

Pumunta na 'kong banyo at saka naligo. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na 'ko para mag-agahan. Nakita ko naman si mama na kumakain kasama si bunso at si ate. Nauna na si Kuya dahil mas maaga ang pasok ng senior high. Samantala kaming tatlo ay sabay-sabay na.

"Kain na, may itlog at pandesal dito."

"Busog ako." pagsisinungaling ko, sawang-sawa na 'ko sa pandesal at itlog kaya out muna ako diyan.

🌠🌠🌠


"Bilisan niyo." tawag sa'min ni bunso.

"Nandiyan na."

Siksikan na kami ngayon dito sa tricycle, si Manong ayaw magpalugi. Dalawa sa upuan ng driver, tatlo sa loob, dalawa sa labas sa likuran at isa sa gilid at harapan. Bali nasa nine kaming estudyante dito. Sarap kutusan ni kuya e, kapag kami nabunggo talsikan kaming lahat. O di kaya mahuli kami ng MMDA at sitahin na overloaded kami.

Pagkababa namin ng tricycle ay mabilis akong lumakad pero bago pa 'ko tuluyang makapasok sa gate ay nakatapak ako ng jackpot! Nga naman kapag minamalas ka, haaays nakakadiri....

Umaakyat na 'ko ng hagdan papuntang third floor dahil doon ang classroom namin. Habang paakyat ay nakasabay ko si Ma'am, first subject namin. Buti hindi ako late at halos magkasabay lang kami. Pagkapasok ko ng room ay inilapag ko na ang bag ko kasabay lang din ng pagpasok at pagbati ni Ma'am.

UNSTOPPABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon