CHAPTER 5: GRANTED

13 0 0
                                    

"Hannah." pagtawag ko na papalapit sa pwesto niya. "Paano ba gagawin sa number 10-15? Hindi ko kasi
masyadong nagets sinabi ni Sir eh."

"Ganto lang 'yon." kinuha niya ang papel ko at pinaliwanag ang bawat detalye na nakapagpagulo sa utak ko.

"Ah madali lang pala, ang bilis kasi magsalita ni sir kaya di ko nagets eh. Salamat ha."

"You're welcome." ngiti niya.

Last subject na namin ito at salamat na naman kay Hannah dahil nakapagpasa naman ako ng activity sa math namin. Nag-uwian na at dumiretso na kami sa bahay, pagkarating namin ay niyaya kami agad ni mama na kumain.

Ng matapos kumain ay nagligpit muna kami bago naghayahay. Sumunod ay humiga ako sa sofa at nagcellphone. Binukasn ko ang messenger ko at nakita ko 'yung ilang messages na pinagsendan ko ng chain mail. Wala na kasi akong masyadong nakakachat kaya nakikita ko pa rin kahit ilang araw na lumipas.

Grabe pagnaalala ko na naman 'yung forwarded message sa'kin. Totoo kaya 'yun? Kasi eksakto talaga eh. Sinabing mananaginip daw ako ng bagay na matagal ko ng pinapangarap tapos nangyari pagkatapos kong mabasa. Baka nga totoo, pero naghihinala pa rin ako eh.

Nakaramdam ako ng antok kaya umakyat ako ng kwarto.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata ko, medyo makulimlim na ang paligid. Gabi na pala, ilang oras kaya ako nakatulog? Kinapa ko ang cellphone sa uluhan ko at nakita kong 9:30 na ng gabi. Grabe halos 7 hours ako nakatulog.

Hindi na 'ko gigising since gabi na rin naman. Matutulog na lang ako uli.

BOOOGSSHH!

"ANO 'YUN?!" bulalas ko pagkabangon ng higaan. Hindi pa nga 'ko nakakatulog uli eh! Sumilip ako sa bintana at nakita kong parang may bumagsak sa likod bahay namin.

"MA ANO 'YON MA?!" natataranta kong tanong ng makalabas ako ng kwarto ko.

"Hindi ko alam tingnan niyo nga?!"

Hindi pa nakakalabas sila kuya kaya nauna na 'kong tumakbo kung saan ko narinig na may bumagsak.

Nagmamadali akong pumunta at nakita ko—shet! Ano 'yan?!

Bakit parang nagbabaga at kumikinang?! "Maaaaaaa!" pagtawag ko kay mama habang misteryosong tinititigan ang kakaibang bagay na nasa harapan ko ngayon. "Hala ano 'to? Bulalakaw ba 'to?"

Dahil sa kuryosidad ko ay unti-unti akong lumapit dito. "Mama may bulala—AAAH!"

Aray….

Anong nangyari….

Ang sakit ng katawan ko.

"Solen ano ng—anong ginagawa mo diyan sa sahig?!" nakabagsak ako ngayon sa lupa, tila nanghihina at nanlalabo ang mga mata. Hindi ko na alam ang nangyari matapos kong tingnan ng malapitan ito, parang tumalsik ata ako. Hindi ako sigurado.

"Huy Solen! Anyare sa'yo?" bulalas ulit nila mama sa'kin. Kahit nanlalabo ay kita kong nakaluhod siya habang sila papa naman ay nakatayong nagtatakang nakatingin lang sa akin.

"May bumagsak." nanghihina kong wika.

"Anong bumagsak?"

"May bumagsak na bulalakaw."

"Huh?"

Iniangat ko ang daliri at saka tumuro. "Ayan o—" teka?! Nasaan na?! Nandiyan lang 'yun kanina ah?!

"Anong bang pinagsasabi mo? Anong tinuturo mo? At pwede bang tumayo ka na diyan? Bakit ka ba kasi nakasalampak dito?"

Ng maalalayan nila 'kong makaupo ay tila nahihilo pa ako. "Hindi niyo nakita?" tanong ko sa pikit na mga mata habang minamasahe ang ulo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNSTOPPABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon