CHAPTER 1: DESIRE

32 8 0
                                    

"I'm expecting that all of you will pass the test since we already had discussed the topic."

Kakaumpisa pa lang ng test namin pero halos laktaw laktaw na ang sagot ko. Umabot pa 'ko sa 40+ dahil doon banda lang 'yung alam ko.

Iniexpect talaga ni Ma'am na mapeperfect namin ito dahil naituro na niya sa amin. Pero kahit anong gawin kong aral sa Florante't Laura ay hindi ko parin matandaan ang ibang pangyayari lalo na't ang lalalim ng mga tagalog. Ang daming tanong dito kung ano ba ang ibig sabihin niya sa pahayag na iyon.

Talagang hindi ko alam ang isasagot ko.

'Yung mga honors ay abala sa pagsagot dahil alam nila ang mga sagot kasi baka nag-aral lang sila or sadyang matalino lang talaga sila kaya honors sila? Ewan ko. Basta ako Happy Go Lucky student lang dito.

Nakatitig parin ako sa test paper at pinag-iisipan kung iintindihin ko ba 'yung mga questions o huhulaan ko na lang.

Haaay, sana na lang talaga may powers ako. Like nakakabasa ng isip, nagiging invisible kayang pahintuin ang oras para tingnan kung ano ang sagot nila sa test. Siguro kung totoo lang 'yung ganon? Sa malamang, valedictorian na'ko ng school na 'to.

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiing…..

Break time na, at natapos na ang test namin sa Filipino. Hindi pa nachechekan ang papers namin pero alam kong bagsak na 'ko. Siguro 25 pababa, kailangan kasi 30 pataas ang pasado dahil masyado na daw mababa ang 25 na score lalo na't kalahati lang ang equivalent ng 30.

Gusto ko ng umuwi at manood ng Teen Titans, Loud House, at ang kinagigiliwan kong anime. Pagkatapos ay kumain at magcellphone at sa huli ay matulog ng maaga dahil may pasok na naman kinabukasan.

Minsan naiisip ko na parang ang lame at nakakasawa pala ang ganitong buhay. Paulit-ulit lang 'yung ginagawa, walang bago.

Masyado akong nag-iimagine ng mga kung anu-anong bagay pagkatapos ko manood ng mga movie na action at fantasy or di kaya mga anime na may kapangyarihan.

Kapag matutulog na'ko ay iniisip ko na may kapangyarihan din daw ako na ganoon… Or di kaya, isa ako sa mga pinaka malakas at kinatatakutan sa lahat. Kaya siguro lagi akong natutulog kasi paborito kong mag-imagine ng mga fantasy. Haays,, hanggang isip lang talaga ako e.

Naglalakad na kami palabas ng school, sa totoo lang tinatamad na'kong maglakad dahil sobrang init at dagdag pa yung usok ng mga kotse, hindi na ako hinahatid at sinusundo dahil grade 8 na'ko. Gusto kong umuwi ng nakakotse kaso wala kaming kotse or kahit motor man lang. Kung kaya ko lang makalipad or makapag teleport sa malamang at sa malamang ay lagi ko ng gustong pumasok.

100 pesos lang ang baon ko sa araw-araw at minsan pinipili ko na lang na maglakad para makatipid dahil nag-iipon ako. Pero kapag pagod at tinatamad ay napapasakay na lang talaga ako.

🌠🌠🌠


Nakauwi na'ko, at ang una kong kailangang gawin ay labhan ang school uniform ko. Isa lang ang blouse at wash and use lang 'yon. Araw araw akong nagkukusot or di kaya nagbababad dahil nasira na ang washing machine namin. Wala din naman kaming laundry or kahit dryer man lang para sana agad mailagay sa closet.

"Kain na, masarap ang ulam." bati sa'kin ni mama pagkapasok ko ng bahay. Hindi kalakihan ang bahay namin pero may second floor naman ito at may kaniya-kaniya kaming kwarto. Apat kaming magkakapatid, dalawang lalaki at dalawang babae. Pangatlo ako sa magkakapatid.

Sa ngayon ay nararanasan na namin ang kahirapan, halos isat' kalahating taon narin simula ng nagkaganito ang buhay namin. Nalugi ang kompanya ng pinagtatrabahuhan ni papa kaya madaming pag-aari ang nawala sa amin. Asensado naman kami dati kaso nahirapan nga lang talagang maghanap si papa ng trabaho.

Hindi kami mayaman o mahirap, kung baga nasa kalagitnaan lang kami. Pero ngayon, masasabi ko ng mahirap kami.

Dahil apat kami ay mas kailangan ng malaking pinansyal. Lahat kaming magkakapatid ay nag-aaral pa. Si kuya na grade 12 habang si ate ay grade 10 at ako naman ay grade 8, at ang bunso naming lalake ay grade 7.

Kung dati ay nasa magandang school kami nag-aaral, ngayon ay nasa medyo pipityuging pampublikong school na lang kami.

Pero kahit papaano ay pasalamat parin kami dahil may nakakain parin naman kami sa araw-araw. 'Yun nga lang ay hindi na gaya ng dati na apat na beses sa isang araw, ngayon kasi twice a day nalang kain namin. Wala ng meryenda meryenda.

"Pagkatapos niyong kumain maglinis kayo." at as usual ay kailangan talaga naming maglinis at mag-ayos ng bahay bago kami magpasarap. Hindi kagaya dati, halos wala kaming ginagawa kundi magpasarap.

Kung may kapangyarihan lang talaga ako na maibalik ang time or di kaya maging accelerate ay ako na ang maglilinis at magagawa ko 'yon in less then 5 minutes.

Haaays…. Kung meron lang talaga….

Sana magkapowers ako…

Kahit isa lang sa mga wish ko.

#

-BratzXXX💋

UNSTOPPABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon