"Just do this for me, Yzie. You know that I don't like being alone in places like this," pagpupumilit ni Ivy, and wow, she even called me by my nickname. She seems so eager to convince me.
Nag-aya kasi si Creia na mag-celebrate sa Ampersand dahil graduation namin ng highschool two weeks ago. I didn't go with them since bars aren't my thing. Because of that, Ivy couldn't resist Creia. Wala raw itong kasama kaya pumayag na lang siya kahit may French lessons pa siya kinabukasan.
"Hanapin mo na lang si Creia at kausapin mo kahit lasing. I really can't go," I said.
Hindi na raw kasi nito mahagilap si Creia dahil kung saan-saan na raw nagpunta dahil lasing na. Naiwan tuloy si Ivy doon mag-isa at hindi rin niya gusto ang pagba-bar. Creia is the only party-goer among us three.
"Please? I feel so alone here. Iniwanan ako ng lasing mong kaibigan," pagmamakaawa pa nito kaya napapayag na ako.
I hate it when this happens. Palagi na lang nila akong napapapayag. Palagi rin kasi akong bumibigay. And it's such a disadvantage that I give in easily.
"Oo na. Wait for me," pinatay ko na ang tawag.
I went to my walk-in closet and changed into some clothes that's a bit acceptable when going to bars. A cropped beige satin tank top and denim white shorts is all I have that's a bit acceptable. Tinernuhan ko na rin ito ng light pink velvet platform pumps. Nagsuot na rin ako ng puting windbreaker dahil hindi ko pa nalalabhan ang iba kong jacket. Hindi ko rin mahanap ang mga trench coat ko.
Pakiramdam ko ay giginawin ako mamaya kapag lumalim na ang gabi. Well, ganoon naman talaga dito sa Baguio. Lumalamig habang gumagabi.
Saktong pagkalabas ko ng bahay ay may dumaang taxi kaya pinara ko ito. Hindi ko pa rin kasi kayang mag-jeep dito kahit halos isang taon na'ko rito.
I transferred here last year. Nang banggitin ko kasi kila Dad na gusto kong mag-aral sa UP Baguio ay sabi nila dito na raw muna ako. They wanted me to graduate highschool here so I spent my entire 10th grade here jn Baguio. I don't get it though, para siguro maka-adapt agad kaya nila ginawa 'yon.
I took BS Biology as a pre-med course since I want to be a doctor in our main branch. Our family owns a chain of hospitals. Because of that, Dad wanted me to take a pre-med course. I didn't have a choice since he was so eager to make me follow their footsteps.
Bumaba ako ng taxi nang makabayad na kay manong at pumasok na sa bar. I looked for the girl who looked so out of place and I found her at the left side of the place.
Ivy is wearing a freaking formal attire in a bar. She's wearing a white princess coat, black stockings, and white pumps. Naka-sleek ponytail din siya at nakasuot ng shades. Wala na ba talaga siyang ibang damit?
Nang makita niya ako ay agad siyang kumaway para tawagin ako. Binilisan ko na rin ang kilos ko at umupo na sa tabi niya.
Sa table ay may nakapatong na isang baso ng soda na malamang ay kay Ivy at limang walang lamang bote ng Smirnoff na siguradong kay Creia.
"Saan ka galing? Binisita mo si Queen Elizabeth II?" I joked.
Inalis naman niya ang shades niya at matalim na tumingin siya sa akin. It revealed her minimal eye makeup. Light pink ang eye shadow niya at naka-eyeliner lang, bukod doon ay wala na. Naka-matte coral lipstick lang din siya.
Maganda siya dahil half-British siya. Her eyes are deep and downturned, her nose is straight and pointed, her cheekbones are high, and her jawline is sharp. She also has fair skin and bow-shaped lips.
BINABASA MO ANG
Sunken Promises
RomanceNY Girls Series 1 | Lyra Zelena Avina Some promises are simply made for reassurance.